Mabilis na hinila ni Zamantha ang broadsheet na binabasa ni Amos. Kanina pa kasi siya nasa harapan ng lalaki, pero tila wala na naman itong naririnig. Abala ito sa pagbabasa ng hawak na pahayagan.
"Zam!" may inis sa tinig ng binata na tinangkang agawin sa babae ang diyaryo. Ngunit maagap itong iniwas ng dalaga sa kanya.
"Etong babae na naman na 'to? Ilang araw ko ng napapansin na lagi kang natutulala pag nakikita mo 'tong babae na 'to." puno ng pagkapoot na binasa ni Zamantha ang caption na nasa ilalim ng larawan ng babae.
"Khamis Rosales, award-winning documentrist, ABD finest news anchor and soon to be the new host of a docu show to be aired every weekend. The show will be produce by Justine Salazar." ngitngit ang loob ng dalaga ng mabasa ang maikling summary ng pinaka-artikulo sa ilalim na larawan ng babae. Nakita pa niya ang isang maliit na larawan kung saan tila masayang-masaya si Justine na may ibinubulong sa babaeng nangangalang Khamis. She snapped! Her name sounds familiar, parang narinig na niya iyon somewhere.
"Give that back to me, Zamantha!" nagpipigil na sigaw ni Amos sa dalaga.
"No! Sino ba talaga 'to? Saka nabasa mo ba yung article? Nakita mo ba yung isang picture? Kasama niya si Justine. I am sure siya ang bagong prospect ni Justine. I am sure she is nothing but a slut and--"
"Zamantha, stop! You don't know her." maagap na pigil ng binata sa ano pa mang sasabihin ng babae. He can't stand hearing her throw insult against Khamis.
"Bakit ikaw kilala mo ba siya ha? Teka nga, kilala mo nga ba talaga 'tong babae na 'to? I noticed na lagi kang lutang tuwing makikita mo ang babae na yan. Tell me, sino ba siya?" nakapameywang na tanong nito sa lalaki. Gusto sanang mainis ni Amos sa ikinikilos ng babae na paran bang pag-aari siya nito.
"You know, this conversation is so useless! Wag na natin idamay ang mga tao na wala naman kinalaman sa atin. Let's just go and have our supper!" pag-iiba ng binata sa kanilang usapan. May sasabihin pa sana si Zamantha ngunit mabilis na niya itong tinalikuran. He fear that she might see the longing on his eyes sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Khamis.
Walang nagawa si Zamantha kundi sumunod na lamang sa lalaki ngunit dala pa rin ang inis at init ng kanyang ulo sa mga nalalaman. Una, si Justine. Sa tingin niya ay may nangyayari sa dating fiancee at sa Khamis na yun kaya nagkaroon ito ng show na produce ng lalaki. Pangalawa, si Amos. He is her only chance! Kailangan niya ang lalaki upang muling bumango ang tumamlay niyang career. With Amos, everything she have are good publicity. Pero tila yata miski ang binata ay humaling sa babaeng journalist na yun.
Sa isang restaurant sa Makati sila tumungo ni Amos. Sa isang fine dine-in restaurant kung saan siya nagpa-reserved. Napangiti si Zamantha ng ang lahat ng mga mata ay tumutok sa kanila. She is enjoying the attention. Alam niyang hindi pa rin kumukupas ang ganda na lubhang hinahangaan na lahat. May mangilan-ngilan pa nga na lalaki na tila naiingit kay Amos dahil ito ang kanyang kasama ng gabing iyon. Zamantha is so very sexy on her black, short dress. Plunging ang neckline, which shows her voluptous body. Truly, ang dalaga ang siyang pinakamagandang babae sa lugar na yon. And Zamantha is very well aware of that.
Mga ilang minuto pa lang sila nakakaupo ng muling magka-ingay ang tao. Magkasabay na nilingon nila Amos at Zamantha ang dahilan ng pagkakaingay. Halos sabay din silang natulala.
Si Khamis at Justine kasi ang dumating. Kasama nila ang kaibigan nito na si Jean, na nagulat din ng makita sila Amos at Zamantha. Pasimple pa nga itong tumingin sa kaibigan, pero tila wala lang iyon sa dalaga.
Lihim na nag-ngingit ang loob ni Zamantha habang nakatingin sa mga bagong dating. Khamis is just wearing a simple off shoulder white dress na hanggang tuhod lamang nito. Nakalugay lamang ang mahaba, at tuwid na tuwid nitong buhok. Hindi maalala ni Zam kung ilang taon na ang babae, but she looks so young dahil sa ayos nito. Ang kaninang mga mata na nakatingin sa kanya ay lubusan ng nakuha ng babaeng dumating. And she hates that!
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...