4

4.7K 144 5
                                    

Pakiramdam ni Khamis ay nawalan ng dugo ang kanyang buong katawan. Ibig sabihin, sa lalaking kanina ay tinaray-tarayan niya, dito siya kailangan makiusap? Kulang na lang ay hilingin ng dalaga na kainin siya ng lupa. At lalo pa niyang kinaiinis ang ngisi ng lalaking kaharap. Nakakaloko! Tila nang-iinis. 

"Well, I am not sharing my room to anyone! So, just please give me the key. I'm tired and I want to rest." pagkaraan ng ilang segundo ay agap na tugon ng lalaki. Ang kanina ay mataray na receptionist ay tila naaawang tinapunan ng tingin si Khamis habang hinahanap sa maliliit na drawer ang susi ng room 302.

Khamis feels like she have to catch some air. Kuuu, kung hindi niya lang kailangan, mangani-ngani siyang makiusap sa antipatikong lalaki na 'to! But she don't have much of a choice. Una, limited lang ang kanyang budget sa trip na ito, not unless she will use her own savings. Pangalawa, pinilit niya lang si Ms. Edith na bigyan siya ng go signal para sa project na ito, and to recall her executive editor's exact words,

"Better make it good, Khamis! I'm giving you this chance, please prove me na kaya mong magtagal sa industriya na 'to."

For some reason, she didn't treat that as a sermon, which is the first time. Pakiramdam ng dalaga, there's some fondness on Ms. Editha's voice ng sinabi nito sa kanya ang mga salita na iyon. And she's not planning to fail her executive director. Alam niyang ang project na ito ang makakapagbigay sa kanya ng kanyang biggest break. Pero paanong mangyayari yun kung sablay na agad sa tutuluyan pa lang niya? 

Khamis felt like there's a lump on her throat. She have to swallow couple of times bago lakas na loob na sumunod sa lalaki na ngayon ay patungo na sa silid na parehas nilang inokupa. 

"Uhhmm, Sir, Sir, wait lang po!" tawag niya dito. Pero hindi man lang siya nilingon ng binata, tuloy tuloy lamang ito na naglakad na tila walang narinig. 

"Tsss! Yabang nito! Kuuuuuu!" napipikang bulong ng dalaga sa sarili. Pero sabi nga, ang gipit, sa patalim kumakapit. Mabilis na tumakbo si Khamis at hinarangan ang lalaki na ngayon ay nasa hagdan na. Wala kasing elevator ang transient house na yon na tatlong palapag ang taas.

"Hep! Huy, Pogi, pansinin mo naman ako! Sige na, pleaseee??" hinarang ni Khamis ang dalawang kamay sa dadaanan ng binata, kasama pa ang dalawang paa. Kung hindi niya gagawin yon, alam niyang madali lamang siyang maiiwasan ng lalaki.

"Please, Miss! I'm so tired. Hindi ko gustong makipag-usap sa kahit na sino. Now, if you will excuse me." halatang nagtitimpi na sambit nito sa dalaga.

"Huy, sandali lang naman! Pakinggan mo naman ako, please? Baka pwede naman maki-share sa'yo ng room. Alam ko this sounds like a desperate move, pero pleasseeeee? Sobrang importante kasi sa akin ng lakad na 'to." she flashes her cutest smile and her puppy eyes. Sana lang gumana! It usually works sa kanyang parents, hindi niya alam kung gagana ito sa lalaking kaharap.

Umiling-iling ang lalaki bilang tanda ng hindi nito pagsang-ayon sa kanyang pakiusap. Halos maiyak na si Khamis na muling sumunod sa binata at humarang.

"Huy, okay, sorry na! I know I've been very rude earlier, pero alam ko naman na naiintindihan mo yun, di ba? Please, I am begging you, kahit sa lapag lang ako, kahit sa sofa lang! Promise, hindi ako mag-iingay." tinaas pa niya ang kanang kamay tanda ng pangangako dito.

"No!" mariin nitong tugon. Pinagsiklop nito ang dalawang bisig, impatiently waiting for her to give way.

"Sige na pleassseeeee? Di naman ako humihilik eh." pangungulit niya sa lalaki. Hindi siya sigurado, pero tila merong amusement na tumawid sa mata ng binata. Ngunit saglit na saglit lang, ngayon ay seryoso na naman ang mukhaMarahan itong naglakad papalapit sa kanya. Bagay na kinatakot ng dalaga. He is now so close to her, so close she could smell his manly scent. 

"Tell me, what will I get in return if ever I allow you to share a room with me?" he asked huskily, hinagod siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. She instantly cover her body. Aba! Bastos 'to ha! Balak pa yata akong pagsamantalahan.

"Hey, don't flatter yourself too much! Hindi ka ganon ka-desirable!" bulong ng binata sa kanya ng tila nabasa ang kanyang iniisip. Pakiramdam ni Khamis ay nag-init ang kanyang mga pisngi sa sobrang hiya.

"W-well, babayaran kita! Pwede din kitang ipaglaba. Pagluluto din kita. Pleaseeeee?" pagkaraan ng ilang sandali ay muli niyang pangungumbinsi sa binata. Muli itong umuling. Tinabig nito ang dalaga at nagpatuloy sa paglakad. Ngunit dahil nga sa mabigat ang kanyang mga dalahin, na-out of balance si Khamis at malakas na bumagsak sa sahig.

"Ouch!" daing ng dalaga. Naunang bumagsak ang kanyang balakang, kaya naman tunay itong nasaktan. Pinilit niyang tumayo, pero talagang makirot ang kanyang puwitan. Out of desperation, Khamis found herself crying. Marahil dala na din ng sobrang pagod, frustration at awa na din sa sarili. Frustration dahil na din sobrang mahalaga sa kanya ang trip na ito. This is a make or break for her! Awa dahil pakiramdam niya, nilunok na niya lahat ng kanyang pride para lang sa pakikiusap sa lalaking hindi naman niya kilala. Maging ang makisama sa iisang silid sa isang estranghero is not so very her. Alam niya na marami ang mag-iisip ng masama laban sa kanya. Bakit hindi? Sleeping with a stranger, a man for that matter, is just so questionable. But she couldn't even care less!

Patuloy ang pag-iyak ng dalaga kaya naman nagulat pa siya ng biglang may bumuhat sa kanya. Hilam sa luha na tiningnan niya ang taong bumuhat sa kanya mula sa pagkakadapa. It's him! Ang lalaking antipatiko. Handa na siyang paulanan ito ng masasakit na salita when all of a sudden, he whisper something to her ears,

"I'm sorry, Miss!" mahina nitong sambit. Sukat sa sinabi ng lalaki ay lalong napahagulgol ang dalaga. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng kakampi. Dinala siya nito sa isang kawayan na couch na nasa labas ng hilera ng mga silid. Inupo siya doon ng lalaki.

"O-okay ka lang?" pagkuwan ay muling tanong sa kanya ng binata. She saw sincere concern  sa mga mata nito.

"..... mabait din naman pala 'to!" bulong ng babae sa sarili. Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang sleeve ng kanyang suot na kamiseta. When she glanced up, nakita niya ang pag ngiti ng lalaki.

"Mas bagay sa'yo!" sabi niya dito.

"I'm sorry? Anong bagay sa akin?" kunot ang noo na nito sa kanya.

"Mas bagay sa'yo na nakangiti!" she sincerely utter. Amos could only wish na hindi siya nag-blush. Pakiramdam kasi ng binata, nag-init ang kanyang mga pisngi sa narinig na papuri mula sa dalaga. Which is weird, sanay siya sa mga papuri, immune na! Kaya hindi rin niya maintindihan kung ano ang pinagkaiba ng papuri ng babaeng nasa harap sa mga papuri na kanya ng narinig? Amos gently shook his head.

"Bola! Okay, sige na! Pwede ka nang maki-share sa room ko. Pero yung ipagluluto mo ako ha, ipaglalaba mo ko, sabi mo yan kanina. Ayoko ng maingay."

Tuluyang nagliwanag ang mukha ng dalaga sa narinig. Mabilis siyang tumango-tango sa binata. 

"Oo! Promise, di mo mararamdaman na may kasama ka!" muli na naman niyang tinaas ang isang kamay bilang tanda ng pangangako. 

"At saka isa pa..."

"Ano pa? Gagawin ko lahat." mabilis na wika ng dalaga kahit hindi pa man natatapos ng binata ang sasabihin.

"At saka isa pa, wag mo akong pagsamantalahan ha! Don't take advantage of me!" sumungaw ang nakakalokong ngiti ng lalaki. Habang si Khamis naman ay natigilan, pagkaraan ng ilang sandali ay mahinang tumawa. Mahina hanggang sa palakas. Maya-maya lang ay sabay na silang tumatawa.

Amos feels good. Pakiramdam niya ay napakatagal na panahon na ng huli siyang tumawa. They are both catching their breath na tumigil sila sa pagtawa. Pagkatapos ay nakangiting inilahad ng binata ang kanyang palad sa dalaga.

"Amos!" pagpapakilala niya dito. Nakita niyang mabilis na pinunas muna ng dalaga ang palad nito sa suot na pantalon bago inabot ang kanyag kamay.

"I'm Khamis!" and for the first time, he saw her smile. And to borrow the girl's line, "mas bagay sa kanya ang nakangiti."

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon