Amos close his eyes as he inhale Bataan's fresh air. Madilim pa ng umalis siya sa kanyang condo sa Makati. He chose to travel by land, kahit pa anong pilit ni Mama Renee na sumakay na lamang siya sa private plane na pag-aari ng isa sa pinakamalaking mall ng bansa kung saan ang binata ang main endorser ng clothing line for men. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang maging normal na tao muli kahit pa sa loob lamang ng apat na linggo. Kahit nga ang sasakyan na kanyang ginamit papunta sa Bataan ay hiniram lamang niya sa isang kaibigan, isang puting HiLux pick up truck. He left all his other luxury car sa pangangalaga ng kanyang manager.
At maging ang kanyang tutuluyan ay hindi sa isang mamahaling Hotel gaya ng kanyang nakagawian. He instead opted to make a reservation sa isang maliit na transient house sa Balanga, the only city in Bataan Peninsula. Doon niya napili na mamalagi para makaiwas sa mga over crowded ng hotel sa lungsod. Maging ang kanyang apelyido ay kanyang binago. Hindi siya si Amos Madrigal dito, he instead change his name to Amos Dela Cruz. And unlike Boracay na masyadong maraming turista, ang Bataan ay hindi pa talaga ganon ka-progresibo, which is perfect for his hiatus.
Muling huminga ng malalim ang binata bago muling isinuot ang de kulay na salamin sa mata, at inayos na ang suot ng cap. Hindi niya sigurado kung hanggang sa lugar na ito ay may nakakakilala sa kanya, pero mabuti na din ang sigurado. Tinahak niya ang daan papunta sa transient house kung saan siya nagpa-reserved. Hindi na siyang nag-abala na muling isarado ang bintana ng sasakyan, he like to inhale the fresh air, something na tila wala na sa Kamaynilaan.
Isang nakangiting babae na tingin niya ay nasa edad singkwenta na ang sumalubong sa kanya pagkatapos niyang mai-park ang kanyang sasakyan. Tipid na ngumiti si Amos bilang pagtugon sa babae.
"Good afternoon, Sir! May reservation po kayo?" magalang nitong bati sa binata.
"Opo! Reservation for Amos Mad-, hmm, Dela Cruz po." he stammered. He have to remind his self na ibang tao siya sa lugar na ito. That he isn't the actor back in Manila.
"Ahh ganon po ba? Maligayag pagdating dito sa amin sa Bataan. Halika, dito po ang aming reception area." iginiya siya ng babae papasok sa loob ng transient home. Malinis ang lugar kahit pa hindi masyadong kalakihan. Sa loob ng reception room na tinutukoy ng matanda ay may tatlong kahoy na lamesa na marahil ay para sa mga guest na gustong magkape, o magmuni-muni. Napansin niya na may mangilan-ngilang tao na nakaupo doon. Amo didn't expected na marami din palang tenants sa season na ganito. Ang buong akala niya ay maaring isa o dalawa lamang sila.
Ilang pares ng mga mata ang hindi maiwasang mapatingin sa lalaki as he enter the establishment. Bakit hindi? Sa taas nitong 6 ft 2 tall, talaga namang makatawag ito ng pansin. Bukod sa may lahi siyang Japanese at Brazilian. Standout talaga ito sa karamihan.
But he is just very thankful na bukod sa palihim na pagsulyap sa kanya, tila wala naman talagang nakakakilala sa kanya dito. Marahil dahil hindi rin maiisip ng mga ito na ang sikat na aktor sa Pilipinas ay manunuluyan sa isang simpleng transient home.
"Good morning, Sir! Meron po kayong reservation?" malambing na tanong ng babae sa front desk. Halata ang pagpapa-cute nito sa gwapong binata. Sasagot pa lang sana si Amos ng isang babae ang hangos na dumating. Humawak pa ito sa counter ng front desk, habang ang isang kamay ay nakahawak sa dibdib as if catching her breath.
"Miss, may reservation ako! Ako si Khamis Rosales. I phoned you the other day. I believed I reserved the room 302." tuloy tuloy na salita ng babae. Tinapunan ng tingin ni Amo ang babaeng nasa harapan. Naka-itim itong Chuck Taylor, naka-abuhing kamiseta, at maong pants. Sa isang balikat nito ay nakasabit ang isang DSLR na camera, habang sa isa ay di kalakihang bag. Habang sa likod naman ay backpack. Her hair is in messy bun. Halatang galing sa isang malayong paglalakbay.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...