18

4.2K 119 7
                                    

Kinabukasan ay maagang bumangon sila Khamis at Amos upang ituloy ang naudlot na pagpunta sa address ng isang Lorenzo Galang na ibinigay sa kanila ni Melba.

Now, Khamis is more determined to find Lola Soledad's own Lorenzo. Noong una, trabaho lang ito para sa kanya. Pero ngayon, lubos ng napalapit sa kanyang puso ang proyekto na 'to. Hindi lang dahil napalapit na siya sa matandang babae. Gusto din niya sanang patunayan na lahat may second chance and maybe to prove to Amos that there is such thing as forever.

"Ang bigat din ng love story nila Soledad at Lorenzo, noh? Akala ko sa movie lang yun nangyayari." sabi ni Amos habang nasa daan sila. Ang mga mata nito ay nakatutok pa din sa kalsada.

"Akala ko nga din eh! Ikaw, makakaya mo bang iwan ang babaeng minamahal mo dahil lang sa nahihirapan ka na?" tanong niya dito. Marahan niyang binuksan ang bintana sa kanyang side pagkatapos ay pinatay ang aircon. The fresh air touches their skins! Pumikit si Khamis. Ahhh! Fresh air! 2 weeks na lang, malapit na naman siyang bumalik sa polluted air o di kaya sa airconditioned na news room ng kanilang channel.

"No! I will never leave the woman I love, k-kahit ikamatay ko pa." dahan-dahang nagmulat ng mata ang dalaga ng marinig ang isinagot ng lalaki, only to met Amos' eyes. Kanina pa ba ito nakatingin sa kanya? She flushed. Mukha pa naman siyang engot kanina na parang ini-inhale lahat ng hangin ng Bataan.

"G-grabeh k-ka naman! Ang morbid mo naman! Wala naman patay patayan na usapan." ani niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Pero di ba ganon ang love? You are willing to do anything, even if it means giving your own life wag lang mawala ang isang tao? Kaya naman hindi ko maintindihan why Lorenzo gave up that easy." makahulugang sabi naman ni Amos.

"Hep! Hindi pa natin alam kung anong reason, so we cannot judge! Kaya nga tayo nandito, di ba? To find out what happened 50 yrs. ago. To get his side of the story." itinaas pa ni Khamis ang kanyang kamay para ipahinto sa binata ang ka-negahan na naiisip nito. Maging siya ay hindi maintindihan ang pasya na iyon ni Lorenzo, but there's something that's telling her that he has a reason to do what he did. Kung ano iyon, that's what she will try to find out.

"Hirap kasi akong intindihin! Maswerte nga siya na may isang tao na handang iwan ang lahat just for him." muli na namang kontra ng binata. Laking gulat nito ng biglang ilabas ni Khamis ang kalahati ng katawan sa bintana.

"Ooo, ang BITTER ng kasama ko oh!!! Pls naman hangin, tangayin nyo na nga ang ka-bitteran neto!!!" sigaw nito na itinaas taas pa ang kamay.

"Hoy pumasok ka nga dito!! Grabe talaga 'tong babae na 'to!" si Amos naman ay hindi alam ang gagawin. Ang isang kamay niya ay pilit hinihila pabalik ang dalaga, habang ang isa naman ay nasa manibela. Natatawang ibinalik ng dalaga ang katawan sa loob ng sasakyan.

"Don't do that again ha! Gees! Muntik na akong mamatay sa kaba." seryoso ang binata. Pakiramdam niya kasi ay parang nahulog ang kanyang puso sa sobrang kaba dahil sa ginawa ng babae

"Eh pano kasi, ang bitter mo! Sabi ko sa'yo, ang ampalaya inuulam, hindi inuugali! HA HA HA HA. Saka chill ka lang, hindi ko gagawin yun kung nasa Manila tayo. Pero since nasa Bataan naman tayo at wala naman sasakyan, pwede tayong sumigaawwwwwwwwwwww!!" muling itinaas ng dalaga ang mga kamay na tila niyayakap ang hangin. Naiiling itong pinagmasdan ni Amos. The girl is really bubbly and spontaneous. Mababaw din ang kaligayahan nito. She can find joy in simple things.

"Where have you been all my life?" mahinang usal ni Amos. Hindi niya sinasadya na dumulas iyon sa kanyang bibig.

"Anong sabi mo?" narinig niyang tanong ni Khamis. Medyo may kalakasan kasi ang ihip ng hangin kaya naman kailangan mong lakasan ang boses kung magsasalita kung hindi ay hindi kayo magkakarinigan.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon