"Happy?" tanong ni Amos sa dalaga on their way. Pagkatapos ng Pyromusical na sorpresa niya dito ay kumain na din sila ng mga pagkain na siya mismo ang nagluto. Gusto sana nilang mag-stargazing katulad nung nasa Bataan pa sila, pero hindi kasing ganda ng panggabing langit ng Bataan ang langit ng Maynila. Ngayon nga ay pauwi na sila, Amos insisted na ihatid ang dalaga kahit pa todo tanggi ito. He knows her, sanay ito na independent, kaya kailangan pa niyang ipilit na ihatid ito sa tinutuluyang apartment.
"Very, very, happy! Ang dami mong pasabog eh. Yung huli, literal na pasabog!" natatawang sagot ni Khamis sa lalaki. Si Amos naman ay binuksan ang radyo para daw may back-up sound sila.
"Favorite station mo yan, nu? Laging yan ang pinapakinggan mo!" tanong ng dalaga dito. Napansin niya kasi na miski sa Bataan tuwing bumibiyahe sila, sa radio statior na yan laging nakikinig ang binata.
"Ah, oo! Although I won't admit it pag iba ang nagtanong. ha ha ha! But since it's you, yeah, favorite ko makinig diyan. Chill lang kasi yung mga music, esp. at night pag nagpapa-antok ako, yan ang background ko." sagot naman nito na tinapunan siya ng tingin pagkatapos ay muling ibinalik sa kalsada ang tingin.
"Oi, teka nga pala! Artista ka pala talaga?" biglang naalala ng dalaga na iyon pala ang gusto niyang pag-usapan nila. Masyado kasi siyang na-overwhelmed sa mga nangyari, nakalimutan na niya ang mga tanong na ni-draft na niya sa kanyang isip.
"Di ba sinabi ko naman sa'yo yun? Eh, hindi ka naman naniwala! Sabi mo pa, ikaw si Angel Locsin." dinilaan pa siya nito na parang isang paslit. Si Khamis naman ay namula ng maalala ang kanyang sinabi sa binata.
"Eh akala ko kasi nagbibiro ka lang! Hmm, I googled you, sikat ka pala talaga! Nakakahiya. S-saka, hmm, s-saka, nabasa mo na ba yung article about us?" she stammered. Ngayon pakiramdam niya, kinakain na naman siya ng hiya. Gusto niya sanang idagdag na nakita niya din ang picture ni Zamantha. At isa lang ang tangi niyang naisip pagkakita sa larawan ng babae-- DIYOSA! Hindi siya yung klase ng babae na madaling ma-insecure, but seeing Zamantha, nun niya lang naalala ang mga kinaiinisan niyang parte ng kanyang mukha't katawan. Naisip nga niya, "di man pala totoo ang nobody's perfect eh! Si Zamantha, yata ang definition ng salitag perfect. walang mali sa mukha, parang hinulma sa pinaka-mahal na hulmahan" yun ang naisip ni Khamis. Pakiramdam niya nung nagsabog ng ganda ang Diyos, gising ang babae dahil siya lahat ang sumalo.
"Well, matagal din naman bago kong narating yung kasikatan na na-google mo. Hindi naman ako ang pinaka-sikat, pero sure ako, ako ang pinaka-gwapo." biro sa kanya ni Amos. Khamis rolled her eyes again.
"Hindi kaya! Si Daniel Padilla kaya ang pinaka-gwapo. Super crush ko yun!" kunwari ay nangangarap pa siya pagkabanggit sa pangalan ng gwapong aktor.
"Mas gwapo kaya ako dun! Ako na lang crush mo oh! Sige na." pina-pungay pa ni Amos ang kanyang mga mata sa harap ng dalaga. Parang gusto namang matawa ni Khamis sa sinabi at ginawa ng binata. Kunwari ay nag-isip siya.
"Pag-iisipan ko muna! Depende din ha! Kasi ikaw music lang, baka si Daniel haranahin ako. Iba din kasi pag ikaw mismo yung kumakanta, mas triple yung kilig. Nakuu! Hihimatayin siguro ako pag ganun. Pag niyaya ako mag-date nun, hindi ako magdadalawang isip." tinakpan pa ng dalaga ang kanyang bibig na kunwari ay sobrang kilig na kilig sa kanyang naiisip.
"Grabeh ka, my loves! Sinasaktan mo ang puso ko." Amos pout, tapos ay kunwang nasasaktan sa paghangang ibinibigay ng dalaga kay Daniel Padilla.
"Don't worry! Mas love naman kita." natatawang sagot naman ni Khamis sa pagpapa-cute ng lalaki. Ang saya-saya lang talaga ng gabing iyon, pakiramdam ng dalaga, what happened earlier is more than what she expected for her first date. Hinding-hindi niya malilimutan.
BINABASA MO ANG
CHANCES (COMPLETED)
Short StoryShe's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor who chose to disappear from the surface of the earth because of a broken heart. They met in Bataan. Natagpuan nila ang kanilang mga sarili...