22

3.7K 124 10
                                    

Khamis took a deep breath. Kanina pa siya nagdadalawang isip kung babalik pa ba sa transient home na ito? Honestly, hindi niya na kayang pakiharapan si Amos. Hindi dahil lang sa nagtatampo siya, kundi dahil pakiramdam niya, biglang may napakalaking pader na humarang sa kanila pagkatapos ng mga nasabi nito. Fourth and Lola Soleda offered their home. Sinabi pa ng mga ito na pwede na lang daw ipakuha ang kanyang mga gamit sa isa sa mga tauhan nila kung talagang asiwa na siyang bumalik kasama ang lalaki.

But she refused. Kung aalis man siya, sisiguraduhin niya makakapag-paalam siya ng personal kay Amos. Tinanggap siya ng lalaki ng buong puso, kaya naman she should return the same courtesy-- maybe even just for the last time! Muling huminga ng malalim si Khamis, bago lakas loob na umakyat. Inilabas niya ang spare key, at isinuot yun sa doorknob.

Madilim sa loob. Biglang kinabahan ang dalaga. Hindi pa ba nakakabalik ang binata? Hinanap niya ang switch, and turn it on. Muntik pa siyang mapatili ng makita niya sa isang sulok si Amos. May hawak itong isang lata ng alak, and he is crying. Umiiyak ito?

"A-amos?" mahina niyang usal. Once again, she saw this vulnerable side of Amos that he don't often show. Malayo sa kanina ay halos pumatay na sa sobrang galit. He looks so fragile. Nag-angat ito ng ulo, at parang nakakita ng anghel ng makita siya.

"Khamis!" tila isa itong bata na yumakap sa dalaga. His head is on her chest. Khamis gently caress his hair. Pakiramdam ng dalaga ay bigla na lamang natunaw ang kung ano mang tampo na kanyang nararamdaman para sa binata.

"I-i'm sorry! I'm really, really sorry! I've been a jerk. I've been an asshole! I shouldn't have said those things to you. Sorry, Khamis, sorry! Please don't leave me. I'm scared! Takot na akong maiwanan ulit..." emosyonal na pahayag ng lalaki.

"Ssshhh! Tama na! Wala na yun. Kalimutan na natin yun." pang-aalo niya sa binata kahit pa hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang takot na sinasabi nito.

"A-akala ko, tuluyan mo na akong iiwan. K-kasi I've been left alone after I gave everything to someone dati. I gave almost all of me, p-pero iniwan ako." umiiyak pa din na sabi ni Amos.

"2 yrs. ago, may m-minahal ako! M-mahal na mahal. Akala ko ganon din siya sa akin. I was planning my life with her. Lahat ng pangarap ko kasama siya. Si Z-zamantha. Tumagal ang relasyon namin for 2 years. But just later last year, she l-left me. Iniwan niya ako ng walang explanation, Khamis. I was so devastated. Lagi kong tinatanong ang sarili ko, ano bang nagawa kong mali? Then just few months ago, nalaman ko na lang na magpapakasal na pala siya, sa i-isang mayamang businessman. Pakiramdam ko, I died all over again, kasi umaasa pa din ako na babalikan niya ako. Na magbabago ang isip niya. Pero hindi na pala! Maybe because I don't deserve it, maybe because I'm not good enough..." humagulgol ang lalaki. Sa mga oras na iyon, kung pwede lang hatiin ni Khamis ang sakit na nararamdaman nito, hahatiin na niya sa dalawa, o kung pwede nga, kukuhanin na niya because it pains her more seeing him this way. Malayo sa Superman, Spartan, Superhero image nito.

"Amos, don't say that! Siguro, hindi ko alam ang buong istorya ninyo ni Zamantha, or what were her reasons for leaving you, pero sigurado ako, it isn't because you are not good enough for her. Siguro hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa. And sure ako na one day, meron at merong isang babae will treat you as not just good enough for her, but you are perfect for her. I guess you should just stop looking on everything that is going wrong, instead appreciate all the things that is going right. Saka alam mo, if I were Zamantha, hindi kita iiwan." she sincerely utter. Biglang nag-angat ng tingin ang binata ng marinig ang kanyang sinabi.

"Talaga? Hindi mo ako iiwan kung ikaw si Zamantha?" nangiti si Khamis sa tinuran ng lalaki.

"Oo naman! Bakit ko iiwan ang taong handang ibigay sa akin ang lahat-lahat? But then again, I am not her. I am not Zamantha!" may kakaibang kirot na naramdaman ang dalaga pagkasabi sa katagang iyon. Dahil ba silently, she is wishing na sana siya na lang si Zamantha? Na sana siya na lang ang minahal ng ganun ni Amos?

"You are certainly not her! Magkaibang-magkaiba kayo. And I meant it in a good way." nakangiting sabi ni Amos ng makita ang pag nguso ng dalaga. "She is high maintenance, while you are so low profile. She loves all the finest things in life, while you find joy in the simpliest thing. She's a princess, while you're a queen who doesn't need a saving. She is needy, you are independent. She's soft spoken and very refined, you, on the other hand, is very outspoken and kick ass kind of girl. You are worlds apart, but with all my heart, I like your way better! And I think, I think, hmm, no I am sure, I am in love with you, Khamis!" maang na napatingin dito ang dalaga. Wait! Ano raw sabi niya? Rewind rewind rewind!! "Gaga, ang sabi niya, inlabey daw siya sa'yo!" bulong na naman sa kanya ng kanyang may kalandian na konsensiya.

"So, okay, what's the catch? Sige na, I am waiting for the word JOKE!" tumayo ang dalaga at naupo sa kama. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, kahit pa napakahirap gawin nun. Sigurado siya, nagbibiro lamang ito. Paanong mangyayari yun? She's so out of his league..

"Khamis, I am not joking! I am in love with you. Mahal kita, dahil dahil, hindi ko alam, basta nagising na lang ako isang araw na mahal kita. Sobra sobra! The kind of love na ngayon ko lang naramdaman..." madamdaming pahayag muli ni Amos na lumuhod pa sa kanyang harapan.

Si Khamis ay napatunganga na lang. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas sa kanyang bibig. The feeling is so overwhelming it feels so surreal.

"N-nakainom ka lang! S-saka, b-baka kasi m-malungkot ka lang k-kaya mo nasasabi yan!" she stammered. Tumayo siya at tinungo ang maliit na ref pagkatapos ay kumuha ng ice cube. Binalot niya iyon sa isang bimpo at dinampi sa pasa at sugat ng lalaki sa bibig.

"I am sure! Sabi mo, start appreciating all the things that is going right. Khamis, you made everything right! Ikaw ang pinakatamang nangyari sa buhay ko. Pag kasama kita, masaya ako. Pag kasama kita, tumatawa ako. Pag kasama kita, suddenly gusto kong mabuhay!" hinawakan ni Amos ang kanyang kamay na pinandadampi sa mga sugat ng binata. Dinala iyon sa bibig!

"I-i don't know what to say. Masyado akong nabibigla. H-hindi ko alam how to deal with this. And--"

"Sshhh! I don't expect you to answer back right away. Sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo pag handa ka na. Gusto ko lang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko k-kasi kanina nung nakita kita na muntik ng may masamang mangyari, I swear, gusto kong pagsisihan na hindi ko agad sa'yo nasabi ang nararamdaman ko. Pasensiya ka na ha, naguguluhan pa din kasi ako. Pero ngayon, sigurado na ako. Mahal kita!" muli na naman dinala ng binata ang kanyang mga kamay sa labi nito. Hinalikan nito ang kanyang mga palad ng buong pagmamahal at pag galang. And frankly, Khamis is loving the feeling!

CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon