21

3.8K 107 3
                                    

Kahit nakakaramdam ng panghihina at sobrang sama na din ng loob dahil sa naging komprotansiyon nila ni Amos, napagpasyihan pa din ni Khamis na bumalik sa kabahayan ng mga Galang. Hindi siya nagpunta dito sa Bataan para i-solve ang digmaan sa loob ng kanyang damdamin, she came here as a journalist. Ang nangyari sa kanya kanina sa kamay ni Rodel? Although it is really terrifying, she will just treat that as "part of the job." Marami siyang kasamahan sa pamamahayag na mas malala pa ang naranasan at nararansan, esp. those who are in Mindanao as field journalist. Ang iba naman ay halos inaalmusal na lang ang mga death threat. Kung susuko siya dahil lang sa nangyari, masasabi pa ba niya sa kanyang sarili na karapat-dapat siya na maging isang mamahayag?

Agad naman siyang sinalubong ni Fourth ng muli siyang pumasok sa kabahayan. Sinamahan naman siya ni Tiya Cora na makapaglinis at makapag-palit. Panay ang paghingi ng despensa ng matanda. Mula rito, nalaman nila na dating drug addict si Rodel, ang sabi pa ni Tiya Cora, pabalik-balik daw sa rehab ang binata na bunso sa dalawang anak ni Lorenzo, ang matandang lalaki na kasama niya kanina na siyang pumigil kay Rodel sa pag-unday ng saksak kay Amos. Ayon din sa matandang babae, nakasalubong niya ito ng pauwi na siya galing sa talipapa at magkasabay nilang narinig ang sigawan.

Itong nakaraang buwan lang daw nakalabas si Rodel mula sa rehabilation center. Ang buong akala nila ay ayos na ang pag-iisip ng lalaki! Dati din daw kasi ay may muntik na itong gahasain dahil sa sobrang pagkalulong sa droga, at kung hindi lang daw na-areglo ng matandang Galang ang kaso, malamang daw sa kulungan ito pinulot imbis sa rehab. Ngunit dahil sa nangyari, Lorenzo has no choice but to bring his son back inside the rehab. Nalungkot ang dalaga. Kahit pa may kasalanan ito sa kanya, she still feels sorry for him and lalo na, for his father.

Doon lang napagtanto ni Khamis, kung anak ni Lorenzo Galang si Rodel, ibig sabihin ikinasal din ito na katulad ni Soledad?

"Ahh, I hope you don't mind po, Tita Cora, p-pero, hmm, tunay pong anak ni Mang Lorenzo si Rodel?" nais niyang makasigurado. Noong una kasi akala din niya na anak si Melba Galang ng unang Lorenzo Galang na kanilang natagpuan. But it turns out that that Lorenzo was a gay!

"Oo naman, Iha! May katagalan na din ng pumanaw ang asawa ng kapatid kong si Lorenzo. Masyado niyang dinamdam iyon." paliwanag ng matandang dalaga na kinuha ang kanyang maruming damit.

"N-naku, wag na po! Ako na po ang bahala siyan!" agad na tanggi ni Khamis

"Ay nakakahiya naman sa iyo, Iha! Pasensiya na talaga sa nagawa ng aking pamangkin. Mabait na bata naman yan dati, dangan lamang ay naligaw ng landas simula ng mawala ang kanyang ina, at maging abala naman ang aking kapatid sa kanyang mga trabaho." ngumiti ang dalaga. She felt the sincere and genuine care of the woman for Rodel. Dasal ni Khamis na sana ay ma-realized ng binata how blessed he is, and soon sana magbago na siya.

"Kung tapos ka na diyan, iha, nasa sala na si Lorenzo. Maari mo na siyang kausapin para sa'yong sadya! Mauna na ako para makapaghanda ng hapunan ha!" paalam ni Tiya Cora. Muling tumingin ang dalaga sa salamin nang makalabas na ang matandang babae. Nangingitim ang kanyang pisngi, may isa itong malaking pasa, sigurado siya mula sa pagkakasampal sa kanya ni Rodel. She can also feel some little pains of her body, marahil sa pagkakakaladkad sa kanya nito.

Pero ang pinakamasakit ay ang kanyang dibdib. No, not the physical pain! But the pain Amos' words brought her. Ang sakit! Buong akala niya, kilala na siya ng lalaki. But he instead accused her of sending motives. Yung pagiging gullible niya, okay na sana yun eh, mapapalampas na niya. Pero yung sabihin nito na nakikipaglandian siya, that's just below the belt.

"Hush, Khamis! Tama na yan! You came here for your project, babalik ka na din ng Manila after this!" bulong ng dalaga sa sarili. She flashes a smile sa tapat ng salamin. Ang sabi nga sa nabasa niya, just smile kahit nasasaktan ka para walang makahalata. Mga ilang segundo pa, napagpasiyahan na niyang lumabas at harapin ang lahat.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon