Nagpalinga-linga si Khamis ng tuluyan na silang makapasok sa silid na parehas nilang inokupa ni Amos. May kaluwagan ito, may sariling palikuran, kusina at veranda. Ang kama ay Queen size na binabalutan ng mga puting bed sheet, maging ang mga punda ng unan ay puti. May isang sofa na katamtaman lamang ang laki. The whole place looks homey, kaiba sa ayos ng mga ibang hotel.
Takang napatingin ang dalaga ng imbis na sa kama ay sa couch tumuloy si Amos. Pabalibag nitong hinagis ang mga dalang bag, bago pasalampak na naupo sa sofa.
"Eh, pogi, anong ginagawa mo diyan?" muntik ng mapasigaw ang dalaga ng walang anu-ano ay nagtanggal ng t-shirt ang lalaki. Khamis instantly closed her eyes. Dun pa lang niyang napagtanto kung gaano ka-awkward ang set up na kanyang pinasok.
Nang lumipas ang ilang segundo na hindi ito sumagot, she slowly open her eyes. Nakahiga na ang lalaki sa sofa. Ang isang bisig nito ay nakatakip sa mga mata.
"...in fairness naman dito kay Pogi ha! Ang machooowwww eh! Siguro gym instructor 'to. O baka naman athlete. Yummy siya ha!" bulong ng dalaga sa isip habang patuloy na pinapasadahan ng tingin ang sobrang gandang katawan ng lalaking nasa harap. Nang dumako ang kanyang tingin sa abs nito, napalunok ang dalaga at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"Lord Jesus, grabeeeee!! I'm sorry poooo pero grabe naman 'tong lalaki na 'to! Kanin na lang kulang eh, ulam na ulam na 'tuuuuuuuuuuuu" tili ng babae sa isip. Nag-sign of the cross pa muna siya bago tumayo upang lapitan ang kasama.
"Huy, Pogi! Er, dun ka na lang sa kama. Diyan ako sa sofa, di ba?" she poke his arm just to make sure na gising pa ito. Muntik pa siyang mapatili ng bahagyang gumalaw ang lalaki.
"Miss, tingin mo ba talaga I will let a woman sleep on the couch? Diyan ka na! And please, I want to rest." halos pabulong na nitong sambit na hindi inaalis ang pagkaka-takip sa mga mata nito. Isang ngiti ang sumungaw sa mga labi ni Khamis pagkarinig sa sinabi ng lalaki. Buong ingat na lamang siyang bumalik sa kama. Sabagay, pagod na rin naman siya! She took the public transpo from Manila to here. Pakiramdam nga niya lahat ng nang alikabok nakadikit sa kanya. She would want to take a shower, kaso parang hinihila na siya ng malambot na kama para magpahinga. Mga ilang sandali ay tuluyan na ngang natalo ng antok ang dalaga.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising si Khamis sa isang mabangong amoy. Sobrang bango na nagpakulo sa kanyang sikmura. She slowly open her eyes. Ha? Madilim na? Gaano kahaba na ba siyang nakakatulog? Umunat unat muna siya bago bumangon. Doon pa lang niya biglang naalala ang lalaking nakilala kanina. Mabilis siyang napatingin sa sofa kung saan ito nakahiga. Wala ito doon, pero ang mga dala nitong gamit ay naroroon pa. Nasaan kaya ito? Naalala niya ang mabangong naaamoy kanina. Hindi kaya...? She quickyly jump off the bed. Tinungo niya ang maliit na kusina. There she saw the guy! Basa ang buhok nito na halatang nakapag-shower na. He is stirring something, may suot itong earphone kaya marahil hindi naramdaman ang kanyang pagpasok.
Gumana na naman ang kakulitan ng dalaga. Lumuhod siya and slowly crawl to where he is. Nang tuluyan na siyang makalapit, she quickly grab his leg.
"Oh sh*t! What the?" sigaw ng lalaki na tunay namang nabigla sa kanyang ginawa. Si Khamis naman ay halos maglupasay sa sobrang tuwa sa kanyang ginawa. She is litterally rolling off the floor laughing.
"Hahahahah! Nakakatawa kang magulat. Ang laki-laki mong tao, magugulatin ka!" halos maiyak-iyak na ang dalaga sa sobrang kakatawa.
"Ah ganon? Eh what if I kicked you out of this room ha?" sukat sa narinig ay biglang napatigil sa pagtawa ang babae. She glanced up at him to check if he is serious. Galit ba ito?
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...