Muntik nang mapamura si Khamis ng tingnan niya ang oras sa kanyang wrist watch. 6:30 pm. Alas-siyete ang dinner nila ni Amos.
"Jusko! Reyna ka talaga ng sablay, Khamis! First date mo 'to technically, pero hindi ka man lang nag-abalang mag-ayos!" inis na bulong ng dalaga sa isip. Tiningnan ang sarili sa salamin. Naka-puting long sleeve lang siya, maong na pantalon buti na lang ang kanyang doll shoes ang isinuot niya kung kanina, kung ang kanyang paboritong chuck taylor, mas lalong katawa-tawa ang itsura niya ngayon.
Nagpahid ng pulbos ang dalaga, at naglagay ng manipis na lipstick. She also combed her hair. She sighed! Kung kelan naman kailangan niyang maging maganda ngayon pa siya nagmukhang Haggardo Verzosa. Kung uuwi naman siya, wala na din siyang sapat na panahon para mag-ayos. Naiiling na lamang na kinuha ng dalaga ang kanyang pabango, na madalang pa sa patak ng ulan niyang gamitin, and spray it all over. Pakiramdam niya ay tumi-triple na ang tambol ng kanyang puso sa sobrang kaba. Nang sa tingin niya ay maayos na ang kanyang itsura, muli siyang bumalik sa kanyang lamesa.
"Khamis, mauna na kami ha!" tinanguan lang niya ang ilang mga kasamahan na ngayon ay nagsisimula ng magsipagbaba. Hinanap ng mata niya ang kaibigang si Jean.
"Hmp! Kung kelan mo kailangan ang kaartehan nitong babaeng 'to saka wala." inis na bulong ni Khamis sa sarili. Nanginginig na inayos na niya ang kanyang mga gamit sa bag. Lalong lumalakas ang tambol ng kanyang dibdib, alam niyang anytime, darating na si Amos to pick her up.
"Khamis!"
"Ay, anak ng pitong kalabaw na kuba!" muntik mapatalon ang dalaga ng marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan, paano kasi ay masyadong occupied ang kanyang isip in anticipation sa kanyang first ever official date na hindi na yan namalayan ang paglapit ng kanilang executive editor na si Ms. Edith.
"Ha ha ha! Nasobrahan ka yata ng kape ngayong araw naging magugulatin ka, saka you look tensed." natatawang turan sa kanya ni Ms. Edith. Parang napapahiya namang yumuko si Khamis. "o sige mauna na din ako sa'yo ha! And ah, BTW, ikaw na lang pala ang mag-lock ng office ko ha! Ilagay mo na din dun yung mga changes na pinagawa ko sa'yo sa spiel mo." tumango ang dalaga.
Nang tuluyan na itong nakaalis, doon pa lang nakahinga ng maluwag si Khamis. Mabilis na siyang kumilos, tinungo niya ang office ni Ms. Edith na nasa dulo pinakadulo ng pasilyo na yun. Habang naglalakad, doon pa lang niya na-realized na siya na lang pala ang mag-isa loob ng kanilang department, although sigurado siya na nasa labas pa ang security guard na siyang magsasarado ng lahat.
Pumasok siya sa loob at inilapag sa table ng executive editor ang kanyang pinaghirapang spiels. Eksaktong nailapag na niya ang folder ng biglang namatay ang mga ilaw. Muntik na naman mapatili si Khamis. Hindi sana siya matatakot kung hindi niya naalala si Margarita.
"Hindi kaya dinadalaw na naman ako nun?" Kinikilabutan niyang muling bulong sarili. Hinugot niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pantalon, ginamit iyon para magkaron ng liwanag.
"Mang Ben? Mang Ben?" tawag niya sa pangalan ng guard na naka-duty sa labas ng may marinig siyang parang gumagalaw. Nagsisimula na siyang matakot. Pero sigurado siya na aakyat agad ang lalaki dahil sigurado din siya na ipinaalam dito ni Ms. Edith na nasa itaas pa siya.
Kumakabog ang dibdib na unti-unti niyang pinihit ang seradura ng pinto sa office ng executive editor. She push the lock button again para kung sakaling nasa labas si Mang Ben, nasigurado niya na din na na-lock na niya ang pinto ng opisina ni Ms. Edith.
But when she opened the door, laking gulat niya ng maraming maliliit na kandila ang naka-kalat, scented candles, and not only that, there are also petals of red roses scattered everywhere sa kanyang dadaanan. And even if Khamis has a feeling kung sino ang may gawa nito, hindi pa din niya maitatanggi na lubha siyang nasorpresa. Nang nasa may kalagitnaan na siya ng medyo may kahabaang pathway ng kanilang opisina, isang awitin ang pumailanglang sa ere. And she thinks, she knows the song...
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...