"Andrei the wedding will gonna happen in two months time are you excited"
Masiglang balita ko dito.
"Nope" walang ganang tugon nito.
Nasaktan ako pero di ako nagpahalata.
Pinilit ko pa rin maging masigla sa harap niya.
"Joker ka talaga Andrei, anyway nagpunta lang ako dito para sabihin to sa'yo" kinuha ko na ang handbag ko.
"Bye!" Paalam ko dito.
"Go ahead maluwang ang pinto" pagtataboy nito sakin.
Dali daling binilisan ko ang paglabas ko.
Nakayuko akong nagpunta sa restroom.
At nagtungo sa isa sa mga cubicle dun at ni lock ko ito.
Pagkuwan ay naglabas ako ng tissue at nagsimula nang bumuhos ang kanina ko pa pinipigilan na luha.
Kahit na matagal ko nang alam na cold talaga sya sa akin pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya kahit alam ko na ayaw nya sa akin.
Dahil may iba syang mahal.......
Si Bianca Arevalo,
At ako?
Ako lang naman si Cameron Gutierez ang fiance ni Andrei Torrente.
Pero di nga ako gusto nito at napilitan lang sya dahil sa pamilya nya at kumpanya nila.
Pag sa harap ng pamilya at mga kaibigan namin napakasweet nya pero pag kaming dalawa lang ay singlamig ng yelo ang pakikitungo nya.
May pagkamasokista siguro ako nasasaktan na nga ako tuloy pa rin ako kahit na parang hangin lang ako sa paningin nya ay papansin pa rin ako nang papansin dito.
Nang humupa na ang nararamdam ko lumabas na ako at nagretouch ng make up ko.
Then i have a feeling na may nakatingin sa akin at pag angat ko nang tingin nakita ko si Bianca na nakangisi sa akin.
"What are you looking at?" Tanong ko dito.
Parang nakakaloko ang ngisi nito.
Isa pa itong babae na ito akala mo kung sinung maamo ang mukha at napakabait bait na nilalang akala mo ito ang inapi at inagawan pero nagpatawad pa rin dahil mabuti raw ang puso nito.
Puso her ass!!!
Kung alam lang nila na ito at si Andrei ay tuloy pa rin ang relasyon.
Pano ko nalaman?
Well nakita ko sila na nagmamake out lang naman sa office pa mismo ni Andrei.
Bigla kasi akong pumasok at nagulat kaming pare pareho pagkakita namin sa isa't isa.
Pero agad na nakabawi ako ng hinahon at mabilis na sinabunutan ito at hinila papalayo kay Andrei.
Malapit ko na itong mapalabas ng office ng maramdaman ko na lang na sinampal ako ni Andrei.
Nagulat ako at bigla akong nanghina sa naramdaman ko.
Ako ang Pinalabas nya ng office nya at pinagsabihan na tantanan ko si Bianca.
Tinangka ko ulit na pumasok pero pinagbagsakan ako nito ng pinto.
Di pa natapos nun dahil sakto na tapos na ang lunchbreak ng mga empleyado at nakita nila ang nangyaring pag eeskandalo ko.
Nakita ko na nagbulungan ang mga ito at nagtawanan pa may narinig ako pa nga na may nagwika ng buti nga sayo mag aagaw.
Pero di nila nakita ang nangyari bago nun.
Sabagay wala naman silang pakialam sa akin dahil sa mga mata nila ako ang
mang aagaw.....
Ako ang sumira ng relasyon ng pinakamamahal nilang boss at manager nila.
Ganun ako ka bad shot dito.
Kung may babaril siguro sa akin dito walang tutulong baka nga magbunyi pa sila pag nagkataon.
"Ang sarili ko masama na palang tignan ngayon ang kagandahan ko" wika ni Bianca.
Pagkaraan ay lumapit na ito sa salamin at nag ayos.
Pinagmasdan ko ito, masakit man pero....
Maganda ito at maputi makurba din ang katawan nito.
Kaya haling na haling dito si Andrei.
Di katulad nya simple lang ang itsura kahit mag ayos pa ako nang mag ayos wala pa rin pagbabago sa itsura ko.
"You know what?" Anito sa akin.
Di na lang ako kumibo
"Andrei and me will go to Bali two months from now kaya excited na ako" maarteng wika nito.
Napakaplastic talaga!
Pag kami lang dalawa lumalabas ang masamang ugali nya.
Pag kaharap nya si Andrei akala mo kung sinung mahinhin.
Pati na sa ibang tao.
Kahit sila uncle bilib na bilib dito.
Smart raw kasi ito at Maganda pa.
Teka two months from now?
Meaning ......
Sa araw ng kasal namin ni Andrei!?
Nanlalaki ang mga mata ko na napatingim dito.
At napangisi uli ito.
"Right Cameron sa araw ng kasal nyo ang alis namin, meaning pagkatapos ng kasal nyo kami naman ang aalis para maghoneymoon kaya kung ako sayo maghanap ka na ng makakasama mo sa honeymoon mo" at tumalikod na ito at iniwan ako.
Sobra na ito!
Ayoko na!
Parang ayaw ko nang ituloy ang kasal namin ni Andrei sa narinig kong sinabi ni Bianca.
Gusto ko nang kumawala sa sakit na nararamdaman ko.
《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》
A/N
Hello po sa mga nagbabasa nito at magbabasa nito.
Dun po sa mga nakabasa na sorry pero aksidente kong napindot ang delete story nung mag uupdate na ako kaya nabura ko lahat ng draft ko.
Kainis talaga nasa magandang part na ako eh
Pero wala uulitin ko na lang at ito na ang nangyari naiba na ang events ko
Kaya balik uli ako sa chapter 1.
(-- ¤ _¤ --)