"Tinawagan mo si Hubby mo?" muntik mapatalon si Khamis sa sobrang gulat ng marinig ang boses ni Fourth. Lumilipad kasi ang utak niya sa pag-a-analyze kung bakit ganon na lamang ang reaksiyon ni Amos.
"Sira! Pati ikaw nakikitawag na din ng hubby dun." pinilit niyang ngumiti. She inhale! The feeling Amos is giving her is so intoxicating. Nakakalasing! Pero alam naman niya na biruan lang ang lahat. Ayaw niyang umasa, ayaw niyang tuluyang malasing sa pakiramdam na yun.
"Ha ha ha! Narinig ko kasing tinawag mo siya sa endearment na yan! Nakakainggit nga eh." napakatamis ng ngiti ni Fourth. Naiiling na lamang itong pinagmasdan ng dalaga. Sa totoo lang, mula kanina pa niya napapansin ang mga palipad hangin ng lalaki, but she just chose to ignore him. Hindi na nga niya alam kung paano tatanggapin ang kakaibang trato sa kanya ni Amos, magdadagdag pa ba siya ng isa? And besides, she doesn't like to appear so assuming. Malay mo naman, baka palabiro lang talaga si Fourth.
"Fourth, may question ako!" pagkuway tanong niya sa lalaki. Tingin niya ay maari siyang matulungan ng binata sa pagaanalisa sa gumugulo sa kanyang isip.
"Shoot! Ano ba yun?" naupo ito couch na nakatapat sa kanyang kinauupuan.
"A-ang mga lalaki ba talaga, mga possessive?" there! she have expressed what's been bothering her mind.
"Hmm, depende!" sagot naman ni Fourth. Pinagmasdan ito ng dalaga. Siguro kung nauna niya itong nakilala, marahil nagkaron siya ng crush dito. Gwapo ang lalaki, tisuyin. Ang mga mata ay mapupungay, red lips pa. Wait! Kung nauna niyang nakilala kaysa kanino? Kaysa kay Amos? So, ibig sabihin, may crush siya kay Amos? "aminin mo na kasi girl! crushable naman talaga si Papa Amos." panunudyo na naman ng isang side ng kanyang isip.
"Depende saan? Pls. enlighten me, Mr. Romero!" birong tanong niya kay Fourth.
"Ganito kasi yan, Ms. Rosales! Pag hindi namin type ang babae, never a chance na magiging possessive kami. In fact, mas gusto nga namin na hindi sila dikit ng dikit sa amin. Wala kaming pakelam sa gagawin nila o sasabihin nila. Ayaw namin ng commitent."
"Wow ha! Ang gwa-gwapo nyo! Tseeeee!" Khamis rolled her eyes to Fourth. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng binata dahil sa kanyang ginawa.
"Hey, stop rolling your eyes to me!"
"At bakit? ha? ha? ha?"
"Because you are too cute when you're doing that! It can be very distracting." Fourth sincerely utter. Natulala si Khamis dahil sa kaprangkahan ng lalaki. And just like the usual, she flushed!
"O siya sige, tama na bola mo! Tuloy mo na ang explanation mo." ani niya upang mawala sa kanya ang mga mata ng binata. Naiilang kasi siya sa mga titig nito. Which reminds her, sinabi nga pala ni Amos yun, yung tungkol sa tingin sa kanya ni Fourth.
"Yeah, but anyways, iba naman ang story pag gusto namin ang isang babae! We are very territorial. Pag gusto namin ang isang babae, we can be very possessive! Gusto namin, sa amin lang siya. And I tell you, it can be very annoying. Eh teka, ba't mo ba tinatanong sa akin?" hinimas-himas pa nito ang baba na kunwari ay nag-iisip din kung ano ba ang rason ng kanyang pagtatanong.
"W-wala naman! K-kasi my friend ako, g-ganyan yung situation. N-natanong ko l-lang, you know for conversation." pakiramdam ng dalaga ay nagkanda buhol buhol ang kanyang dila sa pagpapaliwanag. Ganon na talaga siya ever since, pag nagsisinungaling or defensive, she tend to tongue twist. Nagulat siya ng biglang lumapit sa kanya si Fourth ang gulu-guluhin ang kanyang buhok.
"Hoy ano baaa? Wag mo guluhin buhok kooo?" tabig ni Khamis sa kamay ng lalaki. Pero wala yata itong balak tumigil.
"Nakakatawa ka kasi! Alam mo, you suck in lying! Hindi sa'yo bagay, at hindi mo kaya!" ani ni Fourth na sobrang laki ng ngiti. Why, Khamis is really the cutest thing on earth na nakilala niya!
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...