(AUTHOR'S NOTE: Alam kong medyo malungkot ang araw for us DanRis fans. Like you, medyo nasasaktan din ako ng slight, thus the character of Zamantha. :p So, alam nyo na kung sino si Zamantha ha! HAHAHAHAH! Pero wag tayong mag-alala, for true love has a habit of coming back. I am sure sa finish line, magkikita din ang ating dalaga't binata. So, keep calm and love DanRis more.-- @mrspurin)
Gaya nga ng naipangako ni Amos ay namasyal sila pagkatapos nilang kumain ng agahan. Una silang nagpunta sa isang mall sa Pasay. Mangilan-ngilan lamang ang tao doon, karamihan ay mga tenants sa hotel na nasa itaas ng mall na yun. Naglaro sila sa arcade na talaga namang na-enjoy ng tunay ni Khamis. She realized, life has been very busy she almost forget to pause for awhile. Kaya naman sobrang nag-e-enjoy sila sa pamamasyal nilang iyon ni Amos.
Pagkatapos ay kumain sila sa isang mamaling restaurant. And just like the usual, naging napaka-maasikaso at maalaga sa kanya ng binata. Nariyang punasan pa nito ang kanyang bibig, o di kaya ay lagyan pa ng pagkain ang kanyang pinggan. Pakiramdam tuloy ng dalaga, literal na mahaba ang kanyang buhok dahil sa pag-aasikaso na ibinibigay nito sa kanya.
Dumaan din sila sa office ni Khamis para hatiran ng lunch si Jean na todo todo ang ginawang pang-aasar sa kanya. Dinala din siya ng binata sa malaking network kung saan ito naka-kontrata. May mangilan-ngilan siyang nakitang sikat na mga artista na ipinakilala naman sa kanya ni Amos.
Napakasaya ng araw na iyon para kay Khamis. Gusto niya sanang tanungin ang matagal ng inuungot sa kanya ni Jean na "label" daw nila ng binata, but she don't want to ruin the atmosphere. "Mamaya na lang pag-uwi!" bulong ng dalaga sa isip.
Kaya naman ng nasa tapat na sila ng kanyang apartment, abot-abot ang kaba ni Khamis. Tama naman si Jean eh! Masyado ng lumalalim ang feelings niya dito, muntik na nga niyang ibigay ang sarili, di ba? Siguro hindi naman kalabisan kung itanong niya kung nasaaan ba siya sa buhay nito.
"T-thank you for such a wonderful day, Amos!" she stammered. Halos marinig na niya ang tunog ng kanyang puso sa sobrang lakas ng kabog.
"Silly! I should be the one thanking you." ginagap nito ang kanyang palad at dinala sa bibig. Masuyo nitong hinalikan ang kanyang palad.
"Uhmm, there's something I-i want to tell you..." umpisa niya. "It's now or never, Khamis! You can do it, girl!" cheer ng dalawang parte ng kanyang utak. Maging ang dalaga ay nagulat sa pagkakasundo nito, madalas kasi, kontra ito sa isa't-isa.
"Ano yun, Misis ko?" nakangiti nitong tanong sa kanya. Ngayon ay nasa harap na sila ng pinto ng kanyang apartment.
"I-i, hmm, I just want to ask if ano ba talaga ta--"
"Amos?" napatigil ang dalaga ng marinig na may tumawag sa pangalan ng binata. Sabay pa silang napalingon.
"Mama Renee? What are you doing here?" gulat na gulat na tanong ni Amos sa manager. Si Khamis naman ay tipid na ngumiti sa baklang manager. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang manager ng binata. Nai-ku-kwento na rin naman ito sa kanya ng lalaki although hindi pa niya ito nami-meet personally, ngayon pa lang.
"Good evening, Khamis!" bati nito sa kanya pagkatapos ay hinarap ang binata na kunot pa rin ang noo sa pagtataka. "I came here because someone wants to see and talk to you." narinig ni Khamis na sabi ng manager bago tinapunan siya ng nag-aalalang tingin.
"Sino?" tanong ni Amos. Nilingon nito ang sasakyan na may ilang hakbang na malayo sa kanilang kinatatayuan. Unti-unting bumaba ang salamin ng bintana sa passenger seat. Napanganga si Khamis ng makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan-- si Zamantha! Hindi siya maaring magkamali. Nakita niya ang larawan nito on line. And she have to admit, kung sobrang nagandahan siya ng makita niya ito sa mga pictures, triple ang ganda nito sa personal. Diyosa talaga na bumaba sa lupa. Hindi maiwasan ng dalaga na makaramdam ng panliliit.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...