7

4.3K 133 3
                                    

A woman looking so regal came out from the huge ancestral house. Tantiya ni Khamis ay mga nasa late 70's ito, ngunit mababakas pa din ang angking kagandahan na meron ito noong kabataan. The old woman has this uncanny resemblance to Gloria Romero, just she looks younger.

"Bakit mo pinapaalis ang mga bisita? Where's your manners?" malumanay ngunit puno ng awtoridad na sambit ng matandang babae. Parang gustong mahiya ni Khamis sa nakikitang ayos nito. She looks so expensive from head to toe. Classy in every way. Habang siya ay naka-maong lamang na pants at simpleng cotton tshirt.

"Lola Soledad!" nanlaki ang mata ng dalaga as Fourth utter the old woman's name. Nagkatinginan pa sila ni Amos na tila kinukumpirma kung parehas ba ang kanilang narinig na pangalan.

Khamis had to composed herself, because the woman in front of her is so very intimidating. Which is weird, hindi naman siya madaling ma-intimidate sa kahit sino. That's part of their job as well! Pero habang kaharap niya si Soledad, she can't help but to feel a bit intimidated.

"Good morning, Mam! I am Khamis Rosales from ABD News. I came here to see you and probably to talk to you about a letter i found in Philpost office. A 50 years old love letter that I believed came from you to a certain Lorenzo Galang." Tuloy tuloy na paliwanag ng dalaga na hindi man lamang pinansin ang nagbabantang mga mata ng apo nitong si Fourth. She saw shocked on Soledad's eyes as she heard the name. Pagkatapos ay unti-unting napalitan ng kalungkutan.

"C-can I see the letter?" pumiyok pa ang tinig ng matandang babae bilang tanda ng pinipigil na emosyon. Mabilis naman itong nilapitan ni Fourth at hinagod hagod ang likod ng kanyang lola.

Mabilis naman na inilabas ni Khamis ang liham sa kanyang dalang backpack at inabot iyong ng matanda. Nanginginig ang mga kamay na kinuha iyon ni Soledad mula sa kanya. Nakita pa lamang nito ang labas ng sobre ay tila hindi na nito kailangan kumpirmahin kung sa kanya ba ang sulat, her eyes tells everything.

"S-saan mo ito nakuha, Iha?" pagkaraan ng ilang sandali ay tanong nito sa dalaga.

"Sa Philpost office po. Nag-cover po ako dun, at inabot sa akin yan ng isang matagal ng empleyado dun. Sinabi niyang natagpuan lang din daw niya iyan sa drawer, at sinubukan niyang muli iyang ipadala sa addres na nariyan. Ngunit lagi na ay bumabalik lamang sa kanilang opisina." paliwanag niya sa matandang babae bilang pagtugon sa katanungan nito. Muli na naman niyang nagkita na nag-ulap ang mga mata ni Soledad as if trying to hold back the tears.

"I-ibig sabihin hindi ito natanggap ni Lorenzo!" it is more of stating a fact than a question. But Khamis still nod her head bilang pag sang-ayon.

"So, what brings you here?" muling tanong ng matandang babae. Saglit na nag-atubiling sumagot ang dalaga. Naramdaman niya ang pagpisil ni Amos sa kanyang balikat as if passing some strength to her.

"I came here to, hmm, I'm a journalist, Mam! I came here to make a documentary about this letter, and locate the two main character on this letter. To see if they end up together. Pero base po sa nakikita ko at sa nasabi na din ng inyong apo, I get it na hindi kayo nagkatuluyan ni Lorenzo." tinapunan niya ng tingin si Fourth na sa ngayon ay madilim ang mukha. Halata ang tinitimping inis sa mga taong kaharap.

"Tama, iha! We didn't end up together. I married Roberto few months after I sent this l-letter, my last letter." mahihimigan sa tinig nito ang lungkot.

"That's one of my plan po. Hanapin si Lorenzo at alamin kung bakit hindi niya sinagot ang mga letters nyo at para..."

"I am not interested to know, Iha! Iniwan na niya ako, di ba? Yun ang alam ko. Why would I even bother to find answers? Baka nga ayaw na din naman talaga niya na hanapin ko siya. Thank you for the offer, and for thinking to feature my story, but I'm afraid I have to turn you down." bakit pakiramdam ni Khamis ay may nahihimigan siyang galing sa tinig ng matandang babae? Galit para kay Lorenzo.

"Wait please makinig muna po kayo! What if he has reason kung bakit hindi niya nasasagot ang mga sulat niyo?"

"What could be the reason, Iha? Busy siya? I won't buy that crap! Kung mahal mo ang isang tao, you always find ways. But I guess, he didn't love me that much to even bother to squeeze in even a little amount of time just so I would know na m-mahal pa n-niya ako." muli na namang nabasag ang tinig ni Soledad. Parang gusto itong yakapin ni Khamis. Hindi pa niya nararanasan kung paano masaktan ng dahil sa pag-ibig, but also have experienced different kind of pain-- at isa nga dun ang pain na patunayan sa lahat na kaya niyang mag-excel sa piniling karera.

"Ms. Soledad, what about closure? Ayaw nyo po bang magkaron ng closure? Ayaw nyo po bang malaman kung ano talaga ang nangyari kay Lorenzo 50 yrs. ago?"

"Iha, minsan having no closure is already the closure! Matagal kong inisip ang mga sagot sa katanungan ko, pero bakit pa? Baka nga all along na nagdudusa ako, masaya na siya." ang kanina ay lungkot na tinig ni Soledad ay napalitan ng galit. And for Khamis, that alone is a sign that the love is still there, alam niya natatabunan lamang ng galit. Sabi ng kanyang Mama, hate is not the opposite of love. Indifference ang opposite ng love. Dahil ang hate pag nawala, mararamdaman mo na nandon pa din ang love. But when you feel indifference towards a person, that's when you can say na wala na ang love.

Lalapitan niya sana muli ang matandang babae, ngunit mabilis siyang hinarangan ni Fourth. She almost trip down kung hindi lamang siya nasalo ni Amos.

"Umalis na kayo! My grandma had enough!" sigaw ng lalaki sa dalaga.

"You don't have to raise your voice, dude! Aalis na kami." mahina ngunit mariin na sabi ni Amos kay Fourth. Hindi niya gusto ang pagtaas ng tinig nito kay Khamis, mangani-ngani siya paduguin ang mukha ng lalaki, but he chose not to. "Tara na, umalis na tayo!" inakay niya ang dalaga palabas ng malaking bahay ng mga Romero, ngunit mga ilang hakbang ay mabilis itong tumakbo muli kay Soledad, kaya naman hindi na ito napigilan ng nagulat din na si Fourth.

"Ms. Soledad, I hope you'll consider my offer! Here, you can give me a ring here. Nasa Transient home din po ako sa Bayan if ever magbago ang isip nyo, Mam!" inabot niya sa matandang babae ang kanyang calling card at pagkatapos ay mabilis na yinakap ito.

"Mam, the most painful goodbyes are those unexplained. Please, pumayag kayo na hanapin natin ang mga kasagutan." bulong niya kay Soledad.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon