32

4.4K 108 7
                                    

* 2 yrs. later*

"Who is she, babe?" malambing na tanong ni Zamantha kay Amos. Ngunit tila walang narinig ang binata na nakatutok pa din ang mga mata sa kanilang TV Screen. "Babe?! Sino ba yan?" may inis na sa tinig ng dalaga ng hindi man lang kumurap ang lalaki sa pagtitig sa screen.


"W-what? M-may sinasabi ka?" balik tanong ni Amos na tila ngayon lang napansin ang pagdating ng babae. May usapan kasi silang magdi-dinner ni Zamantha, pero natigilan siya ng makita sa TV ang mukha ng isang tao na matagal na niyang inaasam na makita-- si Khamis.

Kasalukuyang ini-air sa local channel ang interview ng dalaga sa isang morning show sa America kaugnay sa muling pagkapanalo nito sa isang award giving body for investigative journalist. Amos' eyes were glued on TV.

Ibang-iba na ang itsura ng babae. Napakaganda na nito ngayon. Not that she wasn't beautiful when she was 23, but at 25, Amos' thinks she is at her most beautiful. Elegant,serious, always wearing the "game on" face, sure of her place on earth, and very classy. Ibang-iba sa Khamis na nakilala at nakasama niya sa Bataan-- simple, bubbly, naive, ruggedly cute, and carefree. 2 years turned her into a woman he is staring at today.

"She looks familiar." naguguluhan na napatingin ang binata kay Zamantha. Honestly, hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi nito, because his mind is distracted with the very sight of the woman on TV.

"Who?" kunot ang noo na tanong niya sa babae. Naupo ito sa kanyang tabi at mataman pinagmasdan ang TV.

"She looks like that girl na kasama mo the night na pinuntahan ka namin ni Mama Renee sa isang apartment sa Quezon City. Hmm, kamukha niya eh, only this girl on TV looks more elegant. Well, hmm, baka mali ako. Malayo naman na that girl and this girl on TV ay iisa. Mukhang raliyista yung babae na kasama mo that night eh." patuyang tumawa si Zamantha. Si Amos naman ay lihim na nagtiim-baga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae patungkol kay Khamis, pero sa huli, mas pinili na lang niyang manahimik. "Well, I'll freshen up muna before we go, babe!" hinalikan pa siya nito sa kanyang pisngi bago tumayo at tinungo ang silid.

Sa normal na pagkakataon, maiinis si Amos na hindi pa rin ito nakaayos kahit na may usapan na sila na magkikita. And knowing Zamantha, dalawang oras pa aabutin ang sinasabi nitong "freshen up." But  he couldn't care less right now. Muli niyang ibinaling ang tingin sa TV screen.

Ngayon ay tinatanong ng isang Amerikanong anchor ang dalaga tungkol sa pinaka-unang docu na ginawa nito na naging dahilan ng pagtungo nito sa USA. May pamilyar na haplos sa puso ng binata ng marinig niyang binanggit ng babae ang Bataan, and how she describe the place as paradise. Ang lalaking anchor naman ay sobrang eager na nakikinig, maging ang katabi ng dalaga na isang half-Filipino at Half-Swedish na kasamahan din nito sa pamamahayag. And Amos could only read fascination and admiration on those men's eyes para kay Khamis. He clenches his jaw. Hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng paninibugho.

"So, I am sure this is what every guys in this studio, including me if I must say, would like to know about you, are you single or already taken?" malambing na tanong ng anchor na halata pang nagpi-flirt sa dalaga. Amos held his breath in anticipation sa isasagot ni Khamis. Nakita niyang ngumiti muna ito sa lahat, her usual disarming smile that never fails to take his breath away.

"I am single!" isang malakas na "awwwww" and "yesssss" ang narinig sa buong studio na ikinapamula ng mukha ng dalaga. Napangiti ang binata, malaki man ang ipinagbago ni Khamis, hindi pa rin nito natutuhan ang hindi mag-blushed sa tuwing nakakaramdam ng hiya. And for him, that's a good sign! He still believes that somewhere in her heart, baka naroroon pa rin ang pangalan niya kahit pa alam niya na galit na galit ito sa kanya.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon