" anong nagyari dito ?"sigaw ni mama habang masamang nakatingin sa akin.
"Mama pinagsamantalahan niya po ako " turo ko kay Miko na ngayon ay parang gulat na gulat sa sinabi ko.
" Ako pinagsamantalahan ka Hoyy mahiya ka nga hindi ko kayang lokohin si Quenny."
" what happened here ?" Sabi ni Quenny na kakapasok lang ng pinto .
" Quenny please help me "hinawakan ko ang kanyang kamay habang nakaluhod
"binalak akong pagsamantalahan ng boyfriend m---" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sinampal na niya ako napahiga ako sa sahig dahil sa lakas nito.
" Ang kapal din naman ng mukha mo na pagbintangan ang boyfriend ko na balak kang pagsamantalahan " galit na sabi niya.lumuhod ulit ako at hinawakan ang kanyang kamay na nanginginig sa galit.
" Please Quenny makinig ka sa akin bilang nakababatang kapatid mo maniwala ka sa aki---" PAK Sinampal niya ulit ako pero ngayon hindi na ako nagpatinag " Ate maniwala ka sa akin please " pagsusumamo ko habang tumutulo ang luha ko.
" Paano ako maniniwala sa iyo "!sigaw niya sabay bitaw sa akin at lapit kay Miko
" babe totoo ba ang sinasabi niy?"seryosong tanong nito.
" Anak ano ba yang tinatanong mo ?"
" mama gusto kong malaman ang katotohanan.lumingon siya kay miko na parang anghel dahil sa itsura niya ngayon ibang iba sa natuklasan ko kanina.
" Hindi yun totoo babe trust me" sabi niya sabay hawak sa kamay nito " hinding hindi kita kayang lokohin, babe mahal na mahal kita Do you trust me"
" Yes I do ,I trust you" ang they hugged each others.
" Oh kita muna alam ko naman na hinding hindi ka kayang lokohin ni miko ,anak eh "
Kay mama naman ako lumapit at nagmakaawa dahil sabi nila hindi kayang tiisin ng magulang ang kanyang anak .
" mama maniwala kayo sa akin " sabi habang nakaluhod at hawak ang kanyang kamay.
Hinawakan niya ito at pinatayo ako ,natuwa ako dahil naniniwa--PAK
Sinampal niya ako dahil sa gulat napahawak ako sa mukha kong sinampal niya di ko akalain na kaya ni mamang pagbuhatan ako ng kamay .
" WALANG HIYA KA LOLOKOHIN MO PA AKO! ANONG AKALA MO SA AKIN UTO UTO?"nanggagalaiting sigaw ni mama.
Pinilit kong hawakan ang kanyang kamay pero mabilis din niya itong itinataboy parang diring diri siya sa akin.
" Ma--mama" hirap na hirap na sabi ko ang sakit eh yung sampalin ,tadyakan, bugbugin at marami pang ibang uri ng pananakit kaya kong tanggapin sa ibang tao Oo kaya ko !pero yung sampalin ka ng sarili mong ina hindi ko kayang tanggapin yun dahil para na rin akong sinaktan hindi lang emotionally but also physically.
PAK sinampal niya ulit ako" ALAM MO MALAS KANG TALAGA NOH TAPOS NGAYON GUSTO MO PANG MASIRA ANG RELASYON NG ANAK KO"ouch Anak ang tawag niya kay Queeny pero ni minsan hindi niya ako tinawag na anak.
Kahit na hirap na hirap pinilit kong magpaliwanag" Ma--m-mama totoo po ang sinasabi ko nagsisinungaling po siya" turo ko kay miko.
" ANG KAPAL DIN TALAGA NG MUKHA MO NOH INAMIM NA NI MIKO NA NAGSISINUNGALING KA AHHH ALAM KO NA GUSTO MONG MAAGAW SI MIKO SA AKIN DAHIL WALANG PUMAPATOL SA IYO KAYA KAHIT NA MAY GIRLFRIEND NA YUNG TAO BALAK MONG LANDIIN "
" HINDI YAN TOTOO---"
" MANAHIMIK KA WILL YOU? Alam mo dati pa lang mang aagaw kana eh simula ng ipinanganak ka napunta na sa iyo ang atensyon ni papa ikaw na magaling ikaw matalino ikaw na lahat " hindi ko inakala na may ganyan pala siyang nararamdamang galit na nararamdaman kahit na hindi niya ako pinapansin ang akala ko normal lang sa kaniya iyon dahil iyan ang napapansin ko sa school iilan lang ang circle of friends niya.
" inagaw mo na si papa ang kaisa isang lalaking minahal ko tapos ngayong
Nakahanap ako ng iba gusto mo ulit agawin sa akin ha"sigaw niya niyakap agad siya ni miko at pinatatahan.
" Quenny i didnt mea--"
" WAG KANG LALAPIT BAKA KUNG ANO PA ANG MAGAWA KO SA IYO!"
" pero ---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sampalin ako ulit ni mama .
" KAPAG SINABI NG ANAK KO NA WAG KANG LALAPIT WAG KANG LALAPIT."
" pero--"
" ANO PURO NA LANG KASINUNGALINGAN ANG LUMALABAS DIYAN SA BIBIG MO"
" Pero mama "
" WAG MO AKONG TATAWAGING MAMA DAHIL ISA LANG ANG ANAK KO AT HINDI IKAW YUN"
" ano pong ibig ninyong sabihin mama" sabi ko habang nanginginig.
" HINDI KITA TUNAY NA ANAK" sigaw nito kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Quenny .
" HINDI YAN TOTOO" sigaw ko
"PERO IYAN ANG KATOTOHANAN
KAYA ---"
" KAYA ANO HINDI NINYO AKO TINATAWAG NA ANAK AT SALAHAT NG MGA SINABI KO SA INYO MAMA NI MINSAN HINDI KAYO NAKINIG SA AKIN TINIIS KO ANG PAGPAPAHIRAP NINYO SA AKIN DAHIL KAHIT NA GAANONG KAHIRAP ANG MAGING INA KAYO PINILIT KO DAHIL TINURING KO KAYONG INA AT AKO NI MINSAN HINDI NINYO ITINURING NA ANAK ," sigaw ko pa balik natigilan si mama maging si Quenny na umiiyak naging mahinahon na ako dahil ang hirap pa lang sumigaw habang umiiyak I continue "pero kahit na ganoon mama mahal kita ”
" SO PINAGSISIHAN MONG NAGING INA MO AKO PWESS PINAGSISIHAN KO RIN NA PUMAYAG AKONG AMPUNIN KA KAHIT NA PURO MALAS ANG IBINIBIGAY MO SA PAMILYA KO" sigaw ni mama habang umiiyak gusto ko siyang yakapin at punasan ang kanyang luha dahil kilala ko si mama bilang malakas hanggat maaari hindi niya ipinapakita sa iba na lumuluha at nasasaktan siya pero iba ngayon, hindi na niya ito naitago.
" mama i didn't mean it " sabi ko habang dahan dahang lumalapit sa kanya pero may sinabi siya na nagpaguho ng mundo ko
"umalis ka na dito ayoko ko nang makita ang pagmumukha mo dito sa pamamahay ko" mahinahon niyang sinabi pagkatapos punasan ang kanyang luha at direktang nakatingin sa akin .