10

5K 126 5
                                    

"K-Khamis, I-i, I-i." pakiramdam ng binata ay nagkabuhol-buhol ang kanyang dila. He is seriously lost for words. Ano ba ang dapat niyang sabihin?

"HAHAHAHAH! Ang seryoso nito! Charroottt lang!" bigla ang pagtawa ni Khamis ng makitang tila hindi komportable si Amos sa kanyang nasabi. "Ang galing ko, nu? Writer kaya akon sa school paper namin from Elementary to College. Gumagawa din ako ng mga stories for stage play! Ganyan karaniwang theme eh, may mapa-fall! HAHAHAHAH! Pero sigurado naman ako na hindi yun mangyayari sa'yo, I mean yung ma-fall sa akin." dagdag pa ng dalaga na hindi pa din tumitigil sa pagtawa. Gusto niya lang kasing gantihan ang lalaki sa ginawa nito sa kanya. And by seeing the shocked on his face, she has a feeling na nagtagumpay siya.

Habang si Amos naman ay nakahinga ng maluwag nang mapagtantong biro lamang ang pahayag ng babae kanina. He felt relief! Pero bakit nga ba talaga niya pinigilan ang dalaga? The answer to that question is still bothering him. Bakit nga ba?

"O siya sige na! Bakit mo ba talaga ako sinunandan? Kulang ba yung share ko?" maya-maya lang ay muling tanong ni Khamis sa lalaki pagkatapos ng kanyang pagtawa. Nakapameywang pa itong humarap sa binata.

"A-ah, w-well, di ba sabi mo mahalaga sa'yo 'tong project mo na 'to?" Amos tries his best to sound calm and normal, kahit pa pakiramdam niya ay may nakabara sa kanyang lalamunan.

Bigla ang paglungkot ng mukha ng dalaga pagkarinig sa kanyang sinabi. Sa totoo lang, labag naman talaga sa kanyang loob ang pagbalik sa Manila. Kanina nga ay pinipigilan lamang niya ang humagulgol ng iyak, kahit pa ang sakit sakit sa loob na tanggapin na kailangan na lamang niyang isuko ang isang napakagandang proyekto.

"Sobrang mahalaga! P-pero anong magagawa ko, hindi pumayag si Soledad!" malungkot nitong usal pagkaraan ng ilang segundo.

"Susuko ka na lang ng ganun? Di ba ikaw ang madalas mangaral na kailangan maging matapang in taking chances? Eh why not practice what you preach?" napapahiyang napatingin si Khamis sa binata. He has a point, pero paano?

"What if I tell you that I have an idea?" masayang sambit ni Amos na tila nabasa ang nasa utak ng dalaga. Parang biglang nagliwanag ang mukha ni Khamis sukat sa narinig na sinabi ng lalaki.

"And what is it?" she smiles at him. A smile that he would always want to see in her cute face! Kinailangan pa ng binata na pumikit at huminga ng malalim dahil pakiramdam niya, he is getting mesmerized by that smile.

"Well, pwede pa rin nating simulan ang documentary mo while waiting for Soledad's decision. Remember, dalawang tao ang laman ng sulat na yan, hindi lang si Soledad Romero." he eagerly explains. Saglit na kumunot ang noo ng babae as if trying to understand what he is trying to say. Ngunit pagkaraan ng ilang saglit ay unti-unti na itong ngumiti.

"Y-you mean to say, hahanapin ko muna si Lorenzo Galang?" 

"WE, Khamis, WE! We will look for him. Tutulungan kita!" pagtatama ng binata.

"Y-you will help me?" she can't help but to get teary eyes.

"Y-yes! Di ba sabi mo sa akin, I can always talk to you? Well, I am intending to take that offer!" biro ni Amo sa babae ng mapansin ang pamamasa ng kanyang mata. She can't help smiling.

Tumayo si Khamis at walang anu-ano ay niyakap ang lalaki na nagulat sa kanyang ginawa. Nung una ay atubili pa ang binata. It's been awhile since the last time someone gave him a hug, and if he will going to be honest, it feels soooo damn good! Unti-unti na ding niyakap ni Amos ang dalaga. God, she has the softest skin! And she is so tiny he fear he would break her bones.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon