"Khamis, uwi na tayo! 2 am na oh, magsasara na 'tong station nila." malungkot na nag-angat ng tingin ang dalaga. Kanina pang-alas-nuebe nung kumanta siya on-air para kay Amos kahit pa hindi siya sigurado kung nakikinig ba ang binata. Sinubukan niya lang, dahil minsan na ngang nasabi sa kanya ng lalaki na lagi siyang nakakikinig sa station na yun, bagay na napansin din niya. Maging sa sasakyan nga di ba nito ay laging naka-tune in si Amos sa Heart FM? Pero limang oras na ang nakakalipas, ni anino nito, hindi pa rin nagpapakita.
"Jean, mauna ka na! May pasok ka pa bukas. Dito lang ako, hihintayin ko lang si Amos dito." pinilit niyang ngumiti kahit pa nakakaramdam na siya ng awa sa sarili. Alam niyang kabaliwan na maghintay sa isang tao na ni hindi nga niya sigurado kung narinig ba ang kanyang ginawa. But she promised him that she will wait for him even if it takes forever, yun ang gagawin niya.
"Sira ka ba? Pwede ba naman kitang pabayaan dito? Ang akin lang, baka hindi na dumating iyon." naupo si Jean sa tabi ng kaibigan.
"Darating yun! Alam kong darating yun..." ani niya na halos ibinulong na niya sa hangin. May isang side ng utak niya na nagsasabi na hindi na darating ang binata, pero ang kanyang puso ay nagkakaisa sa paniniwala na darating si Amos.
Mga sampung minuto pa ang lumipas nang nagsimulang pumatak ang ulan. Una ay mahina lamang hanggang sa lumakas ng lumakas. Nagsisiksikan ang magkaibigan sa maliit na bubong sa gilid ng kalsada na kanilang kinatatayuan. Sarado na kasi ang building ng Heart FM kaya naman doon na lang sila sa harapan nito naghintay.
"Khamis, basang-basa na tayo! Baka magkasakit tayo nito." sabi ni Jean sa nanginginig na tinig.
"Sabi ko naman sa'yo umuwi ka na baks! Okay lang talaga ako dito." pinilit pa din ngumiti ni Khamis kahit pa siya din ay nanginginig na dahil sa lamig.
"Hindi kita iiwan dito, ano ka ba? Kaya lang namumutla ka na oh! Baka kung mapano ka.."
"Wag mo kong intindihin, okay lang ako." paninigurado niya sa nag-aalalang kaibigan. Nakakaramdam na siya ng pag-ingot ng paningin, naalala niya na hindi pa pala siya kumain ng lunch at dinner. Nagsisimula na ding manlambot ang kanyang tuhod, ngunit hindi niya pinapahalata sa kaibigan upang hindi na ito lubhang mag-alala.
"Khamis!!" magkasabay silang napatingin sa pinagmulan ng tinig. Sa nanlalabong paningin ng dalaga, she saw Amos. Naka-suot ito ng jacket na may hood papalapit sa kanila. Muli niyang pinilit na ngumiti."I knew you will come!" ang sabi ni Khamis sa nanginginig na tinig. Muntik pa siyang mabuway kung hindi siya mabilis na naalalayan nila Amos at Jean.
"You've waited here? Dapat umuwi ka na lang." puno ng pag-aalala na hinawakan ng binata ang namumutla ng mukha ng babae. She smiles, tila sinusubukan nito na idilat ang mga mata.
"I made a promised to wait for you even if it takes forever, t-that's why I'm here.. I'm sorry..." yun lang at tuluyan ng nawalan ng malay ang dalaga.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Khamis slowly open her eyes. Parang pamilyar sa kanya ang lugar na nabungaran ng mga mata. Saglit siyang nag-isip. Kwarta nya 'to ha! Napablikwas ng bangon ang dalaga. Paano siya nakarating dito? Nandun sila ni Jean sa Heart FM building ha! Si Jean? Akma siyang tatayo para hanapin ang kaibigan ng mapansin ang isang tao na nakayuko sa gilid ng kanyang kama-- si Amos!
Doon pa lang biglang naalala ng dalaga ang lahat. Ang huli niyang natatandaan ay dumating ang lalaki, ang panghihina, ang pag-ikot ng paningin. Muli siyang nahiga. Dumating si Amos, dumating siya! She smiles. Saka niya lamang napansin na iba na ang kanyang damit na suot, pati ang kanyang UNDERWEAR?
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...