"N-nagdalang-tao ako! Sobrang saya namin ni Lorenzo. Lalo niyang sinipagan ang pagta-trabaho para sa amin ng kanyang magiging anak. Pero ng ikatlong buwan nang aking pagbubuntis, lubhang sumakit ang aking tiyan, d-dinugo ako. Isinugod ako sa ospital ni Lorenzo hanggang sa ako ay nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog, pero nang magising ako, nasa America na ako. Ang mga magulang ko ang aking nabungaran at si Roberto. Ayon sa aking Papa, hindi nakaligtas ang aking anak at n-nagkaron ng komplikasyon ang aking pagbubuntis dahil sa hindi na din pagpapatingin sa isang Oby kaya naman kinailangan nila akong dalhin sa America upang ipagamot." muli itong tumigil sa pagsasalita na tila nilalabanan ang sakit na muling gumuguhit dahil sa nakaraang pilit inaalala.
"I-i'm s-sorry po for your lost!" mahinang usal ni Khamis. Isang tipid na ngiti ulit ang ibinigay sa kanya ni Soledad.
"N-nakaraan na yon! Pero sa tuwing maalala ko, hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan for the lost of my unborn child." ani ng matanda na pilit pinapatatag ang tinig. Gusto itong hangaan ng dalaga. She isn't sure if she can take everything this woman had gone through.
"E-eh, a-ano pong nangyari k-kay L-lorenzo?" pagkuway tanong niya. Now, things are getting clearer. And she have to admit, it is getting more and more interesting. Ngumiti ng mapait si Soledad bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Honestly, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya! Ang sabi ng Papa ko, pinuntahan daw siya ni Lorenzo upang sabihin na binabalik na niya ako sa kanila, na mahirap para sa kanya na ipagamot ako. My father also showed me Lorenzo's land title. Ibinenta daw ito ni Lorenzo sa kanya pagkatapos nila muling ibalik sa pangalan nito ang titulo. Humingi daw si Lorenzo ng tripleng bayad para sa lupa nito. Pumayag ang aking papa sa kondisyon na iiwan niya ako at magpapakalayo-layo. According to my father, Lorenzo agreed, and ever showed me proof. Pumirma ang aking mahal sa mga kasunduan." nabasag na naman ang tinig ng matandang babae.
"S-sorry po, p-pero hindi nyo po naisip na baka hindi tunay ang mga dokumento na yon?" hindi niya natiis na itanong. Base sa kanyang pakikinig, Lorenzo Galang seems to be a fine man, kaya't hindi niya mapaniwalaan na ipagpapalit nito si Soledad para sa pera.
"Akala mo ba hindi ko naisip yan, Iha? Yan ang aking pinaniwalaan kaysa sa aking Papa. Sa akin lang, mas kilala ko si Lorenzo kaya alam kong hindi nito magagawa yon sa akin. Sinulatan ko siya ng patago. Pero wala akong natanggap na tugon. Tatlong beses ko siyang sinulatan, yung liham nga na hawak mo ang pangatlo. Pero wala siyang sagot. Nang makabalik kami sa Pilipinas, sinubukan ko siyang hanapin, pero doon ko nalaman na wala na siya sa Bataan. Na totoo ngang pagmamay-ari na ng aming pamilya ang lupa na dati nilang sinasaka. Sinubukan ko siyang hanapin sa Zambales, kung saan sila dating nakatira ng kanyang pamilya, pero maging doon ay wala siya. Matagal akong naghintay, Iha! Pero habang tumatagal, napupuno ng galit ang puso ko. Bakit hindi man lang niya ako sinilip? Bakit hindi man lang niya inalam kung ayos lang ba ako?
Kaya napagpasiyahan kong tanggapin ang alok na kasal ni Roberto. Ang sabi ng Papa ko, maswerte nga daw ako na may gusto pang magpakasal sa akin kahit na dumaan na ako sa kamay ng ibang lalaki. Pinilit kong mahalin si Roberto sa paglipas ng mga panahon, nagawa ko naman. Minahal ko ang aking esposo, pero marahil, not the same intensity as how I loved Lorenzo." ani nito na pinagmasdan ang isang malaking portrait na nakasabit sa loob ng kanilang silid. Kung hindi nagkakamali si Khamis, iyon ang wedding portrait ni Soledad at ng kanyang kabiyak na si Roberto.
"Kahit po tawag o sulat hindi tinangka ni Lorezo na kontakin kayo?" muling tanong ni Khamis dito. Umiling dito bilang pag sagot.
"N-nagpunta po kami sa Zambales, to trace Lorenzo's whereabouts. P-pero po ang Lorenzo na nahanap namin don ay pumanaw na 3 yrs. ago..."
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...