Chapter 38

1.2K 29 2
                                    

Chapter 38

Kinakabahang umupo ako sa katapat na upuan ni Javier, nandito kami ngayon sa isang coffee shop, at mula ng nakaalis kami sa bahay ay wala akong narinig mula sa kaniya, he is not smiling as well. And I can feel it, he knows what happened.

"Doy, bat tayo nandito?" Tanong ko sa kaniya.

He tried to look at me but his attempt failed, agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Tinawagan ako kanina ni Tito, may suspect na."

Ito ang gusto ko diba? Ang makamit ang hustisya para kay papa, but why am I hesitating now? Why do I want to cancel everything? To make this investigation stop? At bakit kabang kaba ako ngayon? Alam kong hindi lang ito dahil sa kasalanan ko, kundi higit pa.

"S-sino? Sigurado ba siya? May ebidensya ba? N-nahuli na ba?"

He clenched his jaw, and look directly at my eyes. "Before I answer your question, can you answer mine first? May nararamdaman ka pa ba kay Braxten?"

Napalunok ako, I expect him to ask me that question but I still get so nervous. Ayaw ko na, ayaw ko ng mas dagdagan ang kasalanan ko sa kaniya. All he did is love me and be there when I need someone, he don't deserve me, he don't deserve a woman like me.

Tinanggap niya ako kahit pa ng malaman niyang namumuno ng isang grupo ng sindikato ang pamilya namin. Hindi niya ako iniwan. Tanggap niya ako. And I don't deserve him. He's too good.

"Sorry... I'm sorry Javier, maniwala ka, I tried, I tried to love you, I tried to forget him
Totoong gusto kita, you're there when I need you, you're there when I have no one, wala kang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin. And I'm sorry for cheating, I'm sorry for not telling you that I love someone else, I'm sorry for using you." I sincerely said.

Tumango siya saka Huminga ng malalim at nag-iwas ng tingin. Paulit-ulit niyang pina-igting ang kaniyang panga. Lumunok siya saka ako tiningnan.

"Sana lang ganoon din siya sayo."

I frown. "What do you mean?"

Mahal ako ni Braxten. Iyon ang sabi niya, mahal niya ako. At alam kong totoo iyon.

"Ang suspect ay ang mga Ashley." Seryoso niyang sabi.

Wala sa sariling napa-iling ako at napaatras. Tinitigan ko siya, waiting for him to say his lying, or even waiting to see a hint from his eyes that his lying, but I hear none, I see none.

"P-paanong nangyari iyon? It's impossible, baka naman false accusation lang iyan? Baka nagkamali lang. Hindi ko m-maintindihan, Doy."

"Marami ka pang di alam sa mga Ashley. Tito tried to file a case against them, pero wala ring nangyari sa huli, ang tito ko pa ang nawalan ng lisensya. Kung wala silang kinalaman bakit nila iyon ginawa kay Tito? They acted guilty. Pinigilan ako ni Tito na sabihin sa iyo tu pero ng makita ko siya kanina sa bahay mo, napag-isip isip kong dapat mong malaman ang totoo."

Marahas akong umiling tumayo, sobrang aga pa kaya wala pang ibang customer, pero napatingin sa amin ang cashier at ibang staffs.

"Hindi totoo yan. Walang kinalaman sila Braxten! Ano naman ang magiging motibo nila sa pagpapapatay kay Papa? Wala, Javier."

"Limitado lang ang alam ko kaya hindi ko masasagot lahat ng tanong mo. Pero isa lang ang nasisiguro ko, Braxten didn't love you, kung ano man ang ginagawa niya ay paniguradong may kinalaman iyon sa pagkamatay ng papa mo." Mahaba niyang salaysay.

"Hindi kita maintindihan. "

"Hindi mo maintindihan dahil ayaw mong intindihin, Lalaine." Seryoso niyang sabi. And I hate that he's  right.

Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon