Chapter 39
WARNING: Sensitive scenes ahead. You've been warned.
From Jeremiah:
You should've text me that you won't be working in me anymore, wala kang utang na loob.Namilog ang mata ko ng mabasa ang text sa akin ng boss ko. Goodness, may trabaho pa pala ako! How could I forget?! Ako nalang kasi ang naiwan dito sa bahay, ang sabi ni Braxten ay may bibilhin lang daw siya. Kaya heto ako ngayon sa banyo ko maliligo na sana ako ng mag text si Jeremiah.
Nagmamadali kong dinial ang number ni Jeremiah, ilang rings lang ay sinagot niya ito kaagad.
"I'm so so sorry, Jeremiah, may emergency kasi, ikwe-kwento ko kapag nagkita tayo sa personal-"
He sigh in the other line. "Lalaine, I know you're in a quite not good situation right now, but you could've text me, para naman hindi ako mamoblema dito-"
"Sorry na nga! Wag ng pabebe Jeremiah."
"Ikaw pa ang galit? You know what, you better make your mind now, magreresign ka na ba?"
"Bat naman ako magreresign?" Taka kong tanong.
"You're getting married right?"
Mas nangunot ang noo ko. How did this man know? Di ko naman siya sinabihan.
"Hindi na tuloy ang kasal."
"You mean, hindi na tuloy ang kasal niyo ni Braxten?" Taka niyang tanong na may himig ng panghihinayang.
Napairap ako at napangiwi. "Saang lupalop mo naman nakuha iyang sinasabi mo? Di na tuloy ang kasal namin ni Javier, at anong Braxten? Ako? Ikakasal kay Braxten?"
"Hindi ba?"
"Sinong may sabing-." May biglang sumabog sa kung saan kaya nabitawan ko ang cellphone ko dahilan ng pagkahulog neto sa sink.
Agad akong tumakbo palabas ng banyo. Kinakabahan akong nagtago sa ilalim ng kama ko. I don't know why I did but I just feel like I need to hide. Damn it.
Napatakip ako sa sarili kong bibig ng may marinig akong mga yapak papalapit. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto, tatlong pares ng mga sapatos ang pumasok sa kwarto ko. I heard some of my things fell on the floor, ang iba nga ay nabasag.
"Nasan na ang babaeng iyon?"
"Wala dito, baka naman pinatago siya ni Braxten?"
"Ang lakas ng loob ng batang iyon na kalabanin si Boss, akala niya kaya niya si Boss?"
"Nakita ko tu sa banyo, paniguradong nandito ang babaeng iyon, o baka kakatakas lang. Mabuti pa ako na ang maghanap dito sa loob ng bahay, kayo naman libutin niyo ang labas, baka nandyan pa. Bilis!"
Mabilis na umalis ang dalawa, habang ang isa sa kanila ay nanatili parin, mabagal ang bawat hakbang niya, hindi siya palabas kundi para niyang pinagmamasdan ng maigi ang kama ko. Alam kaya niyang na dito ako?
Ginalaw ko ang kamay ko, napatingin ako ng may nasagi akong isang bagay, pepper spray. Agad ko itong kinuha at binuksan, I shake it and tried to spray to see if it still works when someone suddenly held my toes and pull me out from where I was hiding. Napahiyaw ako.
"Ah! Bitawan mo ako!" Hiyaw ko.
He grab my hair and made me stand up, napapikit ako sa sobrang sakit. Nasa likuran ko siya kaya di ko makita ang mukha niya. Naramdaman ko ang paglapit ng bibig niya sa aking tenga. My breathing hitched.
BINABASA MO ANG
Dumped by Mr. Playboy (ASHLEY 6) ☑
RomanceDump me now... chase me forever. Read at your own Risk! Braxten Nyx Ashley •Ashley 6 (Third Generation) Date Started: 10/10/20 Date Ended: 12/12/20 Status: Completed. Editing.