34

8.3K 180 32
                                    

"Baks, medyo maliit ang venue for a Daniel Padilla show noh?" kumapit si Khamis sa braso ni Jean. Isinama niya kasi ito sa kanyang napalunan na close and personal encounter with Daniel Padilla. Alam niya kasi na kahit noong mga bata pa lamang sila, kaya nang mapuno ng gwapong aktor ang Araneta Coliseum, maging ang MOA Arena. Kaya naman lubos niyang ipinagtataka kung bakit sa isang maliit na events place ang venue ng nasabing event ni DJ.

"Eh baka kasi by invitation lang kaya maliit na venue lang. Kaya naman nitong maka-accomodate ng up to 200 guest ha! Wag ka nang magreklamo bakla ka! Ano, uwi na lang tayo o DJ?" ang sabi naman sa kanya ni Jean na aminado naman na tiga-hanga ni Enrique Gil, kaya nga nagulat siya ng pumayag ito na sumama sa kanya.

"Siyempre si DJ! Tara na nga sa loob!" hindi maintindihan ni Khamis kung bakit inaatake siya ng kaba. She already rubbed elbows with some elite people here and in the US. She can very well hold a conversation. Pero ngayon pakiramdam niya, she's like a teen age girl na excited makita ang kanyang idol.

Sa bandang unahan sila iginiya ng nagpakilalang event coordinator. Ayon dito, ito araw ang nakalagay sa kanilang invitation. Labis naman iyon na ikinatuwa ni Khamis. Mas makikita niya ng maayos si Daniel sa pwesto nilang yun. Luminga-linga ang dalaga. May kadiliman ang buong paligid, at ang stage lamang ang tanging maliwanag.

Mga ilang sandali pa ay nagsimula na ang programa. May ilang front act na kumanta at sumayaw. Pero parang walang nakikita si Khamis. She consumed of the thought na abot tanaw na niya ang idolong hinahangaan. Kung hindi siya nagkakamali, Daniel is already 29 by now. Apat na taon kasi ang tanda nito sa kanya.

When Daniel Padilla comes out from the backstage, isang malakas na tilian ang dumagundong sa events place na yon, habang si Khamis naman ay tila nabatubalani. Nakita niyang nagpunta sa gitna ang gwapong aktor. Sumenyas ito na itigil ang music.

"Magandang gabi sa inyong lahat! Salamat po sa pagpunta nyo ngayong gabi. Ang song po na kakantahin ko ay para sa lahat ng nagmamahal. When you found someone na hindi mo alam kung bakit mo mahal? Wag mo nang pakawalan pa!" makahulugang pahayag ng aktor, at tumingin pa ito sa gawi ni Khamis. Bakit pakiramdam ng dalaga, those words were directly for her? Dream on, Khamis! Baka naman napatingin lang sa'yo?" bulong ng babae sa isip.

"Simple lang ang pangarap ko
Mahalin ang katulad mo
Sana ay mapansin mo dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo
Simple lang ang pangarap ko
Mahalin ang katulad mo
Sana ay mapansin mo dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo
La la la la la
La la la la la
La la la la la
Simpleng tulad mo
La la la la la
La la la la la
La la la la la
Simpleng tulad mo..."

Hindi maintindihan ni Khamis kung nag-o-OA lang siya, but she find her self crying after DJ's song. Ganon talaga siguro ang pakiramdam ng fan girl na makita ang kanilang idolo ng personal for the first time. Nakaka-overwhelmed! Nakita niyang muling naglakad sa gitna ang aktor. May hawak ito na isang papel. Kung hindi siya nagkakamali, ito yung guest list na pinirmahan nila kanina.

"Gusto ko sana ng audience participation for this next number. Okay ba yun?" malakas na tanong ni DJ sa mga tao na sinagot naman nila ng malakas na OO. "Okay, sige, pipili ako from this list ha.." Khamis close her eyes. Nag-crossfinger pa siya na sana siya ang mapili ni DJ.

"May we call on Ms. Khamis Rosales? Akyat ka dito sa stage!" nakangiting anunsiyo ng gwapong aktor. Muntik pang mapasigaw si Khamis ng marinig ang kanyang pangalan.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon