25

4.2K 131 13
                                    

"So, naniniwala ka na ba sa forever?" nakangiting tanong ni Khamis habang naglalakad sila sa bakuran ng mga Galang. Kasalukuyang nasa loob ng bahay sila Soledad, Lorenzo, Fourth at Veronica. Ang sabi ng matandang lalaki, nagpahanda daw ito ng isang masarap na hapunan para sa lahat. Napagkasunduan din nilang lahat na doon na magpalipas ng gabi dahil delikado na din naman ang daan pababa.

"I wasn't a fan of forever, alam mo naman na yan! But, nung nakilala kita, I know I already have found my own kind of forever. Khamis, you are my forever! At, saka kung wala man talagang forever, eh di tayong dalawa na lang magpauso nun, di ba? Ipauso natin ang forever." nangingiting sagot ng binata na puno ng damdamin. And right at that moment, parang excited na si Khamis na magsimula ang "forever" na meron sila. 

"There you are Amos! Kanina pa kita hinahanap. Come, I'll show you around." sabay pa silang nagkatinginan ng biglang sumulpot si Veronica. Napatingin sa kanya ang binata ng hilahin ito ng babae. 

"You don't mind naman, di ba, Khamis?" tanong sa kanya ni Veronica ng mapansin ang pagtingin sa kanya ni Amos na tila humihingi ng saklolo. Nagkatitigan sila ng lalaki, hinihintay nito na tumanggi siya, pero ang dalaga ang unang nagbawi ng tingin.

"O-of course! Go ahead." mahina niyang sambit at nagyuko ng ulo, kaya hindi niya nakita ang sakit at pagkadismaya na bumalatay sa gwapong mukha ng binata.

Nang mag-angat ng tingin si Khamis, nakita na niyang nakayakap si Veronica sa isang braso ng lalaki habang tila may itinuturo dito. Paminsan-minsan ay may malambing pa itong pahampas-hampas sa binata. Naramdaman na naman ng dalaga ang kakaibang pakiramdam na yun. Hindi siya maaring magkamali, nasasaktan siya!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hanggang sa harap ng hapag kainan ay magkatabi sila Veronica at Amos. Panay ang kwento ng dalaga tungkol sa mga adventures nito sa abroad. Parang eager na eager naman na nakikinig ang binata. Pakiramdam tuloy ni Khamis ay hindi niya malunok ang pagkain. At kahit pa sabihin na napakasarap ng mga inihain sa lamesa, she can only taste bitterness. "eh anong inaarte arte mo, di ba kanina nagpapapigil naman sa'yo? Kaso hinayaan mo lang ha!" bulong ng kanyang may kakiyan na konsensiya. "Aba! Eh bat naman niya pipigilan yun? Sila ba? Saka kung hindi talaga gusto nun sumama diyan sa babaeng 1 kilo ang foundation, 2 kilo ang blush on, hindi yan sasama." ani naman ng isang side na may pagka-masunget.

Khamis shook her head. Si Fourth naman ay mataman lamang siyang pinagmamasdan, maging si Lola Soledad. They knew something is going on, but they choose not to say a thing.

"Here taste this, Amos! This is our specialty here." nag-angat ng tingin si Khamis ng muling marinig ang tinig ni Veronica. Sakto naman na nakita niya sinusubuan nito si Amos. She can't help but to roll her eyes! Kelan pa yan naging imbalido? Sus, si Mang Lorenzo nga na walang nakikita, nakakakain mag-isa eh! ngit-ngit na sabi muli ng dalaga sa isip. Pagkatapos kumain ay napag-pasyihan ng lahat na magpahangin sa labas. Sila Lorenzo at Soledad ay sa nakaupo sa loob ng kubo, maybe reminiscing everything about their past.

Sila Fourth, Amos, Khamis at Veronica naman ay nasa labas lamang. Dahil nga sa pagdating ng mga bisita, nagpabili si Veronica ng alak at pulutan. Inimbita pa nito ang ilang mga kamag-anak at kaibigan para makipag-inuman sa kanila. Naging masaya ang kwentuhan na lagi nang si Veronica ang bangka. Lahat ay tungkol sa kanya. Parang sinasadya nito na i-out of place si Khamis na nakaupo lang sa tabi ni Fourth.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ng dalaga ang malambing na tinginan nila Amos at Veronica. Paminsan-minsan pa nga ay inihihilig ng babae ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki. Sa tuwing gagawin iyon ni Veronica, pakiramdam ni Khamis ay sasabog ang kanyang didbdib sa isang pakiramdam na hindi niya mawari. Selos? Nagseselos nga ba siya?

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon