Chapter 4

1.2K 30 2
                                    

Chapter 4

Hinihingal na umupo ako sa upuang gawa sa kawayan, inabutan ako ng tubig ni Braxten agad ko naman itong tinanggap at ininom, Pagod akong sumigaw pagkatapos.

"It's just two rounds, your pagod already?" Hambog na sabi ni Braxten na hinihingal din pero hindi gaanong kalala gaya ng sa akin. Umupo siya sa tabi ko.


Sinamaan ko siya ng tingin, sinubukan kong tumayo pero agad ding bumalik sa pagkaka-upo. "Pagod na talaga ako." Pagsuko ko.


Tumawa siya saka pinasadahan ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri sa kanang kamay. Saglit akong napatulala sa kaniya pero agad ding natauhan dahil sa pagdating ni Papa.


"Pagod ka na, Laine?" Tukso ni Papa.

Hinihingal na tumango ako, tinawanan lang ako ni Papa at inabutan ng towel. Tinanggap ko ito at pinunasan na ang leeg, pero ng pupunasan ko na sana ang likuran ko ay inagaw ito ni Braxten sa akin at siya na ang nagpunas ng pawis ko sa likod.

Hindi ko alam kung bat bigla akong nahiya. Tiningnan ko si Papa, Nakangiti lamang siyang nanonood sa ginagawa ni Braxten sa akin. Ganun lang? Walang violent rection?


"Nagugutom ka na ba, Laine?" Tanong sa akin ni Papa.


Tumango ako, hindi pa kasi tapos si Braxten, tinupi niya pa ang towel at nilagay sa loob ng damit ko. Ano ba Lalaine! Walang malisya tu! Parang kuya mo lang naman siya!


"Sige, sabihan ko muna iyong mga estudyante kong magpahinga muna." Tiningnan niya si Braxten. "Ikaw muna bahala sa anak ko ah?"



"Yes, Pa." Nakangising tugon ni Braxten. Nasasanay na talaga siya sa pagtawag sa kay Papa ng Papa. Kapal.

Nandito kasi kami ngayon sa plantation, isa itong subdivision na mas malaki at malawak, dito madalas nagjo-jogging ang mga taga-rito, sabado kasi ngayon at isinama kami ni Papa sa jogging nila ng mga estdyante niya. Nakasuot ako ng pajama at makapal na telang t-shirt, habang si Braxten ay naka-sando at naka-pajama. Klarong klaro ang abs niya sa  suot niyang puting sando dahil hapit na hapit ito sa katawan niya. Kaya nga din maraming kanina pa nagpapapansin sa kaniya.



"Hi! Bagong lipat ka dito?" Tanong pa ng isang babaeng mukhang amerkana dahil sa maputi niyang balat, naka sobrang iksi siyang shorts at sports bra. Mag-jojogging ba siya? O sasayaw sa bar? Tsk.


"No, I'm not from here." Nakangiting sagot naman ni Braxten.

Di ko maiwasang pang-liitan siya ng mata dahil sa inasta niya. Ganito siya lagi eh, kapag may babaeng lumalapit sa kaniya at nagpapacute ay laging ganito ang ngiti niya, parang nanlalandi? Ano nga iyong tawag sa mga lalaking ganoon? Playboy?


"Aw, akala ko your from here. By the way I am Gel, you are?" Nakangiting saad ng babae sabay lahad ng kamay sa kay Braxten.

Nangunot ang noo ko ng tingnan pa ako ni Braxten saka sinagot ang babaeng kaharap. Hindi naman halatang malandi siya nu?

"I'm Bruno..."

Napataas ako ng kilay dahil sinabi niya. Bruno? Ano siya, aso? Diba? Kadalasan sa mga aso pangalan Bruno? Lalo na kapag bulldog.


"Such a hot name." Malanding komento ng babae ng makipag-kamay na sa kaniya si Braxten. May pakagat labi pa siyang nalalaman. Ew.


"Landi." Mahinang bulong ko, akala ko walang nakarinig pero meron pala.


"Oh, may kasama ka pala, kapatid mo?" Malambing na sabi niya kay Braxten at nilapitan ako, she even patted my head! "Hi ako si ate Gela, ang gwapo ng kuya mo nu?"


Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon