Tatlongpu't Lima

822 64 13
                                        








" Gretel..." Mahinang bigkas ko sa pangalan ng pangalawa kong asawa.


Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko, sa panahong ito.



" Kamahalan..." Bigkas nito at ngumiti sa akin.


Dahan akong lumapit sa kinaroroonan nito nakatuon lamang ang aking mga mata dito at ganun din naman ang ginawa niya.



Pagkalapit ko sa harap nito ay hinawakan ko ang magkabilang braso nito at sinuring maigi ang mukha nito dahil gusto kong makasigurado na siya nga itong nasa harap ko.



Pagkatapos ko siyang titigan ay niyakap ko ito ng napakahigpit.


" Gretel..." Wika ko sa tenga nito.



" Ayos lang po ba kayo kamahalan? " Wika ni Gretel sa tenga ko.



" Gretel, paanong? paano ka napunta sa lugar na ito? " Humiwalay ako dito at tiningnan siya.



" Mahabang storya kamahalan... pero sa ngayon gusto kong sumama ka sa akin.." Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.


" Sumama saan? " Ngumiti ito sa akin at hindi sumagot.


Bagkos ay hinila ako nito at naglakad na kami baba nitong gusali.




Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa kami nakakarating kung saan lugar man niya ako dadalhin. Pagkaalis namin sa gusali ay may sumundo sa amin na ikinataka ko pero hindi na ako nahsalita pa, ngayon nga ay nasa kotse kami ni Gretel at bumabyahe papunta sa hindi ko malamang lugar.




" Pumayat ka kamahalan, hindi kaba nagkakakain? " May pag-aalala nitong wika sa akin.


Tumingin ako sa kaniya.



" Hindi ako masyadong kumain nitong mga nakaraang araw dahil marami akong iniisip.." Wika ko.




" Hayaan niyo kamahalan pagdating na pagdating natin ay pakakainin agad kita.." Sabay ngiti pa nito at hawak sa kamay ko.



Makalipas pa ang ilang minuto ay tumigil na din ang kotseng sinasakyan namin hudyat na din siguro ito na nandito na kami sa aming destinasyon. Unang bumaba si Gretel at sumunod naman ako, Pagkalabas ko ay napatingin ako sa isang malaking bahay.



" Kaninong bahay ito? " Lingon ko pa kay Gretel.



" Sa akin kamahalan... " Sagot nito.



" Halika na pumasok na tayo sa loob.." Sabi pa nito at hila pa sa kamay ko.



Pagpasok namin ay may mga taong nakaabang at sumalubong sa amin marahil ay mga katulong niya ito sa bahay.



" Huwag mo silang pansinin kamahalan mga kasambayahay ko silang lahat.."



Hindi na ako sumagot pa at sumunod na lamang sa kaniya. Nang makarating kami sa hapag kainan ay pinaupo niya agad ako at sinabihang magantay ng ilang sandali dahil may pinahanda siyang makakain para sa akin.




" Magpapalit lamang ako ng kasuotan kamahalan maghintay ka lang dito ha?" Tumango na lamang ako sa sinabi nito.



Umalis na nga siya sa harap ko at ako naman ay tahimik lamang na naghihintay dito.




Maraming pumapasok sa isip ko na sa kung papaano napadpad si Gretel sa panahong ito. Dinala din kaya siya nang taong nagdala sa akin dito? Halo halo na ang mga hakahaka sa aking isipan.



Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon