Prologue

681 10 0
                                    

Isang araw na naman ng pagtratrabaho ko at nandito ako ngayon sa clinic ko. Merong nakaschedule saakin na magpapacheck-up daw sabi saakin ng Secretary ko, si Rhoda.

Bigla ay nagring ang telephone ko, Ako ang sumagot nuon dahil wala namam dito si Rhoda ngayon, nagpuntang cafeteria at may bibilhin daw siya.

"Hi Good Morning, this is Dra. Larissa Therese Hortaleza of St. Francis Medical Hospital. How may I help you?" Masiglang sabi ko sa kausap.

"Doctora, ako po ito yung guard sa 1st Floor." Sabi ni Kuyang Guard

"Ay, Kuya guard kayo po pala." Natatawang sabi ko, akala ko kung sino.

"Ahh Ma'am may nagpadala po kasi sainyo dito, hindi ko po kilala. Papakuha ko nalang po ba sa Sekretarya niyo?" Tanong ni Kiya Guard.

"Hindi na po kuya, Ako nalang po ang pupunta dyan. Wala po kasi dito si Rhoda, nasa cafeteria." Sagot ko.

"Ay ganun po ba Doc? Sige po at ihahatid ko nalang." Sabi ni Kuya Guard.

"Okay lang po kuya, aakyat pa kayo dito sa may 4th Floor." Sambit ko. "Ako na po, bababa nalang po ako dyan."

"Napakabait niyo po talaga, Doc. Sige po, aantayin ko nalang po kayo." Ani ni Kuya Guard.

"Sige po." At binaba ko na ang tawag.

Tumayo ako at inayos muna ang puting Lab Coat ko at nilapag ang stethoscope ko na nakasabit sa may leeg ko. Pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rhoda.

"Doc, saan punta niyo?" Tanong niya habang may dalang burger at drinks.

"Bababa lang, may kukunin lang ako." Sagot ko.

"Oh? Ako na po ang kukuha, Doc." Sabi niya.

Nakangiti akong umiling. "Ako na, kumain ka na dyan."

Tumango siya. "Sige ma'am, sabi nila pag-ayaw wag pilitin, baka kasi pumayag."

Nangunot ang noo ko, ano raw?? "Hay nako, sige na at bababa na ako."

"Sige, Doc." Sabi niya, tumango nalang ako at naglakad papuntang pinto saka lumabas.

Merong mga nurse na bumabati saakin na binabati ko rin naman pabalik. Minsan naman ay may mga pasyente na kilala ako at binabati ako kaya binabati ko rin pabalik. I'm not that popular, I'm just being kind.

Sumakay ako ng Elevator at may mga nakasabay ako na nurses. I gave them a small smile and a nod. Nang makababa ako sa 1st floor ay agad akong naglakad sa may gawi kung nasaan yung guard.

"Hello po kuya, nasaan na po yung pinadala?" Tanong ko.

"Ay eto na pala si Maam." Sabi niya at may inabot na... Dalawang kape at isang box ng donut? "Ito po yung pinadala, para sainyo daw po."

Nangunot ang noo ko. "Kanino daw po galing kuya?" Tanong ko at tinggap yung kape at donut.

"Wala pong sinabi na pangalan eh, ang sinabi niya lang po ay para sainyo saka pumasok dito sa ospital Doc." Ani ni Kuya.

Dahan dahan akong tumango kahit naguguluhan. Tinignan ko yung donut at may nakita akong sticky note duon.

Maybe you haven't eaten lunch yet because you're busy. Eat this donuts, don't forget to have some break. :))

Sinong nagpadala nito?

"Sige po kuya, aakyat na po ako. Salamat po." Nakangiting sabi ko.

Tumango si Kuya. "Sige po ma'am."

Ngumiti uli ako at tumalikod na. Iniisip ko parin hanggang sa may elevator kung sino ang nagpadala ng mga ito.

Nang marating ko ang 4th floor, kumaliwa ako papunta sa clinic room ko, pero may nakita akong lalaking kakatok na sana kaya binati ko ito.

"Hi Sir, I'm Miss Hortaleza. Are you the one---" Napatigil ako sa pagsasalita ng balingan ako ng lalaking iyon.

Ikaw....? At binalingan ko din ang batang babae na hawak hawak niya na inosenteng nakatingin saakin. Siya na ba 'to...?

Nag-iwas ako ng tingin, hindi ko alam pero nasasaktan ako. Pero kailangan kong alisin iyon, matagal na yun. Nakalimot na dapat ako, pero hindi parin pala.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon