23

3.8K 106 5
                                    

Kinabukasan ay maaga muli ang naging biyahe ng dalawa. Tumawag si Fourth at sinabing susunod na lang kasama ang kanyang Lola Soledad, kaya naman nauna na sila Khamis at Amos na tumungo sa Pampanga.

"... when you're in love, the sun shines seems brighter when in you're in love.." a smile formed on Khamis' lips as she heard Amos sings. Simula pa kanina ay napansin niya ang kakaibang sigla ng binata. Unlike the usual, ito ang mas ma-kwento ngayon kaysa sa kanya. Paano kasi, nakakaramdam siya ng kaunting pagkailang lalo pa nga't naaalala niya ang mga ipinagtapat nito kagabi. Gusto niya sanang paniwalaan lahat lahat ng sinasabi nito, but it's hard cause they caught each other in a not so normal place and set-up. And besides, she has never been in love. Hindi niya alam kung pag-ibig o paghanga lang ba ang nararamdaman sa lalaki.

Oo, alam niya na may kakaiba siyang nararamdaman para sa binata. A feeling that is so new, something stranger for her. Hindi pa niya kayang pangalanan sa ngayon, but all Khamis know is that, Amos is so very special to her.

"Anong song yan?" tanong niya sa binata na pasipol-sipol pa.

"Wala lang! Nagawa ko lang yan kakatitig sa'yo, Misis ko!" gustong matawa ng dalaga sa ginagawang pagpapa-cute ng lalaki. Sadya pa nitong pinapungay ang mga mata.

"Really ha? Composer ka na pala ngayon!"

"That's just the power of love!" kinindatan siya ni Amos. Naiiling na lamang ang dalaga. Sana ay kaya na niyang pangalanan ang damdamin na meron siya para dito. She knows that with Amos, everything will be so much perfect. Bakit hindi, ang klase ng pagmamahal na kaya nitong ibigay ay yung pagmamahal na kayang ibigay miski ang sariling buhay. Rare na kaya yun! Marami na kasi ngayong tao na nagse-settle na lang sa mediocre kind of live; they settle for less. Pero alam niya na with this guy, she can only expect the real, genuine, passionate kind of love. She smiles on her own thought. Narinig niyang muli ang pagkanta ng binata.

"... when you're in love, the sun shines seems brighter when you're in love... adsdsdsdsdsdssds" he stops and start humming the tune. Ano ba sabi sa isang kanta? "you say it best, when you say nothing at all". Cause even without words, kahit tingnan lamang ni Khamis ang binata, she knew na masaya ito.
"and i say, la la la la la la la!" biglang kumanta ang dalaga na kagaya ng tono nang kinakanta ni Amos. Napatingin ito sa kanya at ngumiti ng pagkalaki-laki. They sung the tune over and over again hanggang sa makarating sila sa Pampanga. It was actually a looong drive. Halos magtatanghalian na nang marating nila ang lugar nang huling Lorenzo Galang.

Pampanga is among the border line of Batanes to the North. Actually, ang Zambales at Pampanga, but the latter is just kinda a lot farther kung manggagaling ka sa city proper ng Bataan. May mga 30 minutos pa nilang binaybay ang daan bago narating ang Sitio Madrigal sa Sapang Bato. Bulubundukin ito, hindi katulad ng mga dinaanan nila na konkreto na. At ang lugar na mismong kinatitirikan ng address na ibinigay sa kanila ni Tiya Cora is a wilderness.

"Ito na yata!" bulong ni Amos sa dalaga pagkatapos nilang akyatin ang may kataasang barangay. Iniwan nila ang HiLux ng binata sa paanan ng pamayanan. They trekked for more than 15 minutes bago natanaw ang pamayanan. Nagulat ang dalaga na makitang patag na ang nasa ibabaw ng inaakala niyang bundok. May mangilan-ngilan na din kabahayan. Nagtanong-tanong sila hanggang sa naituro sila sa isang bahay na may dalawang palapag. Huminga ng malalim si Khamis. Here she go again! Ang tanging dalangin lamang niya na sana ay ito na ang kanyang hinahanap. Lakas loob niyang pinindot ang door bell na kanilang nakita. Nang walang lumabas sa una niyang pagpindot nito, inulit muli ng dalaga.

"Sandali lang!" isang tinig ang kanilang narinig. Napaatras si Khamis, maagap naman na hinawakan ni Amos ang bisig ng dalaga. He knows na kinakabahan ito, at alam din niya kung gaano ka-importante dito ang kanilang lakad.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon