Isang masarap at masaganang pananghalian ang inihanda para sa kanila ng Tiya Cora ni Rodel. Inihaw na bangus, adobong manok at baboy, itlog na maalat, pritong talong at enseladang mangga on the side. Ipinagbalat din sila ng hinog na mangga ng mga ito na talaga namang napakatamis. Halos hindi na nga makatayo si Khamis sa sobrang kabusugan.
They opted to sit under the acacia tree na nakatayo sa tapat ng bahay. Sa ilalim nito ay may mahabang upuang kahoy na marahil ay sadyang ginawa upang mapagpahingaan.
"Gitara na lang kulang ha!" nakangiting sabi ng dalaga ng tuluyan ng makaupo ang lahat.
"May gitara diyan sa loob! Teka nga't ipapakuha ko kay Rodel." ani ni Tiya Cora ng marinig ang sinabi ni Khamis. Agad nitong tinawag sa pamangkin at ipinakuha sa loob ang gitara. Mga ilang segundo lang ay agad naman na lumabas na si Rodel na dala ang gitara.
"Ang cool! Marunong kang mag-play ng guitar?" sambit ni Fourth ng makitang si Khamis ang umabot nito.
"Yep! Konti lang.." nakangiti namang sagot ng babae na tinono-tono pa ang bawat strings.
"Me too! Tugtog ka pleasseee? Duet tayo!" pinagsiklop pa ng lalaki ang mga palad na tila nakiki-usap. Si Amos naman ay nakakaramdam ng inis. Paano, hindi siya maka-relate sa usapan ng dalawa. He doesn't know how to play the guitar kahit pa meron siyang sariling gitara sa bahay. His manager always encouraged him to study the instrument, para daw mas marami siyang magawa sa mga mall shows niya, o provincial and even out of the country shows. He always say yes, pero lagi na ay may dahilan siya para iwasan ang pag-aaral nito. Ngayon ay gusto niyang pagsisihan ang hindi pag-aaral mag-gitara! Why, Khamis and Fourth seems to jive well.
"Ano bang pwede nating kantahin? Hmmm! Ah, alam ko na." she started strumming the guitar.
"Alam ko yan, alam ko yan! I'll start ha?" si Fourth na agad nagliwanag ang mukha pagkarinig sa kantang kasalukuyang ginigitara ng dalaga. Tumango si Khamis bilang pag sang-ayon sa sinabi nito.
FOURTH:
Kung ika'y magiging akin
Di ka na muling luluha pa
Pangakong di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahalKung nakakatunaw lang ang mga titig, sigurado si Amos na tunaw na si Khamis ngayon sa mga titig na yon ni Fourth. At isa pang nakakadagdag sa inis ng binata ay ang marinig na maganda din pala ang boses ng lalaki. He was hoping na hindi, na boses palaka ito, pero mali siya! Napakaganda ng boses ni Fourth.
Kung ako ay papalarin
Na ako'y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
MagpakailanmanDi kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akin
Halos napigil ang paghinga ni Amos ng ituro ni Fourth si Khamis bilang tanda a ito na ang susunod na kakanta. He heard her sing before, but not with a guitar. The anticipation excites him.
KHAMIS:
Kung ako ay mamalasin
At mayron ka nang ibang mahal
Ngunit patuloy ang aking pagibig
MagpakailanmanDi kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akinParang lahat ay natulala pagkarinig sa tinig ng dalaga. Why, she sounds like an angel! Maging si Fourth na ka-duet ni Khamis ay tila nabatubalani.
"Ay bagay na bagay kayong dalawa! Maganda't gwapo na parehas pa kayong magaling kumanta ano?" ang sabi ni Tiya Cora ng matapos ang pag-awit ng dalawa. Amos once again clenches his jaw, lalo na ng makita niya ang pag-ngiti ni Fourth na tila gustong-gusto ang sinabi ng babae. Nag-request pa nga ng isang kanta ang batang Romero. Pakiramdam ng binata ay masyado na siyang naa-out of place sa nangyayari. Tumayo siya at tinungo daan papasok ng kabahayan.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...