Malungkot na nakatanaw sa labas ng veranda si Khamis. Hindi niya sigurado kung papayag si Soledad na ma-feature ang istorya nito sa kanyang gagawing documentary, and it only means na kailangan na yata niyang tanggapin na bigo na naman siya.
"Hey, ang lalim naman ng iniisip mo!" narinig niyang sabi ni Amos. Sa lalim nga ng kanyang iniisip, hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito.
"Di ko lang kasi alam kung magbabago ba ang isip ni Ms. Soledad! Sobrang importante kasi sa akin 'tong project na 'to. This is my chance to show my capabilities as a journalist. Gusto kong patunayan kay Ms. Edith, ang executive editor namin na I deserve a chance. Gusto ko din patunayan sa parents ko na hindi ako nagkamali ng pinasok na larangan." nakakaintindi na tinitigan ito ng binata. Somehow, naiintindihan niya ito. Ganon din naman siya nung nagsisimula pa lamang siya. All he wanted was a chance to proved na meron siyang ibubuga. That he is more than just a pretty face and nice body.
Fortunately, may nagbigay naman sa kanya ng chance na kailangan, kaya naman isa na siya ngayon sa pinaka-sikat at pinaka-matagumpay na aktor.
"Well, we can only hope for her to change her mind. But for now, all we can do is just wait and see." naupo siya sa silya na katapat nito.
"I only have limited resources for this trip. Kailangan kong matapos ang lahat, the faster the better. Pero I guess, wala talaga akong magagawa kundi maghintay..." malalim na bumuntong-hininga ang dalaga. Ang tanging hiling niya ay magbago ang isip ni Soledad Bucud-Romero.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. Seem like their minds are wandering somewhere else. Napatingin si Khamis sa katabi. Tahimik itong nakamasid sa malayo, while drinking a beer in can.
"Teka nga, magta-tatlong araw na tayong magkasama, pero parang hindi ko pa natanong sa'yo why you are here in Bataan? I supposed hindi dahil sa work or business kasi you seem to have so much time in your hands." baling niya sa binata pagkaraan ng ilang sandali. Saglit siyang tinapunan nito ng tingin, at pagkatapos ay muling binalik ang paningin sa pagtanaw sa malayo.
"Ang daya nito! Ako nga halos i-kwento ko na sa'yo buong buhay ko. Hmm, let me guess, mending a broken heart?" inilagay pa nito ang daliri sa utak na tila nag-iisip. Si Amos naman ay tila muntik na namang masamid. She almost nailed the reason why he's here, pero alam niya na marahil ay hinulaan lamang iyong ng dalaga.
"Paano mo naman nasabi na I am mending a broken heart? Hindi ba pwedeng gusto ko munang mag-unwind?" isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Amos.
"Well, pwede din naman na nag-a-unwind ka! Pero karamihan kasi ng mga kilala kong tao, they wander to mend a broken heart!"
"Ah talaga? Ganun ka din ba, Khamis? Do you wander when mending a broken heart?" balik tanong niya sa babae. Nakita niyang nagkibit balikat lamang ito.
"Malay ko naman diyan! I've never been in love. Hindi ko pa alam yung feeling na ma-broken heart." nakangiti nitong sagot sa binata. Hindi makapaniwalang tinitigan ito ni Amos.
"Seryoso ka? Ilang taon ka na ba?"
"23! At oo, seryoso ako! I've never been in love. Wag mo nang itanong kung bakit, di ko din naman alam ang sagot!" she giggle. Pati tuloy ang binata ay hindi na maiwasang mapangiti. Why, this girl is, uhh, odd, but in a good way. He have seen and met many girls in all walks of life, and he can say that it's his first time to meet someone like Khamis. A breath of fresh air definitely!
"I guess you're not missing so much naman! And you are luckier pa nga kasi you don't have to go through all the b*llsh*ts." Amos utter. Nakakaloko itong pinagmasdan ni Khamis.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...