Bakit kaya hanggang ngayon wala pa si Bestie nag aalala na ako sa kanya.
PE class namin ngayon pero lutang ako dahil kay Bestie I really miss her ,pupuntahan ko siya mamaya
"The 5 objectives that are being develop in P,E "sir Rome said"theres a five you can understand it by simple memorize the word "PEMSS DEVELOPMENT" the P stands for physical fitness the E stands for?"
Para makamusta siya kung Ok lang ba siya ibinigay ko rin ang mga notes ko para hindi siya mahuli sa class mahirap pa naman humabol dahil malapit na ang 4th Grading at
" WAYAN"
Malapit na rin kaming mag moving Up kaya pahirapan talaga ngayon kailangan naming pag igihan ang pag aaral para makamartia kami
" E stands for EMOTIONAL"
Pupuntahan ko siya mamaya sa clinic pagkatapos ni sir Rome manalo sa kanyang tinuturo
" CASTRO "
Habang nag dodrawing ng anime girl sa likod ng notebook tamang shade shade lang
" M stands for MENTAL"
Para maging maganda itonat hindi boring tignan,malapit na akong matapos mata at bibig nalang
" MARCEL"
Sinimulan ko ng idrawing ang mata nilagyan ko ito ng luha sa gilid ng ,ang kanyang lapi ay nakangiti habang lumuluha.
" S stands for SPIRITUAL"
Ayan tapos na konti na lang nilagyan ko ng flowers ang ulo niya para magmukhang headband then lala---
May biglang kumuha ng notebook ko dahil sa gulat napatingin ako kay Sir na galit na galit kitang kita kung gaano kalaki ang butas ng ilong niya dahil nakaupo ako at siya naman nakatayo sa tapat ko ,hindi ko manlang namamalayang naglakad na pala siya sa puwesto ko ,Lagott!"
" Get Out " binalibag niya ang notebook ko at pumunta na ulit sa harap para magturo ng parang walang nanyari
" FAJARDO "
Kitang kita kung paano tumingin sa akin ang mga kaklase ko ,hindi sila naaawa bagkus tuwang tuwa pa sila na pinaalis ako ni sir,
" S stands for SOCIAL"
Nagunguna na si Janice sa pagngising aso ,di naman bagay tskk
" Now in that-----
Lumabas ako at di ko na narinig ang mga susunod na sasabihin ni sir, maganda na rin siguro ito dahil mapapaaga ang pagpunta ko sa clinic .
Kumatok ako ng tatlong beses ng walang nagbukas dahan dahan kong binuksan ang pinto
"Ikaw na pala ang may ari ng damdamin ng minamahala ko
Sabi nga ng iba kung talagang mahal mo siya
Ay hahayaan mong hahayanan mo--
nang makapasok ako nakita ko si Nurse Geline na nakaupo at nakikinig sa music hindi ito gaanong dinig sa labas at masyado siyang busy sa kanyang cellphone kaya di niya ako napansing pumasok .
Di na ako nag abalang istorbuhin siya dahil baka sungitan lang niya ako.
Nakita ko si Bestie sa may dulong bahagi ng Bed nakahiga siya habang nakangiti mukha naman siyang maayos na dahil nakakapag cellphone na siya .
Di niya namalayan na nakalapit na ako ,
di nungaw ko ang kanyang ginagawa yun naman pala nakikipag chat siya kay jerald at kaya naman pala siya hindi na pumasok ngayon sa klase dahil mas gugustuhin pa niyang makipagchat sa kanya rather than pumasok sa room.
Nakakatampo pero hinayaan ko na lang siya sa kanyang desisyon kasi masaya naman siya sa kanyang ginagawa. iyan naman ang mahalaga diba ang makita natin ang taong mahal natin na masaya ,masaya narin tayo kahit hindi tayo ang dahilan nito.
" Bestie " I hug her tight halata na nagulat siya dahil nabitawan niya ang kanyang phone.
" Bestie nandiyan ka pala di kita napansin " sabi niya habang kinikuha sa tagiliran niya ang phone niya.
Obvious nga bising bisi ka eh " Are you alright ?" I ask concernly.
" Oo naman kanina pa !"I knew it !sabi ko na nga ba tama ang nasa isip ko .
" Nag alala talaga ako sa iyo ng sobra"
" Nako ito talagang bestie ko malaki na ako kaya ko na ang sarili ko"
" Totoo?"
" Oo naman nandiyan naman si Jerald para sa akin !"sabi niya habang nakipachat ulit.
Nasaktan ako doon simula pagkabata, ako ang lagi niyang sinasabihan na "nandiyan ka naman palagi at alam kong hindi mo ako hahayang masaktan "pero ngayon ,gusto kong maiyak .
" lalabas ka na ba malapit ng dumating yung teac----"
" Mamaya na ako papasok ka chat ko pa si Jerald paki sabi na lang sa mga teacher natin na nasa clinic ako at masakit ang ulo"sabi niya habang nakangiti at halatang kinikilig sa pinag uuasapan nila.
" Ok " i said in a sad tone di ko na napigilan ang sarili ko ,namuo ang luha sa gilid ng mata ko dahil dati kapag magkausap kami hinding hindi siya nawawalan ng topic pero ngayon siya na mismo ang nawawalan ng ganang makipag usap sa akin .
Bago pa niya makitang lumuluha na ako I turn my back and step ,one step ,pero wala akong narinig na " Thank you bestie"
Kaya naman lumabas na ako ng clinic dire diretso , di ko nga napansin kong nakita ba ako ng nurse o hindi,
Sabi nga ng iba kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan
Ohh Ohhh----
Sinarado ko na ang pinto ,tama nga siguro ang sabi sa kanta na " kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo" .
Hinahayaan ko na nga siya sa gusto niya pero di ko naman alam na ganito pala kasakit sa taong nagpaparaya dahil ang mga nakasanayan mo ay bigla na lang nag iba.
Ang sakit kapag binaliwala ka ng one and only best friend mo!! Naglalakad ako habang umiiyak .