" Scarlett? " Paanong?
" Long time no see your highness.." Wika nito sabay ngisi sa akin.
Nalilito ako sa nangyayari, bakit siya nandito? at ano iyong nangyari kanina mahika?
" Mukha hindi mo inaasahan na makikita mo ako dito kamahalan.." Wika pa ulit nito.
" Ano ito Scarlett? bakit ka nandito?"
Kinuha ko muna iyong mga damit ko at nagbihis sa harap nito.
" Sabihin na nating itong panahon na ito ay ang pangalawang tahanan ko.." Nakakunot akong nakatingin dito.
Anong pinagsasabi niya?
" Pamilyar kaba sa mga mangkukulam sa panahon mo kamahalan? Sa ibat ibang uri ng mahika? Dahil isa ako sa mga taong kayang gawin ang mga bagay na iyon..."
Isa siyang mangkukulam?
" At ako din ang nagdala sayo dito sa panahong ito..."
Ha? Teka.
Hindi ako makapagsalita dahil nabibigla pa din ako sa impormasyong nalalaman ko.
" And why is that? Because I want you here... with me.."
Ang pagsasalita niya nang ingles ay tila matatas.
" B-bakit? Bakit mo ako dinala sa panahong ito? sabihin mo!?" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw sa kaniya.
Ngumiti ito sa akin bago sumagot.
" Dahil gusto kong mapasa-akin ka... dahil sa panahong ito wala ang mga asawa mo.. sa panahong ito, tayo lang dalawa.."
" Mahal na mahal pa din kita Ravin, hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo... gusto ko mang kalimutan ka hindi ko magawa, kaya ginawa ko ito.."
" Nahihibang kana! Hindi ko akalaing magagawa mo ang bagay na ito.." Tinignan ko siya na may pagkadismaya.
Ang kilala kong Scarlett ay hindi ganito ang ugali, mabait si Scarlett hindi ko maisip na kaya niyang gawin ang bagay na ito.
" Mas pinili mo ang babae na iyon kaysa sa akin... at hindi ko matanggap iyon."
Nagusap kami dati nang maayos pero iyong totoo pala ay hindi niya matanggap na si Snow ang pinili ko kumpara sa kaniya.
" Nagusap tayo noon... pero, bakit naman- bakit mo naman ginawa sa akin to!? " Hindi ko na napigilan pang hindi maiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Kung hindi niya ako dinala sa panahon na ito ay sana ay kasama ko hanggang ngayon ang asawa at anak ko. Pero anong ginawa niya.
" Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito kamahalan... Lahat nang ginawa ko ay para sa atin, para magkasama na ulit tayo... alam ko namang napilitan ka lang sa kasal niyo nang prinsesa eh, alam kong hindi mo ginusto iyon, na ako talaga ang gusto mo.."
Nahihibang na siya.
" Nababaliw kana, totoong mahal ko si Snow kaya siya ang pinili ko! "
Natahimik ito bigla at nawala sa mukha nito ang masaya niyang ngiti kanina.
" You don't mean that... Nag-asawa ka nga ulit ng dalawa pa eh, paano mong nasasabi iyan? hahaha.." Nakakaloko nitong tawa.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
RomancePag-ibig na nagsimula sa isang pagkamuhi at pagkadisgusto ay mauuwi ba sa isang napakagandang kwento ng pag-ibig? O magiging isa lamang itong isang masalimuot na tagpo? Isang anak ng heneral na ipinagkasundo sa anak ng isang hari. At ang prinsesang...
