2

6.6K 162 3
                                    

"Ang hiling lamang po namin sana ay tamang sahod. Meron din po kaming mga pamilyang binubuhay!" daing ng isang kartero na kinakapanayam ni Khamis. Tumango tango ang dalaga bilang tanda na kanyang naiintindihan ang gustong iparating ng mga tauhan ng Philppine Post Office sa gobyerno. Pagkatapos sabihin ang kanyang spiel ay sinsensayan na niya ang cameraman na kasama upang patayin ang hawak nitong camera.

"Thank you po, Ma'am! Malaking tulong po itong interview nyo sa amin. We believe na through the media, mas mapapabilis makarating sa kinauukulan ang aming mga hinaing." lumapit sa kanya ang isa sa mga nagta-trabaho sa pinakamalaking post office sa buong bansa. She smiles! Oo nga't hindi niya gusto kanina na sa kanya ibinigay ang pag-i-interview sa mga ito, pero masaya siya na marinig na nakatulong siya. At least that's a consolotion for her so bad day.

"Matagal na po kayo nagta-trabaho dito?" tanong niya sa matandang babae.

"Oo, iha! Mga 20 yrs. na akong nandito." her smile is bittersweet at buong pagmamahal na pinagmasdan ang buong paligid, "napaglumaan na kami ng panahon! Technology already took over. Kakaunti na lang ang mga nagsusulat, most people prefer to just send a text message or email. Mas mabilis kasi yun!"

Khamis can't help smiling. May katwiran ang matandang babae, tunay nga naman na masyado ng advance ang technology ngayon. Kung dati ay kailangan mo pang maghintay ng isang linggo o higit pa para makuha ang iyong mensahe, ngayon lahat ay napakabilis na.

"Pero ako po, I still prefer receiving written love letters! Mas nakaka-kilig pa rin po yun. May personal touch." pagkuwan ay sabi ng dalaga. Ang matandang babae naman ang siyang napangiti.

"Sinusulatan ka siguro palagi na iyong nobyo!" ani nito na ikinapula ng mukha ni Khamis. Nobyo? Boyfriend? Oo nga, nu? 23 na siya pero hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend!

"Naku po, hindi pa po ako nagkaka-boyfriend! Wala pong magkamali." nangingiti niyang turan sa matandang babae.

"Oh bakit naman? Napakaganda mong bata eh! Aba'y bulag na ba ang mga kalalakihan ngayon?"

"Baka nga po! hi hi hi" yun na lamang ang nasagot ni Khamis. Nakita niyang tinungo ng matandang babae ang hanay ng mga lumang drawer, may dinukot itong isang folder, at naupo sa isang plastic na upuan.

"Alam mo bang 35 years na akong kasal? Masarap ang umibig, iha! Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na umibig." the old woman said with dreamy eyes. Muling nangiti si Khamis. Natutuwa siyang makita ang glow sa mata nito, ang mata ng isang tunay na nagmamahal. 35 years is no joke, lalo sa mga panahon ngayon na may expiration date na yata ang lahat, miski ang marriage.

"Hindi ko po kasi priority yan eh! Focus po ako ngayon sa career ko. Makakapaghintay naman po ang pag-ibig." halos ay pabulong ng saad ng dalaga, kahit ang totoo, she have no idea kung paano ma-in love.

"Nakakapaghintay ba talaga ang pag-ibig? Gusto kong paniwalaan yan, iha! Sana nga nakakapaghintay ang pag-ibig. Alam mo bang meron ditong sulat na pinagkatago-tago ko?" nakita niyang inilabas nito ang isang puting sobre. Actually, hindi na nga puti eh, medyo manilaw-nilaw na, halatang tinago ng napakatagal na panahon.

"This letter is dated 1965, iha! 50 years ago. Sampung taon bago ako magsimulang magtrabaho dito sa Philpost. Nakita ko 'to na nasa drawer ng lamesa ko. Nakabukas na ang sulat, kung bakit ay hindi ko alam. Because of curiosity, binasa ko ang sulat, Iha! And it's addressed to a certain Lorenzo Galang, galing kay Soledad Bucud. A very beautiful love letter! Sobrang ganda na naisip ko, sayang naman kung hindi ito nabasa ni Lorenzo. Ang tatak sa sobre nito ang sensyales na naibalik ito dito. Two possible reason, maaring wala ang tao na nakapangalan dito, o di kaya ay mali ang address." mahabang paliwanag ng matandang babae. Ang kanina ay walang pakelam na si Khamis ay nagsimulang maging interesado sa sulat na tinutukoy ng babae.

She touches the letter! Bakit pakiramdam ng dalaga ay may isang malakas na pwersa na nagsasabi sa kanya na basahin ang liham? She shook her head! Baka naman nadadala lang siya sa kwento ng matandang babae na kaharap.

"Hindi nyo po sinubukan na ipadala ulit itong letter sa address na nariyan?" she curiously asked. Ngumiti ang matandang babae.

"I did! Ilang beses kong sinubukan. Ngunit lagi na ay bumabalik. Hanggang huminto na ako sa kakasubok. Pero itinago ko ang liham na 'to. Siguro marahil dahil sa nag-uumapaw na pagmamahal na nasa liham. Siguro marahil, nagi-guilty ako dahil pakiramdam ko, nasa kamay ko ang magandang katapusan sana ng isang magandang pagmamahalan, ngunit wala akong nagawa." malungkot na turan ng matandang babae.

Parang may pwersa na nagsasabi sa kanya na basahin ang liham, so powerful na pakiramdam ng dalaga, nahihirapan siyang huminga.

"Kaya sana nga ay tama ang iyong sinasabi, na nakakapaghintay ang pag-ibig! Sa tuwing babalikan kong basahin ang liham na 'to, I can't help but to wonder, nagkatuluyan kaya sila Lorenzo at Soledad? Masaya kaya sila ngayon na nagsasama gaya ng masayang pagsasama namin ng aking kabiyak? I have no way to find those answer! All I can do is to wish them well kahit pa hindi nila ako kilala." Khamis stares at the old woman. She's so very poetic, so very romantic. Kaya siguro ang kasal nito ay tumagal ng ganon katagal.

Biglang nagkaron ng ideya sa utak ng dalaga. Paano kung hanapin niya sila Soledad at Lorenzo? Maari niyang gawin itong subject for her documentary. Sabi ni Ms. Edith, something interesting. Well, this is beyond interesting!

"Paano po kung sabihin ko sa inyo na pwede nating malaman kung nagkatuluyan ba sila Soledad Bucud at Lorenzon Galang? Paano kung may magagawa pa tayo?" her journalist instinct sink in. Alam niyang mahirap, pero hindi imposible.

"Eh paano, ineng? Matanda na ako! Ngayon taon nga ay magre-retire na ako sa serbisyo. Hindi ko na kaya pang na hanapin kung sino man ang mga tao sa liham na ito." malamlam ang mga matang tanong sa kanya ng matandang babae.

"Paano po kung ako ang maghanap? Ipagkakatiwala nyo po ba sa akin ang liham na yan?" her eyes are flaming with so much enthusiasm and passion. Sa tingin ni Khamis, nahanap na niya ang pinakamagandang subject for her documentary report.

"S-sige ba, hindi naman ako ang may-ari ng liham na yan! P-pero maari ba akong humiling ng isang pabor, ineng?"

"Ano po iyon?" nakangiting tanong ng dalaga sa babae. Kahit pa siguro humingi ito ng bayad kapalit ng liham, ibibigay niya mapasakamay lamang niya ito.

"Kung sakaling may malaman ka, sana ay ipaalam mo sa akin. Gaya mo, ang kuryosidad ko din ang umaapaw na malaman kung sila ba ay nagkatulyan." sabi ng matandang babae. Khamis can't help smiling! Meron pa rin talagang mga tao na di naghihintay ng kapalit.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon