14

4.2K 101 2
                                    

"You're smiling!" nilingon ni Khamis si Fourth.

"Am I?" She is trying to hide the smile na kanina pa hindi maalis-alis sa kanyang mga labi. Natatawa kasi siya sa eksenang ginawa ni Amos kani-kanina. Kung hindi lamang niya alam na everything were just part of their "teasing each other" banters, kikiligin siya sa ginawang yun ng binata. "Eksena din nung lalaking yun eh, noh? Masyadong madaming naiisip na kalokohan!" bulong niya sa sarili while smiling like a fool.

"He must really love you!" muli niyang narinig na sabi ng lalaking katabi. Tila noon lang niya muling naalala na may kasama pala siya. Pakiramdam niya kasi ay lumulutang siya sa ere. "Hoy, Khamis, bawal kiligin! Charot charot lang yun. Wag kang mapa-fall. Ang unang ma-inlove talo!" bulong naman ng KJ na parte ng kanyang utak.

"Naku, girl! Wag kang maniwala diyan! Gow, gow, gow lang! Nakaka-kilig naman talaga yun kanina. Winner na winner yun!! Para kang si Chichay dun na binigyan ni Joaquin ng BEST DATE EVER. Para kang si Agnes na hinarana ni Xander sa La Presa. Ganern ang level mo kanina girl! Enjoy the kilig lang!!" bulong naman ng may kalandian na parte ng kanyang utak.

Inisip ng dalaga na may point parehas ang kanyang dalawang konsensiya, pero bakit parang mas bet niyang pakinggan ang may kaharutan niyang konsensiya. The thought made her smiles.

"Hello, Khamis, are you still with me?"
"Huh? Pardon?" para pa siyang nagugulat nang muling marinig ang tinig ni Fourth.

"Hahah! Lumulutang ang isi pmo. Ang sabi ko, he must really love you!" ulit nito sa sinabi na saglit siyang tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

"He who? You mean si Amos? Hahahah! Nagbibiro lang yun. Lagi kasi kami nag-aasaran nun. Pero wag kang maniwala dun." kunwari ay balewala lamang iyon para sa kanya. She could only wish that she looks convincing.

"You mean, hindi mo siya boyfriend?" parang nabuhayan ng loob si Fourth sa narinig. He have to admit, attracted siya sa dalaga. He finds her cute and very charming. Medyo nanghinayang nga siya ng malaman ang pakay nito sa kanila. Pero hindi na ito naalis sa kanyang isip. Kaya naman ng hilingin ng kanyang abuela na makausap ang dalaga, siya na ang nagprisinta na sadyain ito sa tinutuluyan nitong transient home sa bayan.

Umiling si Khamis bilang pagsagot sa katanungan ng lalaki. "Pero wishakels niya na sana jowa niya si Amos! Sus, aminin mo yan girl. Wag kang plastic!" hiyaw muli ng kanyang super kikay na konsensiya.

"So, kung hindi kayo, bakit kayo magkasama sa iisang room?" muling tanong ni Fourth sa nanahimik na naman na babae. Sa katunayan, maging siya ay nagulat ng makitang magkasama na bumababa ang dalawa mula sa silid. Lalo ng malaman niya na magkasama itong natutulog sa iisang kwarto. Medyo hindi niya iyon inaasahan sa babae! Mukha kasing inosente ang dalaga; naive and innocent. Kaya naman talagang ikinagulat niya ang nalaman. But nevertheless, he still like her! Alam naman niya na natural nang nangyayari ngayon ang magsama sa iisang bubong ang magkakasintahan at this modern time. It's no big deal! Hindi niya talaga inaasahan yun mula kay Khamis.

"Well, I think that's too personal, Mr. Romero! I have my reasons, but I am not planning to explain myself to you, I hope you don't mind." ani ng dalaga. Sa tingin niya kasi he is getting too comfy na pati ang mga bagay na yun ay tinatanong na nito sa kanya.

"Uhmm, s-sorry! I'm not trying to be rude, just want to make a conversation. Pasensya ka na, Ms. Rosales." hingi nito ng paumanhin na muling itinuon ang pansin sa kalsada.

"O-okay lang! Pasensya na din, I think I overreacted. And please, Khamis na lang!" parang bigla naman na-guilty na sabi ng dalaga sa lalaki. Minsan talaga kasi hindi niya hindi mapigilan ang paglabas ng kanyang pagiging maldita at dugong journalist.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon