"Amos, bitawan mo sabi ako eh! Nasasaktan ako." patuloy na sigaw ni Khamis sa binata na tila wala yatang balak na tumigil. Takot pa din ang nanaig sa dalaga dahil sa nangyari sa kanya sa kamay ni Rodel. Pagkatapos kasing pumasok ni Amos sa loob ng kabahayan ay nagpaalam din si Fourth na magpapahinga. Inaya pa siya ng binata na pumasok na lang, pero tumanggi siya. Sinabi niyang doon na lang muna siya sa ilalim ng puno ng acacia. Maging si Tiya Cora ay saglit na nagpaalam sa kanya, ang sabi ng matandang babae, may bibilhin lang daw sa talipapa. Naiwan siyang mag-isa. Inisip niya na tutal pasado alas-dos na din naman ng hapon, hihintayin na lang niya ang pagdating ni Lorenzo. She only have less than 2 weeks to finalize her project, kaya naman kailangan na niyang mabuo ang lahat ng kanyang materials na kakailanganin niya sa kanyang documentary.
Dumating si Rodel. Tinanong pa nito kung nasaan ang dalawang lalaki. Sinabi niyang nagpapahinga ang mga ito, at ang Tiyahin naman ng lalaki ay umalis upang may bilhin. Naupo pa ito at nakipag-kwentuhan sa kanya. Nabanggit yata dito ng tiyahin na magkasama silang nanunuluyan ni Amos sa transient home sa bayan ng Bataan. Which probably gave him an impression that she's sharing a room with a guy! Tinanong pa nga nito kung kasintahan niya si Amos na agad niyang pinabulaanan.
Mga ilang minuto, tumunog ang cellphone nito. Saglit nitong binasa ang text messages, pagkatapos ay sinabi sa kanya na dumating na daw pala ang kanyang ama at nasa likod na daw ito. Kahit may pagtataka si Khamis kung bakit hindi man lamang niya ito nakita gayong hindi naman siya umalis sa kanyang kinauupuan simula pa kanina ay sumama pa din siya kay Rodel ng sabihin nito na baka sa likod dumaan dahil may short cut doon papunta sa kanilang kabahayan na tanging sila lang ang nakakaalam. Sa pag-aakalang nagsasabi ito ng totoo, buong tiwala na sumama ang dalaga dito. Ngunit ng may ilang dipa na silang nakakalayo sa kabahayan, bigla na lamang siyang niyakap ng lalaki.
"R-rodel? A-anong g-ginagawa mo?" takot na takot na tanong ni Khamis. Naamoy pa niya ang amoy araw na singaw ng katawan nito.
"Pagbigyan mo na ako, Khamis! Alam ko naman na kursunada mo din ako eh. Isang beses lang, para makatikim ka naman ng iba; nang native, hindi puro yung dalawang imported na yun." ani nito na tila demonyo kung ngumisi sa paningin ng dalaga. Anong pinagsasabi nito? bulong ni Khamis sa sarili.
"B-bitawan mo ko! H-hindi ako ganyag klaseng babae! B-bitawan mo ko." nagpupumiglas ang dalaga. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang lahat ng kanyang balahibo ng halikan siya ng lalaki sa leeg. Buong lakas niya itong kinagat, na naging dahilan upang saglit siya nitong mabitawan. Ngunit sa kasamaang palad, bago pa man siya tuluyan makatakbo ay mabilis nitong nahila ang isa niyang binti, dahilan para maalis ang isa niyang suot na itim na chuck taylor.
"Tarantadu kang babae ka ha!" isang malakas na sampal ang pinakawalan ng lalaki. Pakiramdam ng dalaga ay nagdilim ang kanyang paningin. She almost passed out, pero pinaglabanan niya. She knows that if she lose consciousness, she won't be able to fight at magtatagumpay si Rodel sa binabalak nito sa kanya. Kaya ng kalakadkarin siya nito sa makipot na daan pababa, sa kanyang natitirang lakas at boses, she thought of only person, she thought of Amos. Ginamit niya ang natitira pa niyang lakas at boses para sumigaw.
"Amos, tulungan mo koooo! Noo, pleaseeee! Amos!" isa na namang sampal ang kanyang natanggap kay Rodel dahil sa ginawa niyang pagsigaw.
"Di ka maririnig nun. Sinilip ko kanina, tulog na tulog! Wag ka nang lumaban, mag-e-enjoy ka dito! ha ha ha ha" mariing sabi sa kanya ng lalaki na nanlilisik na ang mata at tila nawawala sa sarili.
Agad nitong hinablot ang kanyang suot na tshirt na agad napunit. Kaya naman lalong nagwala ang lalaki ng tumambad dito ang dibdib nang dalaga na natatakpan pa rin ng mumunting tela. Pilit pa ring nanlaban si Khamis kahit pakiramdam niya ay hinang-hina na siya. Rodel is 5'11 habang siya ay 5'2 lamang, payat pa. How could she fight him? And then she saw Amos, just in time. Just when she almost lost hope...
Muling bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Khamis ng mapansin niya na hindi sa bahay ng mga Galang ang daan na tinatahak ni Amos, bagkus sa sasakyan nito. Pabalibag siyang pinasok nito sa sasakyan.
"A-amos, ano ba?" muli niyang sigaw sa binata. Wala itong tshirt, at noon pa lamang niya napansin na wala itong suot na sapin sa paa. Ang bibig nito ay dumudugo, and he has a bruise on his left eyes.
"We're going back to the transient home!" ani nito na mababakas pa din ang tinitimping galit.
"I'm not going anywhere, Amos! And look at yourself, wala kang tshirt, wala kang sapatos, you're dirty and you're spent!" buong pag-aalala na sabi ng dalaga.
"Don't mind me! We're going home.." tigas nitong tanggi and he starts the car.
"I said no! Hindi tayo aalis, and I, i, i have to talk to Lorenzo and..."
"B*llshit, Khamis, b*llsh*t! Lorenzo, Lorenzo, Lorenzo. Cmon, look at yourself!" galit na galit na bulyaw sa kanya ng binata. Bakit ito galit? Ano bang nagawa niya? As far as she knows, she is almost raped!
"I-i can take care of myself..."
"Oh really? You can ha?" sarcastic siya nitong pinagmasdan. Ang suot niya ay kamiseta ni Fourth, her hair is messy and she's also very dirty.
"T-thank you sa pagliligtas mo sa akin, p-pero kung isusumbat mo yun sa ak---"
"B*llsh*t! That's B*llsh*it, Khamis! You are talking non-sense!! Kahit buhay ko, ibibigay ko sa'yo. Pero alam mo kung anong kinaiinis ko? Masyado ka kasing malambing sa mga lalaki, and that's the reason you are sending wrong signals..." napamulagat ang dalaga sa sinabi nito. Di yata't siya pa ang sinisi nito sa mga nangyari.
"T-that's unfair, Amos! Wala akong pinapakitang motibo kahit kanino. You should know that, we have slept in the same room. Besides, sinabi ni Rodel na dumating na daw ang papa niya at sinabi niyang nasa likod na daw si--"
"At sumama ka naman? Khamis, ang gullible mo kasi eh! Ang dali mo maniwala. Akala ko ba matalino ka?" napapikit ang dalaga sa mga narinig. Uto-uto ba talaga siya?
"P-pero..."
"Pero ano? Hindi ka kasi nakikinig. Ang dali mo magtiwala. Akala mo lahat ng tao mabubuti at---"
"Inakala ko din na mabuti kang tao, and I was right! Oo na, gullible na kung gullible. Oo na, madali na akong magtiwala. Pero hindi ko babaguhin ang sarili ko dahil lang may mga taong katulad ni Rodel, dahil lang may mga taong katulad mo. Amos, I thought kilala mo ako. I thought you know better. Oo, gullible ako, pero sana ikaw mismo ang nakakaalam na mabuti akong babae, na hindi ako kaladkarin!" umiiyak na sigaw ni Khamis at pagkatapos ay agad na binuksan ang pintuan ng sasakyan. Naiwan na natulala si Amos.
Ano bang nasabi at nagawa niya sa dalaga? He should have protected her, pero tila yata nasaktan pa niya ito? But the Good Lord knows, sobrang nag-alala siya para sa babae. And that moment she saw her lying on the floor, gusto na niyang patayin si Rodel. Alam mo yung pakiramdam na hindi mo pinapadapuan miski sa lamok, pero sasaktan lang ng iba? Ganon ang pakiramdam ng binata. But when he saw the tears running down on Khamis' cheeks because of him? Man, that hurts him!
Hindi na niya maintindihan ang sarili. Nag-aalala lang ba talaga siya para sa dalaga? Pero bakit siya naiinis sa pagiging malapit nito kay Fourth, at sa pakikipag-usap nito kay Rodel? Bakit ang gusto niya, siya lang ang pinaglalaanan ng oras ng babae?
May isang salita na may apat na letra ang pilit sumisingit sa utak at puso ng binata. 4 letter word that he almost thought don't exist anymore -- LOVE! Does he love Khamis? If love means being happy when she is happy, or giving the bed for her and just lay on the couch, or allow her to make fun of him, or be silly with her, or the willingness to sacrifice even his own life, then yes, siguro nga ay mahal na niya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...