Mahal kong Lorenzo,
Ako ngayon ay nakatingin sa mga bituin, nagbabakasali na iyong marinig sigaw ng aking puso at dibdib. Ako ba ay iyo nang nakalimutan, Mahal? Nasaan ang mga pangako mong aking narinig? Ito na ang aking ikatlong liham, ngunit magpa-hanggan sa ngayon ay wala akong narinig na tugon mula sa'yo. Ngunit magpaganun man, nais kong malaman mo na kahit kailan ay hindi nagbabago ang pag-ibig ko sa'yo. Nais kong isipin na maaring ikaw ay abala lamang, o dili kaya ay may rason na talagang napakabigat kaya naman ikaw ay hindi tumutugon sa aking mga pagsamo. Gusto kong malaman mo na mula noon hanggang ngayon, ikaw lamang ang tanging laman ng aking isip at puso. Lorenzo, magbalik ka na sa akin. Nasasaktan ako na ikaw ay hindi ko kapiling. Ikaw ang tanging ligaya ng puso kong nalulumbay. Hihintayin kita aking, Mahal!
Lubos na nagmamahal,
Soledad
Inabutan ni Amos ng panyo ang dalaga na nasa passenger seat. She's reading the 50 yrs. old letter loud, at hindi na napigilan nito na mapaluha.
"Such a softie!" bulong ng binata sa sarili. Sa dalawang araw na kasama niya ito, napansin niya na kahit sobrang masayahin ang babae, she can be very soft and emotional. Dangan lamang ay pinipilit nitong itago yun.
"P-pasensiya ka na ha! Di ko lang talaga mapigilang maiyak. Naramdaman ko kasi yung pain ni Soledad." paliwanag ng dalaga na pinupunasan ang mga luha ng panyong kanyang inabot. Napangiti pa si Amos ng singahan ito ng babae. She is really something! Hindi nito alintana kahit pa mawalan ng poise. At napaka-passionate ng babae. Mahahalata mo sa pagsasalita pa lamang nito. How her eyes dance when she's telling funny stories. And how those eyes flame with so much enthusiasm when saying something she really love doing, and how he burns with those eyes as she stares at him.
"No worries! Well, malapit na tayo sa address na nakalagay diyan sa sulat. I hope ma-trace natin agad si Soledad!" he smiles. Tiningnan siya ng dalaga, now her eyes is showing different kind of emotion-- hope and trust! Hope na makikita nila ang hinahanap. Trust sa kanya na matutulungan niya ang dalaga. May masarap na pakiramdam na naramdaman si Amos. It's been awhile since the last time someone made him feel that she trust him, and he is planning not to disappoint Khamis.
Sa isang makipot na kalsada ipinasok ng binata ang kanyang pick up truck. Now, he is thankful na yun ang kanyang dinalang sasakyan dahil kung ang isa sa kanyang mga luxury car, he is sure na hindi kakayanin ng mga ito ang lubak lubak na kalye, dagdag pa na napaka-alikabok.
Isang luma ngunit malaking bahay ang tinuturo ng address na nasa liham ni Soledad. Pinasadahan ng tingin ni Khamis ang bahay. It's like an ancient house, yung tipong mga bahay noong panahon ng kastila. At kahit na sabihing luma, it looks like well-maintained.
"Yan nga yata!" bulong ng dalaga. Inihinto ng binata ang makina, bago mabilis na bumaba ng sasakyan. Umikot siyang upang pagbuksan ang dalaga ng pintuan, ngunit mabilis na itong nakalabas din at hindi na hinintay na pagbuksan pa. Nailing si Amos. Sanay siya na ang mga babae ay laging gustong ituring na prinsesa. But this girl is different, she is so very independent, and she isn't the type of girl that in need of saving. Sa madaling salita, kaya niya ang kanyang sarili! Again, Amos can't help but to admire her.
Inayos nito ang sunglass na suot pagkatapos ay tinungo ang malaking bakal na gate. Sumunod ang binata dito. Nakita niyang huminga muna ito ng malalim na tila umaamot ng lakas sa hangin, pagkatapos ay lakas loob na pinindot ang doorbell na nasa harap nang gate. Amos thinks the doorbell is a bit off sa kabuuan ng kabahayan. Di ba ang mga lumang bahay ay malaking bakal lamang ang ginagamit na pangkatok? "Oh well, siguro nag-level up na din ang bahay na 'to!" sabi ng biata sa isip.
Dalawang pindot sa doorbell ang ginawa ng babae bago walang anu-anoy ay bumukas ang malaking gate nang unti-unti. Muntik mapasigaw si Khamis, at napakapit pa nga sa braso ni Amos na mapagtantong wala naman nagbubukas ng gate, basta kusa na lamang itong bumubukas. Even how it sounds, parang yung mga haunted house sa mga horror film na napanood niya.
While Amos unknowingly wrapped his arm around Khamis. Hindi naman siya natatakot, ngunit hindi nila alam kung ano at sino ang mabubungaran, kaya naman pakiramdam ng binata it's his responsibility to protect her.
Nang tuluyang bumukas ang bakal na gate, isang maputing lalaki ang kanilang nabungaran. Taka itong nakatingin sa kanila, tila naghihintay ng kanilang pagsasalita. Sabay na nagkatinginan ang dalawa, at doon pa lamang nila na-realized na sobra na pala silang magkalapit. Mabilis na bumitaw si Khamis sa pagkakakapit sa bisig ng lalaki, habang ang huli naman ay mabilis na inalis ang kanyang mga bisig na kanina ay naka-protekta sa dalaga.
"M-magandang u-umaga po!" Khamis croaked. She have to swallow couple of times before repeating her greeting, "Magandang Umaga po!" there! that sounds more confident! nakangiting ani ng dalaga sa isip.
"Good morning! Ano po ang kailangan nila?" tanong ng lalaki. Mataman itong pinagmasdan ng babae. Gwapo ito katulad ni Amos, mestisuhin ngunit mas matangkad nga lang ang binatang kasama kaysa sa lalaking kaharap.
"I'm Khamis Rosales from ADB News. I am looking for a certain Soledad Bucud- Romero? Dito kasi yung last mailing addres niya eh!" Khamis tries her best to sound more confident and cool, kahit pa pakiramdam niya ay suntok sa buwan ang kanilang ginagawa.
"Soledad Romero is my grandmother. I am Roberto Romero IV, but you can call me Fourth! What can we do for you, Ms. Rosales?" hindi maaring magkamali si Amos, he saw admiration on Fourth's eyes as he look at Khamis. Lalaki din siya, alam niya ang mga tingin na yon.
"M-may nakita kasi akong letter sa Philpost office sa Manila. It was dated 1965, and it came from your grandma! Mr. Romero, hindi nakarating sa patutunguhan ang liham ng iyong lola." paliwanag ng dalaga sa lalaki. Tila naguguluhan itong napakunot ang noo.
"So, how does it concern you, Ms. Rosales? Please stop talking in riddle! Diretsuhin nyo na lang ako." seryoso nitong pahayag. Pinagmasdan ni Amos ang dalaga kung matitigatig sa tono ng pananalita ng lalaki, but he sees no sign of surrender.
"Gaya nga ng sabi ko, I'm a journalist, a documentary reporter for that matter. I came here to locate the sender of the letter, which is your grandmother, and if possible, locate as well the supposedly receiver of this letter." paliwanag ng dalaga sa lalaki, kay Fourth.
"Kanino ba dapat ipapadala yan ng lolo ko, Ms. Rosales?"
"To a certain Lorenzo Galang, I believed she is your grandmother's boyfriend and...."
"Wait, seriously? You came here to look for my grandma, to film about her long lost love? What made you think na papayag kami? Just so you know, my grandma has been married for almost 50 yrs. now, sa lolo ko, kay Roberto Romero I. So, do you think I will allow you to rekindle a long lost love just for your documentary? That will never happen, Ms. Rosales! So, if I were you, aalis na ako dito at..."
"FOURTH!!!!" tinig ng isang babae ang dumagundong sa buong paligid ng malaking bahay. Sabay sabay na nilingon ng tatlo ang pinanggalingan ng tinig.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...