Tatlongput' Pito

1.1K 60 3
                                        










" Kumain na daw po kayo sabi ni Miss Scarlett kamahalan..." Nilingon ko ang tagapaglikod ni Scarlett.


" Ayokong kumain.." Pagtanggi ko dito.



" Mapapagalitan po ako kapag hindi kayo kumain, kumain na po kayo..." Pamimilit nito.



" Sabing ayoko!! " Tinabig ko pa ang dala nitong pagkain.



Ilang araw na niya akong kinukulong sa kwartong ito, hindi ko na din maalala kung anong araw oh petsa na ba ngayon.



" What is going on here? " Pareho kaming napalingon ng tagapaglingkod sa may pintuan.



" Miss Scarlett... ayaw po kumain ng kamahalan tapos po tinabig niya po iyong pagkain niya.." Wika ng tagapaglingkod niya.



Narinig ko naman na napabuntong hininga ito.



" Okay, you can leave ako nang bahala dito.." Wika ni Scarlett at tumango naman ang babae at lumabas ng kwarto.



" Bakit ayaw mong kumain? " Tanong nito.



Masama ko naman siyang tiningnan.



" Sa tingin mo ba makakakain ako sa lagay kong ito? Kinulong mo ako dito at tinali, sa tingin mo ba may gana pa akong kumain sa nangyayari sa akin ngayon?" Malamig na turan ko dito.




" Ikaw naman kasi eh, kung pumayag ka lang sana sa gusto ko edi sana hindi ka nakakulong sa kwartong ito.." Ngisi pang wika nito.




" Hindi ako papayag sa gusto mo.." Madiin kong turan dito.




" Kahit pa ang kapalit non ay ang pagbalik mo sa panahon mo? " Natigilan ako sa sinabi nito.




" Look Ravin, Isa lang naman iyong hinihiling ko sayo eh.. ang pakasalan mo ako kapalit nang pagbalik mo sa panahon mo, At kapag nakabalik tayo sa panahon natin.. ako na ang magiging bagong reyna mo at nagiisang asawa mo.. Walang Snow, walang Gretel, walang Madeline... Ako lang.."




Gusto niyang maging asawa ko siya kapalit nang pagbalik ko sa panahon ko pero ang kapalit non ay mawawala sa akin si Snow.




" I can arrange something's if we go back to our time you know? "



Alam kong kaya niyang gawin lahat gamit ang mahika niya ngunit hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.




" Kahit ano pang imungkahi mo sa akin hinding hindi ako papayag sa gusto mo..."




Nakita ko naman na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.




" Ang dami ko nang offer sayo pero ayaw mo pa din... Well in that case, mags-stay tayo sa panahong ito... Its better naman kung nandito tayo eh haha, kasi sa panahong ito wala na ang pinakamamahal mo... she died along time ago hahaha.."




May kirot akong naramdaman dahil sa sinabi nito.



" She waited for you, for a long time... Until her last breath, hinihintay ka niya.. How sad diba?"




" Tama na... tumigil kana.." Hindi ko na kayang marinig pa ang mga bagay na sasabihin niya.




" Poor Snow... Tama lang na mangyari iyon sa kaniya dahil hindi ka nararapat sa kaniya... She is destined to be alone."




Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon