From Bataan's city proper, they traveled to Zambales. Doon kasi ang address na nakalagay sa ipinadalang sulat ni Soledad para kay Lorenzo. Mga higit sa isang oras ay narating na nang dalawa ang karatig probinsiya.
Madali lamang nilang nahanap ang numero ng posibleng kinaroroonan ni Lorenzo. Ngunit nalaman nila na matagal na palang nagiba ang dating nakatirik na bahay doon, at ngayon ay iba na ang nagmamay-ari sa lupa na iyon. Nagbakasali sila na tanungin kung alam ng mga bagong may-ari kung saan na ngayon nakatira ang mga Galang, pero hindi alam ng mga ito.
"Hey, wag kang malungkot! Magtanung-tanong tayo sa paligid. I'm sure meron at meron nakakakilala kay Lorenzon Galang sa lugar na 'to. Cheer up, Misis ko!" tudyo ni Amos sa babae ng makita ang pagkulimlim ng mukha nito. Napilitan itong ngumiti pagkarinig sa endearment na ginamit niya.
"Misis ko ka diyan! Mamaya maniwala yung mga tao huy!"
"Eh di maniwala sila! Bagay naman tayo, di ba?" he winks at her. Natatawa na lamang na umiling-iling ang dalaga. He really has a way of making her smile. "Well, tara na! Magtanung-tanong na tayo." aya niya sa babae na muling ngumiti. Nagpatiuna si Amos sa paglalakad. May mangilan-ngilan silang napagtanungan ngunit lagi na ay pare-pareho lang ang kanilang mga sagot, hindi nila kilala si Lorenzo Galang. Just when Khamis almost lost hope, biglang may isang matandang babae na nagsabing kilala niya ang kanilang hinahanap. Itinuro sila nito sa kabilang bayan, kamag-aral daw niya ang Lorenzo na yon, at doon sa kabilang bayan ng Mercedes ito lumipat kasama ang pamilya.
Pakiramdam ng dalaga ay nagkaroon siya ng ibayong lakas. Napapalapit na sila kay Lorenzo, and it only means getting closer as well to her dream project. The thought pleases her! Mabilis naman nilang narating ang kabilang bayan, palibhasa ay wala naman traffic di tulad sa Maynila.
Sa isang bahay na bungalow ngunit may kalakihan ang itinuturo ng address na ibinigay sa kanila ng nakausap nilang matandang babae.
"Kinakabahan ako!" nag-aalalang usal ng dalaga. She inhale and exhale couple of times.
"Kaya mo yan!" inabot ni Amos ang isang palad ng babae at marahan itong pinisil na tila pinapasahan ng lakas ang dalaga. Parang napapaso namang binawi ni Khamis ang kanyang palad. She can't understand, but everytime magdidikit sila, she would always feel an electricity running through her veins. Parang nakaka-kuryente, parang nakaka-kiliti.
Pero hindi iyon ang pinunta niya dito. Analyzing such feeling for Amos should be the least of her priorities. For all she know, baka naman imagination niya lang yung kuryente na yun. Isang tipid na ngiti ang kanyang isinukli sa lalaki bago tuluyan bumaba sa sasakyan.
"Tao po, tao po!" nilakasan niya ng bahagya ang kanyang boses. Mga ilang sandali pa ay isang may katabaang babae ang lumabas mula sa loob ng bahay.
"Sino po sila? Ano pong kailangan nila?" takang tanong nito sa kanya. Nang dumako ang tingin nito kay Amos na nasa likod ng dalaga, just the usual, tila nag-twinkle ang mata nito as if she saw an angel.
"Ah, I'm Khamis Rosales of ABD News TV. I came here to look for Lorenzo Galang. Tiga dito po ba siya?" pinasadahan siya ng tingin ng matabang babae.
"He is my father! Bakit mo siya hinahanap? Sandali, tumuloy muna kayo!" paanyaya nito sa kanila. Saglit na nag-atubili ang dalaga, ngunit muli na naman niyang naramdaman ang marahang pagpisil ni Amos sa kanyang balikat na gaya nga dati, tila nagbibigay sa kanya ng ibayong lakas ng loob; nang assurance na everything's gonna be alright. Nilingon niya ang binata, he smiles, enough to make her smiles, too. Magkaakbay silang pumasok sa loob ng kabahayan. Napakalinis at maayos sa loob kahit pa sabihin na hindi ito kalakihan. Sa dingding ay may mga nakasabit na naka-frame na larawan. Lumapit doon si Khamis at inisa-isang tingnan ang mga ito ng mapadako siya sa larawan ng isang matandang lalaki.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...