CHAPTER 31

15 14 0
                                    




May narinig akong tatlong katok.Ready na ako nakapag ayos na rin ako nilagyan ko na ng pulbos ang mukha ko para hindi maging haggard kapag nakita ni ano.ayan nanaman bakit ba puro siya ang nasa isip ko .

Binuksan ko ang pinto Tama nga si Yaya Margie ito habang nakangiti.

" Ready?" I nodded " let's go"

Inuna namin ang ground floor.

" dito sa kanan makikita mo ang kitch---"
Marami pa siyang sinabi at nagpapukaw sa interest ko ay ng umakyat na kami sa second floor .

" ito ang kuwarto ni Teo Sebastian Ares ang nakakabatang kapatid ni Boss Benjamine Ares" kapatid pala siya ni boss"  siya ay 19 years  nag aaral siya sa manila kaya nakakauwi lamang siya dito tuwing may oras  Botany ang kinikuha niyang kurso at yung mga halaman na inaalagaan mo siya ang nag aalaga niyan " kaya pala doon siya naghahanap ng libro kahapon " dati kaso lang nang mag first year college siya hindi na niya ito naaalagaan mabuti na lang nandiyan ka at inaalagaan mo itong mabuti .

" nasaan po si Teo ngayon ?" I ask .

"Bumalik na siyang manila dahil may pasok pa sila ngayon naandito siya kahapon pero umalis na rin kaninang alas 3 ng umaga gamit ang kanyang black Lamborjini ." Paliwanag nito.

" kailan siya kadalasang nakakauwi dito?"

" paiba iba minsan sabado minsan linggo iyan lamang kasi ang araw kung saan hindi siya busy at saka umuuwi lamang iyon dito para icheck ang mga alaga niyang bulaklak at ngayong nandiyan ka na baka hindi na iyon umuwi " 

Ibig sabihin hindi ko na siya makikita nalungkot ako .

" bakit ka malungkot huwag mong sabihin na may gusto ka sa kanya?" Pang iintriga nito.

" huh hindi po?" I denied.

" nako ikaw bata ka may Girlfriend na iyon matagal na sila mag  aapat na taon na sa May 20 Maganda ang girlfriend niya halatang anak mayaman pinakilala ito sa amin ni Teo noong first anniversary nila akala ko nga noong una masungit pero hindi dahil ang bait bait niya kaya botong boto ako sa babaeng iyon."

" ano pong pangalan niya" pinilit kong ayusin ang aking pananalita dahil it hurts.

" Marian Nepomocceno magkaklase sila sa manila ." I nodded.

" at alam mo ba palagi itong nananalo sa mga beauty contest hindi na kataka taka dahil maganda naman talaga siyang tunay---" hindi na ako nakinig.

" nakikinig ka ba" tanong nito nabalik ako sa ulirat.nakilang hakbang na siya at ako naman naandito pa rin sa tapat ng pinto ni teo.

" halata namang may gusto ka kay Teo dahil natulala ka sa dami ninyong pagkakaiba ni Marian pero Ok lang iyon bata ka pa marami ka pang magugustuhang lalaki ako nga di ko na mabilang kung ilan ang naging crush ko dati pero isa lang ang nagpatibok ng puso ko  at ngayon asawa ko na siya" kinikilig pa siya habang magkukwento.she continue " kaya ikaw matututo ka munang mag ayos ng sarili mo bago ka magkagusto " pangaral nito.


Aray ang sakit siguro nga may gusto na ako dito dahil hindi na normal ang pakiramdam ko kapag naaalala ko siya gusto ko lagi ko siyang nakikita sa umaga at napapangiti ako tuwing naaalala ko siya. Tama nga siguro ang sinabi ni Yaya Margie na may gusto na ako dito dahil ngayong sinabi niya na may girlfriend na pala ito ay gusto kong umiyak at parang may tumutusok na maraming karayom sa puso ko at gusto na rin nitong umiyak hindi nga lang luha kundi dugo . Ang sakit ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam mas masakit pa ito sa pinaalis ako sa bahay at ng malaman kong ampon lamang ako HINDI KO ALAM KUNG BAKIT.

Nawalan na ako ng gana na makinig sa mga ikinukuwento niya dahil ang gusto ko na lang ngayong araw ay ang pumunta sa kwarto at umiiyak ng umiyak.

Merciful Maiden Of OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon