Ganun pala ang love! Kaya ka nitong pasayahin ng sobra sobra. Yun ang na-realized ni Khamis sa mga sumunod na araw. To say that she is happy is an understatement! Kahit pa nga she's been cramming to finish her docu, parang hindi nakakaramdam ng pagod ang dalaga. Lagi na ay nakaalalay sa kanya si Amos. Maging sila Fourth, Lola Soledad, Mang Lorenzo at pati na rin si Veronica, na ngayon ay naging kaibigan na din niya, ay naging napaka-matulungin sa kanya. Pakiramdam tuloy ni Khamis, nakatagpo siya ng isa pang pamilya sa katauhan ng mga ito.
At ngayong gabi nga ang huling gabi nila sa Bataan. They have decided to spend the night at the Romero's ancestral home. Naroroon din ang mag-lolo na si Mang Lorenzo at Veronica. Nagpahanda ng isang munting salo-salo si Lola Soledad, parang pa-"despidida" para sa kanilang pagbabalik sa Maynila. Mixed emotion ang nararamdaman ng dalawa. For Khamis, nakakaramdam siya ng lungkot na iiwan na ang lugar na ito na naging tahanan nila sa loob ng isang buwan. When she first came here, she never thought she would love this place. Pero sa isang banda, masaya din siya na natapos niya ang kanyang pakay. Hindi nga ba't iyon naman ang kanyang dahilan sa pagpunta dito sa Bataan? To chase her biggest breakthrough? She just didn't expected that in this far away place, she also have found love. Napangiti ang dalaga at tinapunan ng tingin ang binata na nasa kanyang tabi. Nakahiga sila sa damuhan sa bakuran ng mga Romero under the clear, night sky of Bataan. Nakapikit ito na tila ninanamnam ang malamig na pang-gabing hangin.
"Amos, anong iniisip mo?" tanong niya sa lalaki. Naka-unan siya sa braso nito, and Khamis would swear to heaven, Amos' arms feels like home. Naramdaman niya ang pag galaw nito, pagkatapos ang dumilat at tumingin sa kanya ng buong pagmamahal.
"Iniisip ko lang, sana hindi na natin kailangan bumalik sa Manila! Sana dito na lang tayo forever." nakangiti nitong sabi sa kanya and gently caress her face.
"Kung pwede lang eh! Pero you know naman na we have a life to attend back in Manila." nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang dalaga. Kung siya lang din ang tatanungin, ayaw na niyang bumalik sa siyudad. Pero matagal din naman niyang hinintay ang pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili sa larangang napili, kay Ms. Edith at maging sa kanyang mga magulang.
"Eh kung magpakasal na lang kaya tayo talaga?" ani ni Amos na biglang humarap sa kanya. Nakahiga na ito ngayon ng patagilid.
"Ha ha ha ha sira ka talaga! Ang bata ko pa. Alam mo, dapat nating harapin lahat ng responsibilities na iniwan natin sa Manila. Kung tatakbuhan natin, hindi naman tayo matatahimik, di ba?" ikinulong niya ang mukha ng binata sa kanyang mga kamay. Grabe! Talaga bang sinabi ng lalaki na 'to na mahal niya ako? parang nanaginip na tanong ng dalaga sa isip.
"Well, I guess you're right!" malamlam ang mga mata na pagsang-ayon nito sa kanya. Muli itong bumalik sa pagkakahiga at pumikit, ganun din ang ginawa ni Khamis.
Para kay Amos, natatakot siya na baka pag bumalik na sila Manila, Khamis will eventually meet someone better than him. Baka katulad ni Zamantha, ipagpalit din siya ng dalaga. He can't afford losing Khamis, baka ikamatay na niya ngayon.
"Lakas din ng trip nyong dalawa, nu? Di nyo naman sinabi na gusto niyong mag-camping eh di sana pinalabas ko yung tent namin." sabay na nagmulat ang dalawa ng marinig ang tinig ni Fourth. Katabi naman nito si Veronica na nakataas ang kilay.
"Ewwww! Ang corny nyo talagang dalawa. Halika na nga, Fourth! Yaan na natin yang dalawang corny na yan. Hmp!" ani ng babae na ikinatawa ng dalawa. Sa ilang araw na nakilala ito ni Khamis, masasabi naman niya na mabait si Veronica, maarte lang talaga forevs. But she's caring and loving esp. sa kanyang Lolo Lorenzo.
"Dinner is ready na! Mamaya na kayo mag-camping dito. Hay naku! Ganyan talaga yata nagagawa ng love, lumalakas topak ng mga tao." natatawang sabi ni Fourth. Napangiti ulit ang dalawa. Para naman kay Amos, Fourth is now a friend. Lalo pa sa nakita niyang tunay na pagmamalasakit nito kay Khamis. Magkahawak kamay na sumunod na sila Khamis at Amos sa dalawa na hindi na rin yata mapaghiwalay.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...