Dumilim ang mukha ni Amos ng iniabot ni Fourth Romero ang bouquet of white roses sa natitigilang si Khamis. Hindi niya gusto ang ginawa nitong pagtabig sa dalaga noong nagpunta sila sa tahanan ng mga Romero na muntik ng ikinatumba nito kung hindi lamang niya maagap na naalalayan ang babae.
At, higit sa lahat, he doesn't like how the guy stares at Khamis. He recognized those stares, di siya maaaring magkamali na tingin iyon na puno ng paghanga.
"M-mr. Romero, what brings you here?" tanong ng dalaga na tila ngayon pa lang natatauhan mula sa pagkakagulat.
"I came here to apologize for being rude. But you can't blame me, I am just trying to protect my grandmother." nakangiting paliwanag nito na sa babae lamang tanging nakatingin na parang wala si Amos sa tabi nito.
"O-of course! I would do the same if I were on your shoes. Wag mo nang alalahanin yun, wala na sa akin yun." tipid na ngiti din ang isinukli niya sa lalaki.
"Would that be all, Mr. Romero? If you'll excuse us, may pupuntahan kasi kami." singit ni Amos sa usapan ng dalawa. Hindi niya naitago ang pagkadisgusto sa kanyang tinig.
Doon pa lang siya nilingon ni Fourth na tila ngayon lang siya napansin. Bigla ang pagseryoso ng mukha nito, malayo sa kanina ay malambing at nakangiting anyo nito na nakaharap kay Khamis.
"I also came here to talk to Ms. Romero regarding her offer to my grandmother. A day after nyo siya nakausap, naging masyado siyang tahimik. She didn't want to talk to any of us. Hindi na siya masyadong kumakain since then. Our mayordoma were able to talked to her, and even she didn't express it in details, we know na naapektuhan siya sa pagdating nyo with that letter. Ms. Rosales, gusto ka sana niyang makausap. Baka pag nakausap mo din ang Lola Soledad, bumalik muli ang kanyang sigla." paliwanag ng lalaki sa kanila.
"N-ngayon na ba?" pagkuway tanong dito ng dalaga. Nilingon niya si Amos na hanggang ngayon ay madilim pa din ang mukha.
"K-kung pwede sana! But if may iba kayong lakad I--"
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...