Sino ang tinutukoy ng lalaki na iyon? Isa sa mga asawa ko ang papatay sakin?
Si Gretel? Hindi, mabuti siyang babae kaya alam kong hindi niya magagawang patayin ako. Alam ko na ang babaeng iyon, Si Madeline.. sigurado ako na siya ang gustong magpapatay sa akin. Dahil ayon sa libro at historya ng gadula ay siya ang nagpatalsik kina Snow at Gretel. At sigurado din ako na masama ang ugali ng babaeng iyon, tiyak akong siya ang may pakana ng lahat ng ito.
" Uy Ravin okay ka lang? " Napatigil ako sa pagiisip ng lumapit sa akin si Faith.
" Ayos lamang ako binibini.." Tugon ko.
" Parang hindi ka naman okay eh.. simula nung bumalik ka galing CR nagkaganyan kana.." Wika naman ni Justine.
" Oo nga.." Komento naman ni Faith dito.
" Wala ito ano ba kayo.." Sagot ko na lang sa kanila para hindi na sila magtanong pa.
Kailangan kong mahanap kung sino iyong nagpapaslang sa akin, kung si Madeline ang ugat ng lahat ng ito? hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang ito sa akin.
___
Makalipas ang ilang araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang magpabalik balik sa palasyo para magimbestiga. Pero wala pa din akong mahanap na bakas ng taong iyon oh kung sino man ang kahinahinala sa lahat ng nasa palasyo.
" Nandito ka lang pala.."
Bigla akong napabalikwas dahil sa gulat ko. Agad akong tumingin sa likod ko kung sino iyong nagsalita.
" Victoria..."
" Kung saan saan na kita hinanap nandito ka lang pala... as always." Kita ko sa mukha nito na parang naiinis.
" M-may ano.. ahm, pumapasyal lamang ako... tama hehe." Sana maniwala siya sa sinabi ko.
" Are you avoiding me? " Napakunot ako ng bahagya sa sinabi nito.
" Argh! Ang sabi ko, iniiwasan mo ba ako? " May iritang wika nito.
" H-hindi ah! B-bakit naman kita iiwasan? " Utal kong wika dito.
Sa totoo lang ay iniiwasan ko talaga siya dahil doon sa muntik nang may mangyari sa aming dalawa. Gusto kong umiwas sa kaniya dahil baka kung ano na lang ang magawa ko kapag binalak niya ulit gawin ang bagay na iyon, ang akitin ako.
" Bakit parang nararamdaman kong iniiwasan mo ako? dahil ba ito sa nangyari nung nakaraan? "
" H-hindi ano kaba.." Lumapit ako nang bahagya dito.
Niyakap ko siya ng patagilid at hinamas ang braso niya.
" Bakit ko naman gagawin iyon, hmm? "
" Still.. I feel it you know? Pangit ba ako? pangit ba ng katawan ko? Am i a bad kisser? hindi mo ba nagustuhan ang mga halik ko? "
Para na siyang iiyak.
" Hi- hindi sa ganon Victoria...Ano.. "
Parang iiyak na talaga siya ngayon.
" Wag kang iiyak..." Nakanguso na siya ngayon.
Niyakap ko siya nang mahigpit.
" Hindi sa ayaw ko sa halik mo Victoria... Malaki lang ang respeto ko sayo kaya hindi pa natin pwedeng gawin ang bagay na iyon... at saka masyado ka pang bata para sa mga bagay na iyon.." Pagkasabi ko non ay bigla itong humiwalay sa akin.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
RomantizmPag-ibig na nagsimula sa isang pagkamuhi at pagkadisgusto ay mauuwi ba sa isang napakagandang kwento ng pag-ibig? O magiging isa lamang itong isang masalimuot na tagpo? Isang anak ng heneral na ipinagkasundo sa anak ng isang hari. At ang prinsesang...
