Chapter 1

2.3K 42 4
                                    

Chapter 1

"Lalaine?"

Nabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita ang taong nasa harapan ko, agad akong namula at ibinaba na ang tingin sa papel ko. Shit! Natulala nanaman ako, ang gwapo kasi!

"Naintindihan mo na ba?" Malamig niyang tanong.

Lumunok ako, inangat ko ang paningin ko sa kaniya at nakangiting tumango. Tumango lang din siya at tumayo na.

"Tawagin mo lang ako kapag may di ka maintindihan, ha?" Malamig niya paring sabi, tumango ako, ilang saglit niya pa akong tinitingnan saka pa tuluyang naglakad pabalik sa upuan niya.

Napakagat labi ako saka nag nap, mahina akong tumili. Ang gwapo talaga! Mabuti nalang at walang nagpaturo sa kaniya kanina, siya kasi madalas ang nilalapitan ng mga kaklase ko sa tuwing may hindi sila maintindihan sa topic namin sa kahit na anong subject. Tapos ngayon! Ako! Ako ang tinuruan niya! Kyah!

"Kanina ka pa nakangiti na parang baliw na tanga na baliw ulit." Epal pa ni Sassy at sinubuan ulit ang Boyfriend niyang si Fracas.

Grade seven palang kami pero pangalawang boyfriend na ito ni Sassy, medyo nag-aalala ako sa kaniya kasi paano nalang kung magkamali sila diba? Pero matalino naman si Sassy di tulad ko kaya bahala nalang siya.


Matitino naman ang nagiging boyfriend ni Sassy, iyong ex niyang si Fred ay Grade nine at honor student, at itong si Fracas naman ay Grade eight at honor student din.

Inirapan ko si Sassy at tumingin nalang sa kahit saan, napangiti ako ng makita ko si Doydoy na naglalakad habang may bitbit na mga libro.

Tumayo ako. "Sassy." Tawag ko kay sassy na abala sa pagsubo sa kaniyang boyfriend. Girlfriend ba siya o yaya?

Tiningnan ako ni Sassy, nangunot ang noo niya ng makitang nakatayo ako. "Ano? Saan ka pupunta?"

Makahulugang ngumiti ako sa kaniya, iginala naman niya ang kaniyang mga mata at ng makita niya si Doydoy ay napalabi nalang siya at tumango.


Hinalikan ko siya sa pisnge saka umalis. Tumakbo ako ng makarating ako sa likod ng building, at ng makarating na ako sa pathway na tinatahak ni doydoy ay nagdahan dahan na ako sa paglalakad.




Nasa likuran niya na ako ngayon, mga tatlong metro nalang siguro ang layo ko sa kaniya. Sa likod ako kanina ng building dumaan para di niya malaman na sinusundan ko siya, alangan namang dumaan ako sa harapan niya tapos sundan ko, diba?

Nahulog ang iilang librong hawak niya kaya napahinto siya para pulutin ito, huminto din ako at tiningnan siya, ng mapulot na niya ang isang libro ay may nahulog ulit na dalawa. Napangiti ako pero agad din itong inalis, lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa pagpulot ng mga nahulog na mga libro.


Alam kong natigilan siya pero di ko siya pinansin. Napakagat labi ako ng manuot sa aking ilong ang kaniyang pabango. Tumikhim ako saka tumayo.


Nakatayo narin siya ngayon, nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Hirap na hirap na ako sa pagpipigil ng kilig, mabuti nalang at magaling akong umarte.

"Libro mo." Sabi ko pa sabay lahad ng dalawang librong pinulot ko.

Tiningnan niya ito saglit at ibinalik ulit sa mukha ko ang mga mata. Hindi ko mapigilang palubuhin ang mga pisnge ko, paano ba naman kasi! Nakakailang na nakakakilig!

"Can I ask you a favor?" Sabi pa niya. Kinabahan naman ako bigla.

"A-ano iyon?" Sheyt, nauutal na ako!

Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon