17

4K 96 3
                                    

Walang maapuhap na sasabihin si Khamis. Ang inis na nararamdaman kanina ay kagyat na natunaw. Paanong hindi? He looks so vulnerable, so fragile -- malayong-malayo sa Amos na nakilala niya. Why he is showing to her this side of him, Khamis cannot fathom.

"Ah! Ha ha ha ha! Ikaw naman, ilang oras lang tayo hindi nagkita na-miss ko na ako agad!" she tried her best to make the atmosphere light, pakiramdam niya kasi ay kung anu-anong emosyon ang nasa hangin eh. 

"O-of course! D-di ba f-friend do miss each other when they are away?" pagkaraan ng ilang saglit ay nasabi ng binata. Ewan ba ni Khamis, pero parang bigla siyang nakaramdam ng pagkadismaya sa narinig. Friends? Oo nga naman, pwede mo din naman ma-miss ang kaibigan mo ha. She feels so stupid na bigyan kaagad ng kahulugan ang sinabing iyon ni Amos. "Ang hopia mo kasi! Sinabi na sa'yo na biruan lang ang lahat! Ang unang ma-in love, talo!" pagalit sa kanya ng KJ na side ng kanyang utak. 

"O-oo naman! In fairness din sa'yo ha, na-miss kita! ha ha ha" pilit na pagtawa ng dalaga kahit pa may kakaibang kirot na tumutusok sa kanyang puso. Parehas na silang nanahimik pagkatapos ng sinabi na iyon ni Khamis. Ang binata ay tinuon na lamang ang tingin sa kalsada, habang ang babae naman ay tumingin na lamang sa labas ng bintana. 

Mga ilang minuto ang lumipas, napansin ni Khamis na halos wala na silang nakikita sa daan dahil sa lakas ng ulan. Maging ang windshield wiper ng sasakyan ng lalaki ay wala ng magawa. 

"I think kailangan muna nating huminto! Delikado if tutuloy tayo eh almost zero visibility na." ang sabi ng dalaga kay Amos na agad nag-menor. 

"I-i'm s-sorry ha, Khamis! Kung hindi ako naging impulsive saka matigas ang ulo, eh di dapat hindi tayo stranded dito." his face is so apologetic, kaya naman napangiti na lamang ang babae.

"Wag mo nang isipin yun! Nandito na tayo eh!" kinindatan pa niya ang binata upang iparating dito na balewala na kung magsisihan pa silaKatahimikan na naman. Pakiramdam ni Khamis ay meron talagang awkward air sa ere after nitong sabihin na nami-miss siya agad nito pero bilang kaibigan. Hindi talaga alam ng dalaga kung ano ang kanyang sasabihin to ease the air, but she knows she have to do or say something. 

"N-nagkwento na sa akin si Lola Soledad!" simula niya. Tumingin sa kanya ang binata. He lean forward to show her that he is interested sa kung ano man ang kanyang sasabihin.

"Talaga? What did you find out?" tanong nito. Nag-umpisang i-kwento ng dalaga ang mga dinetalye din sa kanya ni Soledad. Wala siyang tinagong detalye sa lalaki.

"That's tragic! Ang lakas maka-Romeo and Juliet, noh?" pagkaraan ay sabi ni Amos ng matapos ang kanyang pagku-kwento.

"Oo nga eh! Parang only shows na walang forever!" ani naman ni Khamis na sa malayo tumingin. That should be just a thought bubble, pero oh well, nasabi na niya eh!

"Forever? Hmm, tingin ko wala naman talagang forever eh! That's a wrong concept. Dapat we should live our lives everyday; one day at a time." segunda naman ni Amos sa kanyang sinabi. Napatingin dito ang dalaga. Bakit ba kasi medyo may pagka-bitter ito when it comes to love? Nababasa naman niya na mabuting itong tao. Napakalambing, romantic, and expressive pero bakit parang may hung ups ito pagdating sa love?

"Pero yung parents ko, naniniwala sa forever! Sila na kasi since high school. And they've been married for almost 20 years now. Which tells me, baka hindi lang talaga "applicable" ang forever sa ibang tao." muli niyang wika. She saw a smile formed into his lips, but didn't say anything. He instead turn on the car stereo. Isang lumang kanta ang pumailanglang sa ere.

"Hey, I know that song!" Khamis exclaims pagkarinig sa intro ng kanta.

"You do? Ako din eh!" masayang tugon ni Amos ng malamang alam din ito ng dalaga. He strum his fingers sa manibela, while Khamis is gently swaying her head.

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon