Chapter 2
Alam niyo yung makapal? I mean sino iyong makapal? Si Braxten!
"Sige na, Iho. Kain lang ng kain, iyan lang ang makakatulong para bumalik ang lakas mo." Masiglang sabi pa ni Papa sa kay Braxten na ganadong kumain.
Nakakutsara at tinidor siya, pero ang bilis bilis lumamon. Bagoong, hotdog, nilagang itlog at piniritong isda ang ulam namin, akala ko nga aarte ang isang tu, pero hindi, halos siya pa nga naka-ubos sa paborito kong bagoong.
"Of course, Pa." Sabi pa niya.
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya, maki-papa ba naman? Pero imbes na pansinin ako ay tuloy tuloy lang siya sa pagkain habang may ngiti sa mga labi. Umirap ako saka tiningnan si Papa na tuwang tuwa habang nakatingin kay Braxten na maganang kumakain.
"Pa." Tawag ko kay papa, nilingon naman niya ako, at si Braxten? Nakilingon na din!
"Ano iyon?"
"Baka magabihan ako ng uwi mamaya, ah? May praktis kami para sa Mapeh eh." Pagpapaalam ko.
"Sige. Basta mag-ingat ka sa daan. Kapag may nagtanong sa iyo, kung may nakita kang dayo." Saglit niyang Tiningnan si Braxten . "Sabihin mo, wala kang nakita."
Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka pero tumango parin ako. Tiningnan ko si Braxten pero agad ding nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Habang kumakain ay di parin mawala sa isip ko ang mga tanong na kagabi pa bumabagabag sa akin.
Sino ba talaga siya? Pakiramdam ko mayaman siya, kilalang tao siguro? Pero di naman siya ganoon ka tanda. Mga apat na taon lang ata ang tanda sa akin? May nabanggit siyang kidnap kagabi, pero kung nakidnap siya, dapat sa mga pulis siya lumapit, diba? Pero paano kung mga pulis pala ang humahabol sa kaniya? Paano kung kriminal siya?
"Hoi, Lalaine!" Sigaw ni Sassy sa mismong tenga ko.
Napaatras ako, sinamaan ko siya ng tingin akala ko hihingi siya ng tawad pero hindi dahil mas masama ang tingin niya sa akin..
"Ano nanaman bang iniisip mo?" Mataray niyang tanong.
Ibinuka ko ang bibig ko pero sinara nalang kalaunan. Bawal kong ipagsabi ang tungkol kay Braxten diba? Pero naikwento ko na kay Auntie Magenta ang patungkol sa kaniya! Hay nako! Kakausapin ko nalang mamaya si Auntie Magenta pagkauwi ko. Tsk.
"Ano na?" Muntik ko ng makalimutan si Sassy buti nalang nagsalita siya ulit.
Bumuntong hininga nalang ako. "Napa-isip lang ako kung normal pa bang ganito na ako katagal may crush sa kaniya, diba sabi nila kapag lampas four months mo ng crush ang isang tao ibig sabihin mahal mo na?"
Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip. "Eh kung di ka pa naman tanga! Iyong crush mo kinausap ka kanina pero tulala ka kaya ayun, umalis!" Sabi pa niya sabay turo sa pinto.
Napakamot ako sa aking batok. "Niloloko mo ata ako eh!"
"Ako pa manloloko? Hoi! Lalaine, ako ang pinaka-honest sa ating dalawa kaya wag kang ano!"
Tiningnan ko ulit ang pintong tinuro niya. "Bat naman siya aalis?"
Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Malamang! Napahiya siya eh, iyong kausap niya kasi walang pakialam."
Napalunok ako. Hindi ko naman kasi alam na nandyan pala siya!
Tumayo ako at naglakad na palabas ng pinto. Narinig kong tinawag ako ni Sassy pero di ko ito pinansin, dire-diretso lang ang lakad ko, hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap pero lakad parin ako ng lakad. Huminto lang ako ng makita siyang may kausap na babae, tumatawa silang dalawa, nanikip ang dibdib ko kaya agad akong naglakad pabalik ng classroom.
BINABASA MO ANG
Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑
RomanceDump me now... chase me forever. Read at your own Risk! Braxten Nyx Ashley •Ashley 6 (Third Generation) Date Started: 10/10/20 Date Ended: 12/12/20 Status: Completed. Editing.