Chapter 23

1K 33 3
                                    

Chapter 23

Braxten was silent the whole trip. Sa tuwing may itatanong akoy sasagot siya pero kung ano lang din ang tinanong ko.

Habang pinapanood ko ang mga sasakyan sumasalubong sa van na sinasakyan namin ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa di malamang dahilan. I looked at Braxten beside me who's talking with someone over his cellphone, seryosong seryoso siya at panay ang paggalaw ng kaniyang panga na tila ba galit na galit siya.

Wala naman akong naalalang ginawa kong ikakagalit niya kaya nagtataka ako kung bakit. Nangunot ang noo ko ng lampasan namin ang daan  patungog bahay namin, binalingan ko si Braxten na ngayoy nakatiim bagang habang nakatingin sa labas ng van.

"Braxten, san tayo pupunta? Doon lang ang amin ah?" Sabi ko sabay turo sa direksyong nilampasan namin.

He looked at me, at ayun nanaman ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "We're going somewhere else."

"Saan? Pupunta ba tayong Mall? Kasi nakalimutan kong bilhan ng regalo si Papa, pwede ba tayong dumaan ng Mall?" Sabi ko pa.


Humugot siya ng hininga saka tumango, he kissed my cheek and made me lean on his chest. He instructs the driver to stop in Gaisano Mall. Ng makarating kami sa Mall ay tila di mapakali si Braxten, panay ang tingin sa aming likuran at giliran na para bang nay sumusunod sa amin.


"Braxten? May problema ba?"

Tipid siyang ngumiti. "None, go on buy something for Papa."

Ngumiti din ako at tumango. Mabilis kong kinuha ang naka-hanger na damit, kulay dilaw ito-- paboritong kulay ni Papa, may nakadrawing na kamaong nakasuot ng boxing gloves. Matapos ko itong bayaran ay agad din kaming bumalik sa sasakyan. Braxten became more attentive to the people around us, baka di siya komportable kaya din ako nagmadaling pumili ng regalo para kay Papa.

"Secure the Area." Mahinang sabi ni Braxten sa kausap.

Humalukipkip ako saka tumingin sa daang tinatahak namin. Napatingin ako sa salitang nakalagay sa Malaking building. Kidapawan Specialists Hospital.

"Anong ginagawa natin dito?" Agad kong tanong kay Braxten ng makalabas ako sa sasakyan.

Tiningnan niya ang hawak kong supot na pinaglagyan ko ng regalo ko para kay Papa, he breath in  and out heavily before he look at my face. His eyes are telling me that he is so sad at worried, and it bothers me... a lot.


"Ok ka lang? Kanina ka pa eh. You seems... uneasy. "

"Baby, you trust me, right?" May nahihimigan akong pangamba sa  boses niya kaya mas lalo akong kinabahan.

Tiningnan ko ulit ang pangalan ng hospital. Nanganak na ba si Queen? Dito ba siya nanganak? Nag pa-dna test ba sila at lumabas na positibo ang bata at si Braxten? Is this why he is acting cold and didn't talk to much to me?


"Bakit nga kasi tayo nandito?" Naiiyak kong tanong. My voice is almost trembling.

"Just trust me." Masuyo niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

His grip tightens as we enter the hospital. Pinagtitinginan kami ng mga nurses at pasyente, may iilang doktor din ang napapalingon sa direksyon namin. Di nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng tanguan ni Braxten at iilang mga lalaking nurses. I got more confused. What is happening?

Mas nangunot ang noo ko ng makita si Auntie Magenta. Naka-upo siya sa waiting area ng O.R, umiiyak. Malalaking hakbang ang ginawa ko papalapit sa kaniya, nabitawan ko nga ang kamay ni Braxten dahil sa pagmamadali.



Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon