Chapter 10
Wala naman akong ginawang kasalanan pero pakiramdam ko ay kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya, pero paano? Kung umalis na siya kaagad? Bumalik na siyang Manila ng hindi man lang nagsabi sa akin.
He is so confusing. Bipolar, tsk.
"Ok ka lang, Laine?" Tanong ni Sassy sa akin habang nasa tabi ko, sabay kaming naglalakad sa hallway ngayon habang may bitbit na mga libro.
Bumuntong hininga ako saka napagdesisyonang sabihin sa kaniya ang bumabagabag sa akin. "Iyong kaibigan ko kasi..."
"O, tapos?"
I cleared my throat. "M-may kaibigan siyang lalaki, I mean hindi sila ganoon ka close pero magkaibigan sila. Tapos itong kaibigan niyang lalaki ay bigla bigla nalang nagagalit, tumatahimik... alam mo yun? Iyong parang... ah basta!" Nahihirapan kong sabi.
Kumunot naman ang noo niya at saglit na nag-isip. "Hindi kita maintindihan, bes."
Tumahimik nalang ako at tumingin tingin nalang sa palagid. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Doydoy na may kasamang babae, pareho silang seryoso habang nag-uusap sa ilalim ng puno at kung di ako nagkakamali ay ang babaeng kausap niya ay ang ex niyang transferee. Agad kong hinila si Sassy palayo bago pa man niya matingnan ang nakita ko, alam ko kasing kung ano-ano nanaman ang sasabihin at gagawin niya kung sakali.
Buong araw kong pinilit na magfocus sa klase, ginugulo padin kasi ni Braxten ang utak ko. Mabuti nalang at wala kaming quiz sa kahit alinmang subject dahil tiyak na ako ang makakakuha ng pinakamababang puntos kung sakali. Tsk.
"Pa, kailan daw babalik si Braxten?" Tanong ko kay Papa habang sa pagkain lang nakatingin.
"Di ba siya nagsabi?"
"Di po."
"Hmm, ang sabi niya lang ay baka sa susunod pang taon siya makakabalik, graduating na kasi siya kaya kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral."
And that made me lose my appetite. Di ko alam kung ano but I felt betrayed and broken hearted na para bang iniwan ako ng karelasyon ko gaya ng sa mga pelikula.
Pinilit kong ubusin ang pagkain ko dahil tiyak na magtatanong si Papa. That night I couldn't sleep, hanggang sa lumipas ang ilang buwan ganoon parin. Hindi siya bumalik, at inaamin kong nalukungkot ako, pero nalilito parin ako sa nararamdaman ko. Possible bang gusto ko siya? Praning lang siguro ako at dala narin ng guilt.
"Alam mo kasi minsan akala mo mahal mo pero hindi pala. Malay mo nalilito lang iyang kaibigan mo, diba?" Pagpapaliwanag ni Sassy, I just nodded.
Kinwento ko kasi sa kaniya ang nararamdaman ko, and of course I didn't tell her it's me, ano nalang ang iisipin niya? She's my friend but theres something stopping me from telling her about Braxten, I can't figure what it is but it has something to do with fear. At isa pa, she firmly believed that Doydoy and I are on a secret relationship. Wala naman akong magawa, I got tired of denying it... not like that I'm lying though.
"Sa tingin mo parehong university ang papasukan natin pagdating ng college?" Tanong sa akin ni Sassy habang abala sa pagsusuri ng mga big notebooks. May gusto kasi siyang bilhin, iyong notebook na may encantadia characters.
I shrug even though she didn't see it. "Siguro, hindi pa kami nag-uusap ni Papa patungkol dyan. Baka dito lang ako magco-college, dyan sa CDK, ayaw kong iwan si Papa eh."
"Sus, mas maganda ang sa syudad nu! Sa Davao nalang kaya? Hmm, Ateneo de Davao?"
"Mahal." Nakangiwing sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑
RomanceDump me now... chase me forever. Read at your own Risk! Braxten Nyx Ashley •Ashley 6 (Third Generation) Date Started: 10/10/20 Date Ended: 12/12/20 Status: Completed. Editing.