As soon as Krislene's parents arrived, the four of them eat dinner together and honestly, kahit hindi paborito ni Krislene ang sinigang, nasarapan talaga sya dito. Lahat na yata ng katangian na gusto nya ay na kay Dylan. Here she is, a Princess of the Adriano family but Dylan treats her like a Queen. Imagine, sa buong oras na nagluto ito, pinapanuod lang nya ito. She wanted to help somehow but Dylan won't let her. Ang palaging sinasabi nito sa kanya?
You're the Queen so just sit back and relax and leave it all to me.
Kaya iyon nga ang ginawa nya. Pinagmasdan nya lang ito hanggang sa matapos itong magluto kaya't sobra-sobrang papuri na ang natanggap ni Dylan sa kanyang isip.
Matapos nilang kumain, nag-usap-usap pa si Dylan at ang mga magulang nya sa hapagkainan habang sya ay nagprisinta nang maghugas ng kanilang pinagkainan.
"Dylan Hijo, thanks for that delicious dinner." Hinging pasasalamat ng kanyang ina dito.
"It's always a pleasure Tía." Dylan politely answered.
"Ang sarap talaga ng sinigang. Parehas na parehas ng lasa ng luto ng Mom mo." Dagdag pa ng kanyang ina na ikinagulat nya.
So she choose to join the conversation while she's busy washing the dishes. "Magkakilala kayo ng parents ni Dylan Mom?"
"Yes anak. But there's more to that. Diba Kristoff?" Her Mom asked her Dad, giving emphasis to the latter 'diba Kristoff.'
Napansin ni Krislene na napangiwi ang kanyang ama bago tumango. "Y-Yeah well, that was all in the past."
At nang mapatingin sya sa kanyang ina, poker-face itong nakatingin sa kanyang ama.
"So Hijo, ano nga ulit iyong itatanong mo sa amin ni Selene?" Pansin ni Krislene na pag-iiba ng usapan ng kanyang ama.
Her Mom blew a loud breath before facing Dylan and this time, smiling sweetly at him. Mom and Dad are weird.
"Oo nga pala Hijo. You told us you want to ask something again. What is it?" Segunda naman ng kanyang ina kaya't napatingin sya kay Dylan.
Dylan glanced at her then smiled before he turned to her parents once again. "About that, Tío, Tía. I asked for your permission if I can bring Krislene to her happy place tomorrow right?"
"Yes and we already agreed Hijo." Sabi ng kanyang ina dito.
"Well, I want to ask again for your permission if we can stay there for like two to three days. Gusto ko po kasing mag-enjoy si Krislene."
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang ng makahulugan kaya't agad na nagsalita muli si Dylan. "Don't worry po. You can trust me with this one. Lene is safe with me."
"Dylan Hijo." Tawag ng kanyang ama sa atensyon nito.
"Yes Tío?"
"Kapag ba tumanggi ako, magpapapigil ka ba?"
Nagulat si Krislene sa tanong ng kanyang ama kay Dylan. Habang si Dylan naman, nakangiti pa rin sa kanyang mga magulang. Looks like, he's not shaken at that moment.
"No Tío. I'll still do my best to persuade you."
Then she noticed once again, her parents exchanging meaningful looks at each other then the both of them laughed.
"You never change Dylan." It was her Mother who spoke.
"P-Po?" Nagtatakang tanong naman ni Dylan pero sinuklian lang sya ng ngiti ng kanyang ina.
"Alright Hijo. You have our permission." Biglang sabi ng kanyang ama kaya't nalipat dito ang atensyon. "But just a reminder, Krislene is our Princess, meaning hindi marunong magluto, mag-grocery, mamalengke at maglinis ng bahay. Baka humilata lang iyan maghapon Dylan."
BINABASA MO ANG
Serendipity (Thalassophile)
RomanceSERENDIPITY (Thalassophile) 🔞 | MATURE CONTENT This story is written by K.Raye in Taglish. "I'm not perfect. I have flaws. There will be times that surely, our relationship might be affected because of my wrong decision makings. We may encounter a...
