Prologue
"Go! Papa! Go! Kaya mo yan!" Sigaw ko kay Papa na nasa boxing ring ngayon.
Inaamin ko nag-aalala na ako sa kaniya, kasi naman halatang pagod na pagod na siya. Pero kunti nalang, matatapos na ang third round.
"Yown! Go papa!!" Sigaw ko pa.
"Iyan! Suntok pa bong! Suntok pa!"
"Sige pa! Yan sa mukha!"
"Sa ulo! Yown!"
Napapsuntok pa ako sa ere sa tuwing natatamaan niya ang kalaban niyang payat. Napapa-iling naman ako sa tuwing si papa na ang natatamaan.
May biglang umakbay sa akin, tiningnan niya ako at nginitian.
"Sorry Laine, late kami." Sabi pa ni Fheris.
Umirap ako sabay ngiwi at chi-neer ulit si Papa. I was enjoying cheering my dad and I am even jumping when a pair of warm and big hand held both sides of my waist. Napalunok ako, lalo na ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa aking batok.
"Stop jumping, your big boobs are bouncing." His husky seductive voice almost made me faint.
"Manyak!" Hirit ko pa ng makabawi.
He smirked. "It's a compliment."
Mabuti nalang at tumunog ang bell kaya nabalik ako sa katinuan, mabilis kong inalis ang mga kamay niya at mabilis na pumasok sa loob ng ring para daluhan si Papa.
May malawak na ngiti ko siyang niyakap sabay talon. May iilan ding nakiyakap sa amin. Panay sabi ko ng congrats sa kaniya habang nasa ganoon kaming posisyon. I was enjoying our group hug when someone suddenly pulled me away from the group.
"Ano ba!" Angal ko sabay sama ng tingin sa kaniya.
But he cared less to my reaction, dahil nasa mga taong ka-group hug ko siya nakatingin. At ng tingnan ko ang naka-yakap ko kanina ay nakayuko na ang iba at namumutla, maliban kay Papa na nang-aasar na namang nakatingin sa akin. Napalabi ako at marahas na inagaw ang kamay ko mula sa kaniya.
"Braxten! Iho! Nakarating ka!" Masayang bati ni Papa na may makahulugang ngiti sa labi, at tinapunan pa ako saglit ng tingin.
Tumango si Braxten at tiningnan ako saglit. "Yeah, sorry I was late though."
"Wag kang mag english, di ka namin maintindihan." Pambabara ko.
Tinaas niya ang isang kilay niya, umirap lang ako. "I am nahuli kasi..."
Mapakagat labi ako para pigilan ang pagtawa, conyo.
"I was... natraffic." Dagdag niya pa.
Mahina akong napabungisngis, sinamaan niya ako ng tingin kaya ngumuso ako. Muntik na akong matunaw dahil sa paraan ng pagtitig niya, buti nalang at lumapit si Fheris sa amin.
Didiretso kaming lahat sa bahay para sa kunting salo-salo dahil sa pagkapanalo ni Papa. At ang magaling kong ama, siya pa mismo ang nagsabi kay Braxten na isama ako sa kotse niya, mabuti nalang at makakasama namin si Fheris, dahil naku! Kung kaming dalawa lang? Naku talaga!
"Kamusta pag-aaral, Lalaine? May sinagot ka na ba sa mga manliligaw mo?"
Mahina akong napamura dahil sa kadaldalan ni Fheris. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Braxten habang nasa kalsada parin ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑
RomanceDump me now... chase me forever. Read at your own Risk! Braxten Nyx Ashley •Ashley 6 (Third Generation) Date Started: 10/10/20 Date Ended: 12/12/20 Status: Completed. Editing.