9

4.1K 117 7
                                    

"Boss, y-yung bus na pa-Manila nakaalis na?" wala pa yatang bente minutos ay narating na ni Amos ang terminal ng mga bus na galing at pabalik sa Maynila. Pinaharurot niya ang kanyang pick-up truck sa kabila ng paalala ng mga tauhan ng transient home na mag-ingat siya sa pagmamaneho. Hindi niya alam kung para saan ba itong paghahabol niya kay Khamis. He can't even understand his self, basta ang alam niya, he have to follow her.

"Ah, paalis pa lang! Ayan o!" turo ng lalaki sa bus na sakto namang dumaan sa kanilang harapan. Hindi na nagawang magpasalamat ng binata dito dahil mabilis na siyang tumakbo papunta sa unahan ng bus.


"Hoy, hindi ka pwede dito! Puno na kami, saka bumili ka muna dapat ng ticket." pagalit na sigaw ng kundoktor kay Amos pagkatapos niyang kalampagin ang unahang pinto ng mapansing walang balak ang mga itong pagbuksan siya.

"Boss, may hinahanap lang po ako. Sandali lang po ako!" pakiusap ng binata na tumatakbo pa din upang masabayan ang bus. Mabuti na lamang ay mabagal pa ang pagtakbo nito dahil medyo may kabagalan ang trapiko palabas ng terminal.

"Hindi ka nga pwede dito. Makulit 'to ha!" ngunit imbis na matakot, tinalon pa ni Amos ang loob ng sasakyan upang tuluyan siyang makapasok sa loob. Tinangka pa siyang pigilan ng kundoktor, ngunit dahil sa mas malaki ang pangangatawan ng binata, napakadali para sa kanya na takasan lamang ang lalaki na mas mataba lamang yata ng kaunti kay Palito.

Mabilis na tinahak ni Amos ang aisle ng bus, at inisa-isang tingnan ang bawat upuan. Ang mukha ng mga pasahero na kanina ay natatakot sa kanyang biglaang pag-akyat ay napalitan ng paghanga as they see his handsome face. Ang iba pa ngang mga dalaga ay hindi naiwasang hindi kiligin sa tuwing napapatapat sa kanilang mga upuan ang gwapong binata.

But it seems like Amos couldn't care much, isang tao lamang ang hinahanap ng kanyang mga mata. And there he found her, sa pinakahuling row. Nakasuot sa tenga nito ang earphone, nakapikit, at hindi maaring magkamali ang binata, she's crying; or at least trying to hold back her tears. Pero may isang luha na nakawala sa kanang mata nito, at hindi yon nakaligtas sa paningin ni Amos.

He slowly wipe her tear, kaya halos mapatili ang dalaga sa sobrang pagkagulat.

"A-amos?"  she blink her eyes couple of times just to make sure that he ain't just an illusion or part of her wild imagination. Paminsan-misan kasi, iba din ang imagination niya. But when he grabbed her arm, doon na-kumpirma ng dalaga na totoo ang nasa harap. Pero anong ginagawa nito sa loob ng bus? Uuwi na din ba ito pabalik sa Manila? Eh di ba, may sarili naman itong sasakayan? Saka....

Hindi na natapos ni Khamis ang mga katanungang binubuo sa isipan ng mabilis siyang hatakin ni Amos patayo pagkatapos nitong buhatin ang kanyang mga bag.

"Hey, what are you doing?" piksi ng dalaga ng bigla na lamang siyang hilahin ng lalaki patungo sa unahan ng bus.

"We're going back to... to... our room!" biglang umugong ang bulungan sa loob ng bus dahil sa sinagot ni Amos. Habang si Khamis naman ay pinamulahan ng mukha. Alam niya kung ano ang nasa isip ng mga tao. Ano pa ba ang iisipin ng mga ito sa isang lalaki at babae na magkasama sa iisang silid? The thought just give her goosies. She just couldn't imagine her parents reaction.

"S-shut up! P-pinapahiya mo ako!" mahina ngunit mariin niyang bulong sa lalaki.

"Well, sumama ka na lang sa akin pabalik! Mag-usap muna tayo, pls?" puno ng pagsamo ang mga mata ng binata. Ano bang topak nito? Bakit ba ako nito hinahabol? bulong ni Khamis sa sarili dahil hindi niya talaga gets kung ano ang dahilan bakit siya nito pinipigilang umalis.

".....Patawarin mo na yang syota mo, Miss! Para makaalis na tayong lahat oh! Naabala na din kami." sigaw ng isang lalaki na katabi ang kanyang asawa at dalawang anak. Pakiramdam ng dalaga ay lalong nag-init ang kanyang mukha. Itatama niya sana ang maling akala nito, ngunit nagsalita naman ang isa sa mga babae na nagpapa-cute kay Amos.

"Wag ka nang choosy, girl! Aartie ka pa ba? Ang yummy na kaya niyan!" pa-ismid pa nitong sigaw sa dalaga na halata sa tinig ang inggit at inis.

"H-hindi ko po siya boy--"

"Naku, pagpasensiyahan nyo na po 'tong Misis ko! Naglilihi kasi kaya nagiging matampuhin. Lalayasan ba naman ako na walang paalam, buti nahabol ko!" putol ni Amos sa sasabihin ng dalaga na ngayon ay nanlalaki ang mata sa kanyang sinabi. And he swears, gustong-gusto na niyang matawa sa nakikitang itsura nito as if she heard something scandalous.

"Huy, ano bang sinasabi mo!" lumapit ito sa kanya at bumulong. Mahihimigan mo na ang inis at pagkapahiya.

"Sumama ka na kasi sa akin." mahina niyang sagot dito.

"No!"

"Sasama ka ba o bubuhatin kita pababa ng bus na 'to!"

"You can't do that!"

"Well, try me!" humalukipkip ito sa kayang harap at nakakalokong ngumisi sa dalaga na halos maiyak naman sa sobrang inis na nararamdaman. Nakipagsukatan pa ito ng tingin sa binata na tila sinisigurado kung seryoso ba ito sa bantang pagbuhat sa kanya pababa ng bus.

Nanghihinang si  Khamis ang unang nagbaba ng tingin ng matantong hindi nagbibiro si Amos. And just by the look of his body, kayang-kaya nga siya nitong ihagis palabas gamit ang isang kamay lamang. Naglalakad ang dalaga papunta sa pintuan ng bus sa unahan.

"... arte! sasama din pala!" bulong ng ilang kadalagahan.

"next time pag mag-e-LQ kayo, wag kayo mandamay oi!" ani naman ng isang matandang babae.
Pakiramdam ni Khamis ay matutunaw siya sa sobrang hiya sa mga naririnig.

"Kasalanan 'to nitong Amos na 'to eh! Ano kayang sumapi dito gumawa pa ng ganong eksena?" inis na inis na bulong ng babae sa isip.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Khamis, galit ka ba?" tanong ni Amo sa babae na kanina pa tahimik simula ng makababa sila ng bus na yon na pabalik sa Maynila. Halos ipagtulakan nga sila ng kundoktor na kung hindi lamang niya tiningnan ng masama ay baka talagang literal na silang naitulak palabas.

"Ay, hindi! Ano ba dapat kong maramdaman? Matuwa dahil sa eksena mo?" pagtitimpi ng dalaga kahit pa mangani-ngani na niya itong sampalin at paulanan ng kalmot sa mukha.

"...wag sayang naman ang fez! Ang gwapo yan oh, babangasan mo lang?" bulong naman ng kanyang medyo may kalandiang konsensiya.

"S-sorry na, pleassee? Kaya ko lang naman ginawa yun k-kasi... k-kasi..." he stammered. Bakit nga ba niya iyon ginawa? Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makahanap ng tamang kasagutan.

"Alam ko naman kung bakit eh..." napatingin dito si Amos. What is she saying? Tinitigan siya nito sa kanyang mga mata. Pakiramdam ng binata ay may sumuntok sa kanyang sikmura dahil sa mga titig na iyon. He feels like his soul is being stirred. Hinuhukay ang kaloob looban ng kanyang puso at kaluluwa. And to top it all, it's his first time to feel that way!

"Alam ko naman na may gusto ka sa akin! Na sa loob ng tatlong araw na nagkasama tayo, hindi na ako nawala sa isip at puso mo. Na malulungkot ka pag umuwi ako sa Manila. So, you have decided to follow me. Alam ko naman na yan, Amos! You don't really have to explain."

Amos is speechless. Yun nga ba ang dahilan? Why, it feels so right? Hindi malaman ng binata ang sasabihin. Does he really like her? Malulungkot ba talaga siya pag bumalik ito sa Maynila? Questions starts bugging him. Tila ay biglang naguluhan ang lalaki. Ngunit paanong itong nalaman ni Khamis? Ganon na ba talaga siya ka-obvious?

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon