24

3.6K 119 10
                                    

Ngayon ay magkakaharap na sila sa loob ng kubo ng matandang lalaki. Magkatabi si Khamis at Amos na hawak pa din ag camcorder. Si Soledad ay nasa harap ni Lorenzo. Katabi ng matandang babae si Fourth, habang si Veronica naman ang nasa tabi ng lolo nito.

"P-paanong nangyaring hindi ka na nakakakita? Nagkaroon ka ba ng karamdaman, Lorenzo?" puno ng lungkot ang tinig ni Soledad. Nakangiting umiling ang lalaki.

"Hindi, Soledad! Naaksidente ako noong umuwi ako sa Batanes upang ibenta ang aming lupang sinasaka p-para sa iyong operasyon." paliwanag ng matandang lalaki na mariin pang pumikit na tila muling bumabalik ang pait ng nakaraan. Si Soledad naman ay napatakip pa sa bibig sa sobrang gulat.

"N-naaksidente ka? B-but m-my father didn't tell me, not even R-roberto."  ani ng matandang babae na tinapunan ng tingin ang apong si Fourth na biglang natahimik.

"N-nakiusap ako na wag ng sabihin sa'yo, Soledad! H-hindi mo na kailangan pang malaman." nakangiti nitong turan na tila walang pinagsisisihan sa nagawa.

"B-but you left me! Di ba sabi mo, hindi mo ako iiwan? Di ba sabi mo, kakayanin natin. But y-you gave up! Kinalimutan mo ako, iniwan mo ako." puno ng hinanakit na nasambit ni Soledad na muli na naman tumulo ang  lumuha. Hinagod hagod ni Fourth ang likod nito na lubha nang nag-aalala para sa lola, habang si Khamis naman ay mabilis na nagsalin ng tubig sa isang baso at iniabot sa matandang babae.

"Patawarin mo ako, Soledad! Pero maniwala ka, h-hindi kita iniwan. Hindi kita ginustong iniwan. Mas pinili ko na lang "mamatay" para mabuhay ka!" matalinhagang pahayag ni Lorenzo na nagpa-angat ng tingin kay Soledad na puno ng pagtatanong ang tingin.

"Ano ang ibig mong sabihin? Iniwan mo ako! Isinuko mo ako sa aking pamilya dahil nahirapan ka na sa sitwasyon natin, dahil naduwag ka na.." muli na naman naiyak si Soledad. Gusto na sanang ipatigil na lamang ni Khamis ang lahat dahil baka makasama pa sa dalawa. Pero pinigilan siya ng mga tingin ni Fourth. The look on his eyes is like telling her that both Soledad and Lorenzo need this; that they've waited long enough for this moment. Bumalik ang dalaga sa pagkakaupo.

"Soledad, h-hindi ko g-ginustong s-sumuko. Alam ng Diyos yan! Noong d-dinala kita sa Ospital ng lubhang sumakit ang iyong tiyan, sinabi sa akin ng Doktor na hindi ka nagdadalang tao..." mariin muling pumikita si Lorenzo na tila kapalit na nang buhay nito ang isang lihim na matagal ng iniingatan.

"A-anong s-sabi mo? P-paanong hindi ako nagdadalang-tao? Delayed ako ng 2 months!" napakapit si Soledad sa apo na mabilis namang inalalayan ang matanda.

"Oo, pero hindi ba't hindi naman tayo nagpatingin sa doktor? Ang sabi ng doktor, you might just had assumed na buntis ka dahil sa sintomas na yun, pero ang totoo, may nakitang malignant tumor sa tiyan mo, malapit sa matris mo. Ang sabi ng doktor, nagdudugo na iyon sa loob naging dahilan ng pananakit ng tiyan mo. Sinabi niyang kailangan yon maoperahan agad agad kung hindi ay maaring hindi ka na magdalang-tao and worst, maaring ikamatay mo." he paused and grasped some air bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Nang araw na din na yun, umuwi ako sa Batanes upang ibenta sana ang kaisa-isang yaman na meron ako, ang lupang sinasaka na iniwan sa akin ng aking mga magulang. Nakiusap ako sa iyong papa na baka pwedeng ibalik sa akin ang titulo upang maipagbili ko ng mabilisan para sa iyong operasyon. Ngunit naging matigas ang iyong papa. Bagkus, inalok niya ako ng malaking pera kapalit ng pag-iwan sa'yo. Soledad, tumanggi ako! Mas gugustuhin ko pa na ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo wag lang kitang iwan.

Sinubukan kong manghiram. Sinubukan kong ibenta kung ano man ang pwede nating pakinabangan. Ngunit ng pababanameako galing sa bahay na nasa itaasngburol, aksidenteng nahulog ako sa daang matarik nang sinubukan kong manghiram ng pera sa isa sa mga kaibigan ko. Malalim ang binagsakan ko. Tumama ang ulo ko ng malakas sa isang matalas na bato na naging dahilan ng aking pagkabulag. Nang nagising ako, wala na akong makita. P-pero sinubukan kong balikan ka pa rin, ngunit wala na akong magawa.

Doon ako muling inalok ng papa mo. Sinabi niyang ipapagamot ka sa America sa lalong madaling panahon para maagapan ang bukol na nasa sikmura mo. Pikit mata kong tinanggap ang alok na iyon. Ang binigay niyang kondisyon ay hindi na kita kakausapin o tatangkain man lang lapitan. Pinapirma niya ako sa isang kasunduan, ngunit dahil nga hindi ko nababasa-- hindi ko alam kung para saan ang aking pinirmahan." mahabang paliwanag ng matandang lalaki na nagsimula na din ang pagpatak ng luha. Si Soledad naman ay nanghihinang kumapit kay Fourth. Ang lahat ng galit na pinanghawakan niya sa loob ng mahabang panahon, those were baseless pala. Lahat pala ng pinaniwala sa kanya ng kanyang papa ay pawang mga kasinungalingan.

"Pero nang marinig kong nagpakasal ka na, na nagkaron ka na ng magandang pamilya-- naging maligaya na din ako! Hindi ko nang sinubukan na puntahan ka. Ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko na din, Soledad. Masaya ako na nagmahal kang muli..." buong sinseridad na pahayag nito.

"But, but, nagpakasal ka din, di ba? Nagmahal kang muli?" tanong ni Soledad. At least makabawas man lang sa guilt na kanyang nararamdaman. Umiling si Lorenzo. "P-paano? S-sino ang abuela ng dalagang ito?" binalingan ng matandang babae si Veronica na tahimik lamang sa isang tabi.

"Si Veronica ay apo ko sa pamangkin. Soledad, hindi na ako nagmahal muli! You are my one and only love. You are my greatest love. May nakilala akong isang babae. She offered me love, isang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Sinubukan ko, Soledad! Pero hindi ko nagawa, my heart only scream for your name. Pero nagpapasalamat ako sa kanya sa pag-aalaga niya sa akin sa mahabang panahon. I may not love her the way I love you, but I love her nevertheless, bilang isang mabuting kaibigan. Sandali, meron akong larawan niya." inilalayan ni Veronica ang lolo. May kinuha ito sa isa sa built-in cabinet na nasa loob ng kubo. Isang kwadro ang ibinigay niya kay Soledad. Ngumiti ang matandang babae pagkatapos ay iniabot yun kay Khamis only to feel so much horror.

"S-siya? Siya, siya, siya yung, yung..." nahihintakutang malakas na sabi ng dalaga. Nanlalaki ang kanyang mata, pakiramdam ni Khamis ay nagtayuan ang kanyang mga balahibo.

"Hey, are you okay? Kilala mo ba siya?" nilapitan ito ni Amos na ngayon ay nagtataka sa naging reaksiyon ng babae pagkakita sa larawan ng babae. Tinapunan pa nito ang kwadro na nakalapag sa maliit na lamesa.

"A-amos, siya yung babae sa Philpost office. Siya yung nagbigay sa akin ng liham ni Soledad." pakiramdam ni Khamis ay lumaki ang kanyang ulo sa sobrang takot. Sila Lorenzo at Soledad naman ay takang nagka-tinginan.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"P-pero, iha, imposibleng mangyari yun! Margarita passed away 2 years ago, kung sinasabi mong nakausap mo lamang siya noong isang buwan, imposible yun!" ang sabi ni Lorenzo ng tila matauhan sa pagkagulat.

"But, I am not lying! Siya yan. A-ang s-sabi niya, matagal na daw siya nagta-trabaho sa philpost. She even handed me that letter personally." hindi pa din mapigilan ng dalaga ang nararamdamang kilabot.

"Khamis, are you sure?" naniniguradong tanong ni Amos sa dalaga. But knowing Khamis? She isn't the type to make stories. Matapat ito and she doesn't any gimik to be noticed.

"S-sigurado ako! Ang sabi pa nga niya, kasal na siya. Ang sabi pa nga niya-- Oh my God!" nahawakan ng dalaga ang kanyang mukha sa sobrang takot.

"Huwag kang mag-alala, Khamis, naniniwala ako sa'yo!" pagkaraan ng ilang sandali ay usal ni Soledad. Napatingin dito ang dalaga. "Maybe Margarita made a way para muli kaming magtagpo ni Lorenzo. At ginamit ka niyang daan para mahanap muli namin ang isa't-isa." nakangiting sabi ng matandang babae, tumayo at lumapit kay Lorenzo.

"Tama si Soledad! Maaaring mahirap paniwalaan at napaka-hirap maarok nang ating paniniwala, but love can really do miracle, for love has no boundaries. It can cross even the wall of death. I think Margarita recognized that what we need is a stubborn, determined, wild, but very genuine and sincere heart and soul of one person, I guess she saw that in you-- Khamis! Kung hindi kasing tapang, kasing tigas ng ulo mo ang naghanapa sa amin, I don't think we will ever see each other again in this lifetime." pahayag din ng matandang lalaki.

Khamis is feeling so overwhelmed. After all thet she's been through, parang worth it lahat lahat makita ang dalawang tao na naghintay ng napakahabang panahon. Si Amos naman ay buong pagmamahal na tiningnan ang babae. He knew, hindi nagkamali si Margarita sa pagpili kau Khamis. At alam din niya na hindi nagkamali ang kanyang puso na mahalin ang dalaga. Alam niyang kay Khamis, hindi na muling masasaktan ang kanyang puso.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon