Back off trash!!
You don't desserve to be here!
What's with her?why we would waste our voices to that weirdo girl?
Naglalakad ako ngayun sa hallway at iilan lang yan sa mga masasakit na salitang naririnig ko dito sa university.Nagsisinungaling ako kung sasabihin kung walang epekto sakin yan.Tao lang din ako nasasaktan pero hindi dapat yun maging dahilan para ako ay panghinaan.
Araw-araw ganyan ang trato sakin dito basura at hindi kabilang sakanila ayaw ko din naman na matulad sakanila na ginaganyan ang kapwa porke ba mas mataas sila saakin?dahil hindi ako lumalaban o pumapatol sakanila?.Ewan ko ayaw ko na ding alamin marami pa naman akong kailangang gawin na mas importante sakanila.
Tinitiis ko nalang ang mga yan,kung dyan sila sumasaya edi suportahan natin,kung dyan nila naiilalabas sama ng loob na dapat ay para sa iba?ubusin nila kamo ang boses nila,iniisip nilang mahina ako?sana nga may isip sila.
Kung naiinis kayo sakin?naaawa ako sainyo dahil pinagtutuunan nyo pa ng pansin ang taong walang pakielam sa mundo.
Problema nyo nalang sana ang pansinin nyo hindi ako na tititigan lang kayo hanggang mapagod kakareklamo.
Naglakad nalang ako papunta sa room namin ng hindi nagsasalita ng kahit ano.Isa lang ang kaibigan ko dito dahil nga basura ako diba wala naman sigurong mga langaw dito na lalapit sakin para makipag kaibigan.
Pumasok na ako sa room at binalewala ang mga masasamang tingin nila saka na ako magrereact kapag nagkalaser na ang mga yan at matutunaw talaga ako.Umupo ako sa pinakasulok at tabi ng bintana tamang-tama ang pwesto para sa isang basura gaya ko.
Naghiyawan na ang mga kaklase ko at pati sigawan ng mga taga kabilang section ay dinig na dinig isang hudyat na andyan na sila.Ang mga sikat dito sa CLAVE UNIVERSITY binubuo ng dalawang grupo.
Camille Cuerva-Tinuturing na prinsesa ng lahat sikat at makapangyarihan ang kanyang pamilya kaya ganun nalamang ang lakas ng loob nyang magreynahan dito.
Izy Villafuerte-Ang kanang kamay ng kanilang leader,sunod-sunuran kahit na puro mali ang ginagawa ng kanilang grupo.
Jaira Delo Santos-Pinaka maldita sa grupo madalas ay kasundo ito ng kanilang leader dahil hilig manakit ng mga estudyante.
Ruby Castillo-Pinakamaarte sakanila hindi mo pwedeng hawakan ang mga pagmamayari nyang gamit dahil tiyak na susugurin ka nito.
Sa susunod ko nalang ipapakilala ang pangalawang grupo dahil busy ako.
Pagkapasok ng apat ay nagsiyukuan ang mga kaklase ko bilang pagbati.Habang ako ay walang emosyon na nakatingin sakanila.Halata ang inis ni Camille sakin pero dahil sa mga nakapaligid sakanya ay kailangan nya itong pigilin.
Ngumiti nalang ako bilang pagbati sakanila pero mas lalo ata silang nainis.Hinihintay ko nalang ang kaibigan ko dahil paniguradong late na naman yun.May isang tao akong pinagkakatiwalaan sa university na ito at makikilala nyo den sya.Isang palaban na babae at maalaga minsan nga ay langaw ang tawag ko sakanya dahil kaibigan nya ang isang basurang tulad ko.
Hindi naman ito first day of school kaya nasanay nako sa ganyang trato sakin pero syempre hinihiling ko paden ang kapayapan dito sa university.
Sana nga ay sa mga susunod na araw maayos na ang trato nila sakin,SANA.
Expect typographical and grammatical errors ahead. More chapters to go,I hope it will be a nice story.
READ
VOTE
COMMENT
FOLLOW are highly appriciated.@MoonShines29
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT EVERY SMILE (On-Going)
Teen FictionA girl named ARISSA HESTY very mysterious,always the victim of bullies in CLAVE UNIVERSITY.They all notices why she don't say anything despite of all judgements she accepts everyday.A reason behind that smiles forms in her lips,the cold stares that...